CHAPTER THIRTY-SEVEN

59 5 1
                                    

CHAPTER THIRTY-SEVEN

LJ'S POINT OF VIEW

Nasaan na sila?!

Napakadilim ng paligid. I can barely see anything if not for the faint light that's coming from the cracks underneath the doors in the hallway, which I suppose came from the emergency lights inside. Halos yakapin ko na ang dingding para lang maiwasang hindi madapa.

Kanina ko pa hindi mahagilap ang mag-ama. Nawala kasi sila sa paningin ko nang biglang mamatay ang mga ilaw. Iyan tuloy ay kailangan kong pakinggan ang paligid para sa maaaring muling pagsigaw ni Gwen. Nagbabakasakali ako na baka masundan ko sila gamit ang sigaw nito pero bigo ako kanina pa. Sa sobrang lakas kasi ng sigawan mula sa mga tao ay mahirap hanapin kung alin sa mga ito ang galing kay Gwen.

Sa paglalakad ko ay nakakita ako ng lalaki sa unahan kaya ay napatigil ako. Nung una ay akala ko kalaban ngunit sa pananamit nito ay mukha itong sundalo.

"Excuse me—" I was about to approach the person to ask for help when I realized something.

Unsteady walk, barely audible growling, and a stench of rotten meat. This is definitely not a soldier. This is a freaking zombie!

Mabilis ngunit may pang-iingat na lumayo ako dito saka tumakbo palayo. I was too preoccupied by the thought of finding Gwen that I almost got preyed upon by this monster.

Sa pagdaan ng oras ay dumarami ang nakakasalubong kong mga zombie. Mukhang nakawala ang mga ito sa kanilang kulungan ng dahil sa kaguluhan na nangyayari.

This makes everything even more complicated. Hindi na lang ang mga kalaban ang kailangan kong iwasan pati na din ang mga halimaw na iyon.

As I run, I noticed that people are not fighting against each other anymore. They are now fighting a common enemy: the zombies. Kalaban man o kakampi ay hindi ligtas sa mga gutom na halimaw. Ang iba sa mga taong nadadaanan ko ay pinagpipiyestahan na ng mga ito.

It was hard trying to find my way out while trying to avoid close contact with the enemies since there are different routes to take and it is so damn dark in here. It is like a maze where unexpected enemies coming from any direction may spawn at any moment from now.

If only Kelly was here to guide me...

Sumikip ang dibdib ko nang maalala ko ang nangyari kanina. "I hope they are safe," bulong ko sabay buga ng hangin para gumaan ang dibdib ko.

Lumiko ako sa kaliwang pasilyo ngunit laking-gulat ko nang may makasalubong akong zombie sa direksiyong tinahak ko. Dali-dali akong tumalikod para lang mapamura dahil napupuno na pala ng zombies ang pasilyo na pinaggalingan ko. Papunta na ang mga halimaw sa akin at mukhang ako naman ang gusto nilang lapain.

Shit! This is getting out of hand!

May isa pang ruta kaya doon ako dumaan ngunit nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang babae na nakaharang doon. Hindi ko maaninag kung tao ba ito o hindi dahil sa liwanag na biglang tumama sa mga mata ko. Huli na nang subukan kong huminto sa pagtakbo dahil nasubsob na ako sa kaniya.

Napadaing ako sa sakit na dulot ng pakakatumba pero hindi ko iyon ininda. Mas lamang ang takot ko sa mga nakasunod sa akin na mga halimaw kesa sa sakit ng impact na dulot ng nangyari.

Hindi pa man nakaka-recover ay nagmamadali akong tumakbo palayo. Hindi ko na nagawang lumingon pa kahit na dinig ko ang pagtawag ng kung sino mula sa likod ko.

"Miss, halika! Let's go this way," sigaw ulit ng boses mula sa aking likuran.

Hindi ko iyon pinansin kaya laking gulat ko na lang nang bigla akong hilahin ng kung sino. Nangunguna ito sa pagtakbo habang nakasunod naman ako.

The Start of the FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon