CHAPTER TWELVE

93 7 0
                                    

CHAPTER TWELVE

ISABELLE'S POINT OF VIEW

The metal doors opened revealing him with his two guards. The guards stayed outside the room while he went beside me. "How's the result?"

"I'm sorry pero hindi ko magagawa ang ipinag-uutos niyo. I am not capable enough to do it," tugon ko habang nakatitig pa rin sa screen.

"That's why I'm here. Just tell me what you need and we will make sure to send all of the help that we can give, from skilled scientists to advance equipments that we have," dumungaw siya sa computer na kaharap ko.

"I told you, hindi ko kontrolado ang pathogen. What you want me to do is just impossible. I could not do it, not without the help of my previous colleagues who are now dead," ipinagpatuloy ko ang pagtitipang ginagawa. "Not because a head is in charge of everything, it doesn't mean that it can do anything that others in lower degree do. It needs the other parts to function."

"And what are you implying?" Lumingon siya sa akin.

I pressed my lips into thin line. "Pakawalan niyo na ako. I already did what you told me to do," tumayo ako saka siya binalingan. "There's no point on staying here. Hindi niyo na ako kailangan. Mayroon kayong sapat na samples para sa iba pang kontinente kaya hindi ko na kailangang gawin pa 'to."

Umayos siya ng tayo. "You can't, really? Or you just won't?"

I breathe in a lungful of air and exhaled it. "Because turning it into a deadlier pathogen is just absurd!"

"Absurd, huh? Ngayon mo pa naisip 'yan? Bakit nung ginagawa niyo ang experiment na iyon, hindi ba 'yan pumasok sa isip mo?" Inilagay niya ang dalawang kamay sa kaniyang likod at nagpalakad-lakad sa harap ko. "Oh, wait, I almost forgot!" Tiningnan niya ako na parang nang-aasar. "Hindi ba't ikaw ang may pasimuno nito? The higher-ups chose you to lead the experiment because you are the one who suggested it. It's your idea, right?"

Napaiwas ako. "I just want the best for the humanity. I-I didn't know that it would end up like this. Kung alam ko lang na mapupunta 'yon sa maduduming kamay niyo ay sana pala matagal ko nang ipinatigil ang pag-e-experiment no'n. You were the ones to blame!"

He smirked. "There's no need for us to point fingers on each other now, do we? Ang mas mabuti pa ay gawin mo na lang kung ano ang trabaho mo. O baka gusto mong ipalala ko sayo kung bakit ka nandito? Should we call-off the deal and we'll----"

I gritted my teeth. "Don't you dare touch her!"

Tumawa siya saka ibinagsak ang dalawang kamay sa lamesa. Napapikit ako. "Then do as told! Bago pa magbago ang isip ko," he trailed. May kinuha siyang litrato sa kaniyang bulsa. Agad ko naman iyong hinablot sa kamay niya. "At sirain ko ang premyo," tumalikod na siya.

"Ano bang mapapala niyo sa ginagawa niyong 'to?! Domination?! Conquest?!" Sigaw ko sa kaniya. "Pinapahirapan niyo lang ang sarili niyo----" pinutol niya ang dapat ay sasabihin ko.

"Redemption," humarap ulit siya sa akin nang nasa may pinto na siya. "That's what we are aiming for. At kahit kailangan ay hindi niyo iyon maiintindihan," nilamon siya ng pintuan na tanging likod lang niya ang huling nakita ko.

The Start of the FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon