CHAPTER TWENTY-FOUR
LJ'S POINT OF VIEW
"I'm sorry, Lj. It's all my fault," sinuklian ni Johnder ang yakap ko na mas nakapagpahagulgol sa akin. He lifted my face and wiped my tears. "Let's get you out of here."
Walang imik akong tumango sa kaniya. Mabigat pa rin ang loob ko pero kahit papaano ay gumaan din naman iyon.
He carried me, bridal style, to the car. But before that, he make sure first that I won't die from blood loss. It was my very first experience getting a gunshot wound that's why I wasn't able to contain my grunts while he was tying a torn piece of his shirt on my wound to stop it from bleeding.
Papalapit na kami sa kotseng dala ni Johnder nang may sumalubong sa amin. Naalarma kami nang makitang si James iyon.
"Anong kailangan mo sa amin?" Johnder asked in a serious tone.
Itinaas ni James ang dalawang kamay niya bilang pagsuko. "I'm not going to harm the two of you. I just want to give you this," may inihagis siya. Dahil nga buhat ako ni Johnder ay hindi niya nasalo iyon. "Nakalimutan kong ibigay 'yan sayo kanina, Lj."
Napaatras ng kaunti si Johnder marahil sa takot na baka ay bomba iyon.
"Huwag kang mag-alala hindi bomba iyan. You can use it in time of need," he assured us.
"Why are you doing this?" Muling tanong ni Johnder.
"Who knows?" He shrugged. "By the way, take care. Hindi palaging panig sa inyo ang swerte," then he took his leave.
Nang hindi na namin siya natatanaw ay dinala muna ako ni Johnder sa kotse saka niya binalikan yung bagay na ibinigay ni James sa amin. "It's a key wrapped in a piece of paper that looks like a hand drawn map," inilagay niya ang mga ito sa bulsa niya at pinaandar ang kotse.
"Ayos ka lang? What are you feeling?" Sunod-sunod na tanong niya sa akin habang nagmamaneho. He keep glancing at me.
"Please focus on the road," paalala ko sa kaniya bago ko sinagot ang tanong niya. "I'm not fine, physically and mentally but I can manage. I'm sorry if I blew everything up. Kung mas nag-ingat lang sana ako ay hindi ito mangyayari," naikuyom ko ang kamao nang maalala ang nangyari.
"What are you saying? Hindi mo kasalanan kung bakit nila nalaman ang totoo."
"Please don't try to comfort me with lies. It makes me feel worse than I already am," mapait kong wika.
"Nagsasabi ako ng totoo, Lj. Maniwala ka man o hindi, hindi ikaw ang dahilan kung bakit nalaman nila na malaya tayong nakakagalaw sa teritoryo nila. Hindi pa alam ni Gwen kung paano nila nalaman pero ginagawa na niya ang lahat ng makakaya niya para alamin kung ano o sino ang dahilan nito. At isa pa ay, huli na nang malaman namin na gano'n pala ang nangyari dahil nakaalis kana kasama si James," paliwanag niya.
Napatingin ako sa kaniya. "Really? Ibig sabihin ay hindi dahil sa plano ko kaya nalaman nila kung sino talaga ako?"
He nodded. "Ako pa nga ang dapat humingi ng tawad sayo kasi kung hindi dahil sa kapabayaan ko ay hindi mo mararanasan iyan. I'm sorry, I genuinely am," dagdag niya pa. "I'm sorry. I'm useless as ever," humigpit ang kapit niya sa manibela habang nakatingin sa daan.
"Palagi nalang kitang binibigo. Kaya nga ako sumama sa inyo dahil gusto kong siguruhin na magagawa mo ang dapat mong gawin at makakauwi ka ng ligtas sa pamilya mo tapos hinayaan ko namang may mangyaring masama sayo," pumalatak siya. Halata ang pagkadismaya sa boses niya.
"Teka, sumama ka dahil sa akin? Pero paano yung mga magulang mo?" Naguguluhang tanong ko sa kaniya.
"They're dead," he sadly stated. "I lied when I told all of you that some infected people chased me on my way to school. I wasn't yet ready to face the truth back then. Nang makita ko kung paano inatake ng mga magulang ko ang isa't-isa dahil nahawa na sila sa virus ay tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa harangin ako ng mga zombies sa daan kaya nagtago ako doon sa convenience store kung saan niyo ako natagpuan. At nung nakita kong kasama ka nila ay sumama nalang din ako sa inyo, kahit gaano ka pa naiinis sa prisensya ko, dahil gusto kong siguruhin na magagawa mong maka-evacuate ng ligtas, makabawi man lang ako kahit papaano sa ginawa ko sayo noon."
BINABASA MO ANG
The Start of the Fall
HororLet's go back to the time when it all started- to the start of the fall. Back when a single ambition ruined it all.
