CHAPTER THIRTY-FIVE
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
Patuloy ang pagtakbo nina Lj, Kelly, at Roland habang hinahabol ang mag-ama. Yumayanig ang paligid sa sunod-sunod na pagsabog kaya nahihirapan silang ibalanse ang sarili. Dumagdag pa ang mga kalabang pilit humaharang sa kanila. Tila yata mas gumulo ang paligid nang dumating ang tulong na tinutukoy ni Roland.
Kelly stopped running when she saw where they are being lured into. "This is a trap," she said. "Let's go back."
"Bakit naman?" Tanong ni Lj matapos sipain palayo ang isang kalabang sinuntok ni Roland.
"Pinapasunod niya tayo papunta sa kung saan nakakulong ang mga failed experiments nila. Sigurado akong may pinaplano siyang hindi maganda," paliwanag ni Kelly.
Nagkatinginan sina Roland at Lj. They were starting to contemplate when suddenly, a scream was heard.
"Si Gwen!" Tila nawala sa isip ni Lj ang sinabi ni Kelly dahil kaagad itong tumakbo papunta sa pinaggalingan ng sigaw. Walang pag-aalinlangang bumuntot si Roland dito.
"Gusto niyo ba talagang mamatay?!" Inis na sigaw ni Kelly sa dalawa na hindi pinansin ng mga ito dahil sa pagmamadali. Tumalikod na siya. "If you want to die, then go! Not me though."
Tumalikod na ang dalaga ngunit napatigil siya nang maalala ang tagpo kasama ang babaeng minsan na niyang itinuring na pangalawang ina.
"They are not your enemies."
"Help them, Kelly. I beg you."
"If only I didn't agree with her, then I wouldn't be in this situation right now," inis na bulong ni Kelly. Wala siyang nagawa kun'di sumunod sa dalawa.
Nadatnan niya ang dalawa kasama ang mag-ama. Sakal-sakal ng ama ni Gwen ang kaniyang anak na animo'y wala itong pakialam kung sino ang sinasaktan. His one arm is bleeding from a bullet wound, creating a pool of blood on the floor. The other hand is holding a gun. It seems like his daughter shot him a while ago.
Napansin ni Roland ang napakadaming human-sized tube containers sa likod ng mga ito. It contains zombies of different transition periods. Some of them are already rotting mindless zombies, but some still have consciousness and are still struggling to fight the virus inside them.
Kutob ni Roland ay tama si Kelly. Mukhang may masama ngang balak ang ama ni Gwen sa kanila. Despite that, he refuse to leave Lj alone in here.
"Bitawan mo si Gwen!" Sigaw ni Lj.
Napailing na lang si Kelly sa lakas ng loob ni Lj na utusan ang lalaki. That attitude might be the reason why they are still alive up to this day.
"D'yan lang kayo!" Nahihirapang pigil ni Gwen sa kanila. She's struggling to free herself from her father's grasp.
Napaatras ang tatlo nang tutukan sila ng baril ng ama ni Gwen. "Take a step forward and this girl won't see the light ever again," banta ng ama ni Gwen.
"How could you do this to your own flesh and blood? Anong klase kang ama?!" Nanggagalaiting sigaw ni Lj. Hinawakan naman ni Roland ang balikat nito para pakalmahin.
"I don't need a traitor. They deserve to die," he coldly said. Suddenly, a taunting smile appeared on his face. "Oh yeah, you are no different from her. Traydor din kayo sa mga kasama niyo, hindi ba?"
Kumuyom ang kamao ni Lj. "Don't you dare!" Sigaw nito sa lalaki.
"What is he saying, Lj?" Tanong ni Roland dito.
BINABASA MO ANG
The Start of the Fall
HororLet's go back to the time when it all started- to the start of the fall. Back when a single ambition ruined it all.