Hired Day 24- Let te showdown begin..
"Lalalalalalalala" ako yan, humming One Direction "Live while we're young" kung hindi niyo naitatanong, Directioner din ako. Zayn Malik ❤_❤. Hindi ko nga lang masyadong pinapahalata kasi baka sungitan or pagalitan ako ng maputlang masungit :).
"Ay, ano ba bakit ba ang bigat nitong saging, hirap na hirap na ako. Isang bulig ba naman kasi ang bilhin ko. Katangahan lang ni Sav minsan eh. Pero kunti nalang Sav, malapit na naman yung pinto eh." mahina kung reklamo sa sarili ko. May dala akong saging kasi naisip kung ipagluto ng banana cue si Heaven, sikat kasi sa Davao ang banana cue kaya ipapatikim ko din sa kanya. May P.E kasi kami kaninang umaga, tapos nung nakakita ako ng saging pauwi yun nga naisipan kung ipagluto si Heaven, total nasa bahay lang naman siya kasi sabado ngayon. Ay, andito na pala ako. Kalkal ng susi sa loob ng bag, kalkal..kalkal..ayun nahawakan din.
*Bukas ng pinto*
"Magandang ha-- ay may bisita pala tayo? Hello po sa inyo ^_^v..pasok ko muna ito sa kusina ah." tapos deretso na ako sa kusina, lagay ng saging sa mesa at labas ulit.
"Hi Zag, Hi Park, Hi Edong..." bati ko sa kanilang lahat with beso pa yan. Tapos lumingon ako sa tabi ni Heaven "Hi din sayo Kanikka" nag wave lang ako kasi hindi naman niya ako pinapansin eh. Tapos lingon ulit ako kay Heaven "Hi Heaven ^_^" tapos kiniss ko siya sa pisngi :)
"Ano ba yan Sav, dalawang buwan na kayong kasal ni Heaven first name basis parin kayo? Wala man lang "Sweetheart" or "Honeypie" diyan" komento ni Park.
"Ah..eh..ano..kasi eh..hmm.." ayan wala akong masagot. Nganga lang Sav.
"Oo nga ms Sav, dapat tawagan niyo ni sir eh..BabyPop" dagdg naman ni Alfie na talagang with action pa yung pagkasabi niya.hehehe
"Eh guys, enough of that. You know King doest like that stuff." saway naman ni Kanikka.
"Oo nga pero dapat Sav, may tawagan na kayo kasi mag-asawa na kayo eh. Diba pare?" tanong ni Zag kay Heaven, tapos balik tanong na naman sakin.."ano ba ang sikat na endearment sa inyong taga Davao Sav?"
"Endearment? Hmmm, Hinigugma, pinangga, palangga..ganun" sagot ko kay Zag.
"Palangga, I like that one. Diba pare? Diba Heaven pare?"
"Yah, so?" walang pakialam na sagot naman nitong masungit kung asawa.
BINABASA MO ANG
The Bride Hiring Heir (Bride Series: Book 1) >>Completed<<
RomanceIn Tagalog po ito: A girl in college was forced to sign a contract (contract wife) with the rich hotel heir because of financial problem..the guy was forced to find a wife to clean his image on his gender orientation..people thought he was BAKLA!!!