CHAPTER THIRTY-ONE

77 4 0
                                    

CHAPTER THIRTY-ONE

LJ'S POINT OF VIEW

"Lj, gising..." I heard a familiar voice calling me faintly.

"Lj, gising." It called again.

It is Johnder's voice. I'm sure of it. I can see his face while he's calling me but it doesn't feel real. It's more like a distant memory that I can barely remember.

"Johnder," sambit ko habang nasa gitna ng kadiliman. May kung anong tuwa akong naramdaman.

He smiled and said my name again, "Lj... Gumising ka na."

As if on cue, I opened my eyes. Hinawakan ko ang dibdib kong kumirot dahil sa napanaginipan ko. He looks happy in there but I feel sad because I miss him- I miss them.

If only I can turn back time.

I stared at nothingness for so long that I failed to notice my cousin whimpering not far from me. Lumingon ako sa gilid ko at doon na ako natauhan. Naalala ko ang huling nangyari sa amin bago pa man ako nawalan ng malay. Mixed emotions surge me like a raging wave.

"Desirene!" Nahihirapan man ay dinaluhan ko ang pinsan ko. "Okay ka lang ba?"

Desirene is silently crying on the corner of the room with her knees tucked in her chest and her face is resting on it. Sinusubukan niyang takpan ang dumudugo niyang sugat sa balikat pero hindi niya maabot dahil nakatali din ang kamay at paa niya tulad ko. I've never seen her look this messy before.

"Lj!" She called back. Mas lumakas ang pag-iyak niya.

"My gosh, you're bleeding!" Puna ko. "We need to treat that as soon as possible before you lose more blood," sabi ko pero hindi niya ito pinansin.

"I swear Lj, hindi ko sinasadya. They tricked me!" Sumbong niya na parang isang bata.

"You need to calm down, Des."

I was panicking because she's losing a lot of blood but here she is, thinking about what happened instead of worrying about her situation. Kahit anong sabihin ko ay ayaw niya itong pansinin kaya ay hinayaan ko muna siyang sabihin ang gusto niya bago siya kumalma.

"Isa akong napakalaking tanga. Akala ko kapag itinuro ko sa kanila kung nasaan yung blackbox ay papakawalan nila kami pero hindi pala. Ayan, nadamay ka pa tuloy. Maniwala ka man o hindi pero hindi ko ginusto 'to, Lj. Patawarin mo ko," pautal-utal niyang saad.

Gusto ko man ay hindi ko siya magawang yakapin dahil sa tali ko sa kamay kaya ay hinayaan ko na lang siyang sumandal sa dibdib ko habang umiiyak.

"Wala kang dapat ihingi ng tawad, Des. Tahan na," pagpapatahan ko sa kaniya.

"Hindi, kasalanan ko 'to e. Mahina ako kaya nangyari ito. Kung sana ay nagawa ko kayong protektahan ni Reese gaya ng pagpoprotekta niyo sa akin ay wala sana tayo dito ngayon."

Naalala ko ang sarili ko sa kaniya. It feels like I'm seeing myself in her who can't help but blame herself because of guilt. Kaya pala gano'n na lang mag-aalala sina Roland sa akin. Kasi ang sakit pala sa dibdib na makitang sinisisi ng taong mahalaga sayo ang sarili nila kahit alam nilang hindi nila kasalanan ang nangyari. We are just one of the helpless victims of this apocalypse.

"No, listen, Desirene. I can understand you. Alam ko kung gaano kahirap ang isiping kasalanan mo lahat pero maniwala ka sa sasabihin ko; wala kang kasalanan. You're not weak so stop blaming yourself over a situation that you can't even control. Instead, start thinking of a way we can escape this place. Tandaan mo, buhay pa tayo kaya may magagawa ka pa."

The Start of the FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon