CHAPTER EIGHTEEN

111 7 0
                                    

CHAPTER EIGHTEEN

LJ'S POINT OF VIEW

"Oh no! Jennie! Jennie!" Tinapik-tapik ko ang namumutlang mukha ni Jennie para pigilan siyang mawalan ng malay. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang bahid ng dugo sa kamay ko. Her wound on the back was bleeding profusely.

"J-Jennie..." Paluhod na ibinagsak ni Zalder ang katawan niya sa harap ni Jennie na nakahiga sa hita ko.

Nakarinig kami ng tunog mula sa paparating na sasakyan pero hindi namin iyon pinansin. Wala na kaming pakialam kung makalapit man sa amin yung mga kalaban. Jennie is our top priority right now.

The sound from a vehicle halting was followed by Christian's voice.

"Hey, ano pang hinihintay niyo? Malapit na yung mga- fucking hell! Anong nangyari kay Jennie?!" Mabilis kaming dinaluhan ni Christian. Kasunod niya yung iba na halatang gulat din sa pangyayari.

Doon na ako parang natauhan. "W-We don't have time for explanations. Kailangan na nating makaalis dito. Tulungan mo kaming ipasok si Jennie sa loob, Christian," utos ko na mabilis niya namang sinunod.

Izelle instructed him of what to do while we took our seats, ready for fleeing. Doon pinapuwesto si Jennie sa likod para may mahigaan siya habang sinusubukan ni Izelle ang makakaya niya para malapatan ito ng first aid. Magkatabi kami ni Zalder na nakaupo sa harap nilang dalawa. He chose to abandon the car instead of leaving Jennie here.

Kabado kaming sinusundan ang bawat galaw ni Izelle lalo na ang pagtaas baba ng dibdib ni Jennie, mga takot na baka bigla na lang siyang bawian ng buhay. Maaari kasing natamaan ng bala yung baga niya. Dagdagan mo pa ng walang humpay nitong pagdurugo. Hinintay namin ang sasabihin ni Izelle pero nanatili lang itong tahimik habang ginagawa ang lahat ng kaniyang makakaya para tulungan si Jennie.

"Izelle, how is she?" Tanong ni Zalder.

"Her wound is not that deep. Pero kapag hindi ito naagapan kaagad ay maaari itong lumala," sagot ni Izelle.

Umurong siya pagilid para mas maayos niyang makausap ito. "Pero kaya mo namang kuhanin ang bala, 'di ba?"

Umiling ito. "No, I can't. Getting the bullet off of her is not easy. It needs to be done by someone who knows the right procedure. I am just a student and I know nothing about it. All I can do is to temporarily stop the wound from bleeding."

So it means...

"Ibig sabihin ba niyan ay kailangan nating humanap ng doktor na gagawa no'n? Kagaya ng sinabi mo nung nabaril si Johnder?" Pagkumpirma ko sa naisip.

"Unfortunately, yes."

"Oh God..." Singhap ni Desirene sa tabi ko.

Sa sinabi ni Izelle ay parang mas nanghina ako. Saan kami makakahanap ng tao dito na maaaring makatulong sa amin? The terrorists are not our only enemy here, it includes time. Hinahabol kami ng oras at sa bawat pag-ikot ng kamay ng orasan ay mas nagigipit kami. Napakaliit ng tsansa na magtagumpay kami sa binabalak namin. It's clear that things are not going according to our plan, it worsen.

"Hindi, hindi natin kailangan pang humanap ng ibang tao. Alam kong kaya mo, Izelle. You're smart, you can do anything. Just try it. Save, Jennie," Zalder begged. Wala na siyang pake kung masiyado mang halata ang nararamdaman niya. Ang importante lang sa kaniya ay maligtas si Jennie.

The Start of the FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon