Contract 29- University Fair..affair?

77.6K 657 42
                                    

Dedicated to indai Marie..dahil isa din siyang bisaya. :))

------------------------------------------------------------------------------------------------

Hired Day 28- University Fair..affair?

"Ok next..next!" sigaw ko para sa sususnod na magpapakuha ng pictures nila.

"Ako po Sav..pero wala po akong partner eh. Pwedeng si Adam nalang? Pwede naman diba?" tanong ng avid fan ni pusa na si Iska. Dati sa canteen biglaan yung halik niya. Ngayon naman may picture pa. Wow naman. Umaasenso si Iska. :)

"Oo naman Iska, client is the boss here :). Adam please take photo with Iska" na sinunod din naman ni pusa. Diba nga siya ang asset? Kasi nga ito ang gagawin niya, ipepair sa walang pair. Asset nga talaga siya ng booth namin. Dahil grabe ang haba ng pila sa labas eh. At karamihan single. Ewan ko talaga anong meron sa pusang ito at ang daming fans dito sa school.

*Click* Click* ayan tapos na si Iska. Grabe lang yung ginawa niya. Ako na naawa kay pusa. Hahaha. Hindi ko na sasabihin kasi baka magalit si Iska. Hahaha

Pagkatapos ni Pusa at Iska. Ibang pair na naman. Pero this time nagpaalam muna kami ng ninjas na maglulunch. Simula kasi kaninang 8:30 ng official na nagbukas ang mga booth wala pa kaming kain talaga. At ngayon alas-3 na, ok lang naman sa iba kasi pinauna muna namin silang kumain para nga may kapalit kami.

"Adam sumama ka na samin, wala kapa rin kain diba?" yaya ni Pena kay pusa.

"Yah, thank you." tss bakit ba kasama pa siya. Hai.

Pagkatapos namin magpaalam umalis na kami. Pagdating sa canteen wow lang fullybooked na. Kasi mas nadagdagan yung tao ngayon dahil sa bisita. At grabe lang kahit alas 3 na ang dami parin talagang tao. Kaya siksikan na naman kami. At dahil nga siksikan, hindi na kami nagkanin. Burger nalang at coke binili naming lahat.

"So saan niyo gustong kumain?" tanong ni Monique after namin makabili lahat.

"Doon nalang tayo malapit sa open ground para naman makita rin natin yung ibang booth." suggested by Jenny.

"Hmm Oo nga, kasi parang booth lang natin nakikita natin maghapon eh." pagsang-ayon ko naman. Kasi nga hindi na talaga kami nakalabas ng booth simula kaninang umaga.

"Ok lang ba sayo Adam?" tanong ni Monique kay pusa. Muntik ko ng makalimutan na may pusang gala pala kaming kasama.

The Bride Hiring Heir (Bride Series: Book 1) >>Completed<<Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon