CHAPTER FOURTEEN

160 8 0
                                        

CHAPTER FOURTEEN

KELLY'S POINT OF VIEW

"Ano na? May balita na ba kina Desirene?" Bungad ko kay Alice pagkapasok niya sa dining area ng barko. Mas nauna kasi ako sa kaniya dito dahil hinanap muna niya sina Desirene na kanina pa hindi bumabalik.

Halos hindi maipinta ang mukha niya sa pagkakakunot nito. "Ay ewan ko sa mga tao dito! Nagtatanong na nga lang ako, wala pa silang matinong sagot na ibibigay. Kung makatingin pa sila sa akin akala mo ako na yung pinaka-weird na taong nakita nila. Aba! Masama bang sumilip sa restroom ng mga boys para lang tingnan kung nando'n ba yung mga kaibigan ko? Chinecheck ko lang naman, hindi naman ako namboboso ah! Napaka-judgemental naman nila!" Sagot niya nang makaupo na kami sa napili naming pwesto matapos kumuha ng pagkain.

Napaawang ang bibig ko nang marinig ang salitang namboboso. Iyon lang ang naintindihan ko sa lahat ng sinabi niya. Ang bilis niya kasing magsalita. "A-anong sabi mo? B-bakit ka naman namboso, Alice? Masama 'yon."

Dismayado siyang tumingin sa akin. "Anak ng?! Hindi nga sabi e!" Para siyang torong ilang segundo na lang ay manunungay na.

Natatarantang tumayo ako palayo sa kaniya. "A-ah, h-hindi naman sa gano'n. Mali lang siguro ako ng d-dinig. Ano, e, pasensiya na. Ang g-gusto ko lang naman malaman ay kung nahanap mo na ba sila. Hindi ko alam n-na magagalit ka na lang bigla."

Kumalma siya bigla nang marinig ang sinabi ko. Yung tipong parang hindi niya muntik nang itapon yung lamesa kanina. "Ay, oo nga pala. Hahaha, sorry! Na-carried away lang ako. Uy, upo ka na, Ke. Hindi naman ako nangangagat."

Napalunok ako. Nakakatakot naman pala siyang ma-carried away. Jusko po.

Napipilitang umupo ako ulit. Pero imbes na sa tabi niya ay sa harap na niya ako pumwesto. "N-nasaan na sila Desirene? Hindi mo pa rin ba sila nahahanap?" Tanong ko para makalimutan na niya yung inis niya (kung inis pa nga ba 'yon). Mahirap na. May pagka-bipolar pa naman siya minsan. Pabigla-bigla nalang tatawa o maiinis kapag may naalala siya.

Ngumuso siya. Binuksan niya muna ang pagkain niya bago sinagot ang tanong ko. "Sinuyod ko ang buong lugar, from top to bottom, side to side, and corner to corner, pero hindi ko talaga sila nakita. Lahat na yata ng kwarto dito pati na yung inidoro nasilip ko na. Naka-ilang balik ako pero walang kahit isa sa kanila ni Desirene ang nandodoon."

"Sigurado ka ba diyan? Imposible namang mawala nalang sila bigla. Baka nagkasalisi lang kayo kaya hindi mo sila nakita. Maliban na lang kung..." I looked at her suspiciously. "Kung niloloko mo lang ako ay pakiusap huwag mo nang ituloy. Hindi magandang biro 'yan, Alice," saway ko sa kaniya. Kinahiligan na kasi niyang i-prank ako simula nang magkatabi kami sa van. At masasabi kong nakaka-trauma iyon.

"Oo nga! Totoo 'to, promise! Kahit loka-loka ako ay kahit kailan hindi ko naisip gawing prank ang pagkawala ng mga kaibigan ko. Hindi pa ako gano'n kabaliw para gawin 'yon," tugon niya. Naglililikot siya sa upuan niya, halatang hindi mapakali. "Wahhh!!! Kelly, nag-aalala na ako sa kanila. Hindi pa naman nakakakain ang mga 'yon. Saan ba kasi sila nagsususuot? Kung alam ko lang na bigla-bigla na lang sila mawawala ay sana hindi ko na sila pinayagang umalis. Kapag talaga nakita ko ang dalawang iyon ay kukurutin ko sila sa singit!"

"Huminahon ka. Mas natataranta ako kapag ganiyan," pigil ko sa kaniya. "Sinubukan mo na bang magpatulong sa mga crew nitong barko? Baka sakaling mas madali natin silang mahanap kapag gano'n," suhestiyon ko.

"Ay naku, ginawa ko na 'yan. Wala din namang nangyari. Sabi nila tutulong sila sa paghahanap pero bokya, wala naman silang ginawa. Parang hirap pa nga silang pakinggan ako e. Mga walang hiya yun. Grrr!" Gigil siyang sumubo ng pagkain niya.

The Start of the FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon