Contract 11- Meet my Parents..

97K 986 95
                                    

Dedication ulit :) This chap is for you Jo..kasi anjan siya lage sa mga chapters ko. Tska matalino siya, kasi engineering student siya..hahaha..anong connect? -_-??:D

----------------------------------------------------------------------------------------------

Hired Day 10-

Hai, grabe lang talaga yung nangyari last week. Sumasakit ang ulo ko pag naiisip yun. Una, biglang nag pop quiz yung prof namin sa Physics. Akalain nyo yun, Architecture kami tapos may Physics. Sa mga engineering students lang yata yun eh. Grabe lang talaga. Nakakasakit sa puso, utak at lalamunan. Tapos may submission pa ng drawing namin, alam nyo naman kaming mga arc... drawing ang buhay. Kaya ayun, kahit kakasimula palang talaga ng klase ang dami ng pinapa drawing. Haiii TT__TT. Oo nga pala may sasabihin muna ako sa inyo, marami akong lapis dito ^_^v. Hai Savannah, tama na nga yang kabaliwan mo. Mabalik tayo sa busy weekdays ko. Yun nga nag submit ng drawing assignment, tapos busy din kaming ng arc ninjas kasi, first draft submission ng final project namin. Kelangan namin mag research sa library, mag drawing at drawing tapos gumawa ng prototype. Usually diba yung prototype na yan eh yung sa huling part na ng project, pero samin, dahil kami ay 3rd year na iba na rin. Mas mahirap yung final project kaya kahit draft submission palang, meron naring prototype ng building namin. TT__TT.

Pasalamat nalang talaga ako kasi wala kaming usapan ni Heaven. Natapos narin kasi yung meet the parents niya at yung gown fitting. Pero kahit isang linggo nang tapos yung gown fitting, hindi parin talaga ako maka paniwala sa ganda ng gown ko. Teka nasabi ko ba sa inyong nag sukat din yung maputalang masungit na yun? Kung hindi pa, sasbihin ko na. Nagsukat din po siya at ang ganda ng tuxedo niya, crisp white Armani. Bagay na bagay sila nung "Annika". Kahit naiinis ako sa kanya kasi wala man lang siyang reaction nung nakita niyang naka gown ako. Hindi ko parin maiwasang hindi mapansin yung itsura niya. Hindi ko na sasabihin yung napansin ko, kasi baka tuksuhin nyo lang ako. ^,^

"Ladies and Gentlemen, we are now approaching Francisco Bangoy International Airport. Local time ten thirty in the morning..." naku maglalanding na pala kami, daldal kasi ako ng daldal eh. ^_^

Oo nga pala, kung last week na meet ko sina mommy Helena at Daddy Greg. Ngayon naman, i memeet namin sina Nanay Minda at Tatay Kolas, ang parents ko. Yeheeyy! Diba nga nung nag usap kami ng meet the parents, sabi niya after ng family niya, next naman sakin. Kaya ito kami ngayon pauwi ng Davao. Shock pa nga sina tatay nung sabihin kung uuwi ako at kasama ko yung mapapangasawa ko. Daming tanong ni nanay, alam nyo na...yung typical na tinatanong pag mabilisan ang kasal. Hahaha. Pero sabi ko naman walang ganun. Tska desente naman yung mapapangasawa ko, kahit pa ubod ng sungit. >.

"Savannah are you with me?" hala, kinakausap pala ako ng maputlang masungit.

"Huh? Ah, pasensya na Heaven, nawili kasi ako kakaisip kena nanay" hahaha, alam ko masama magsinungaling..pero ayoko sungitan na naman niya ako. >,

"Ok. Im telling you to fasten your seatbelt. We are about to land." yun lang pala, eh narinig ko naman yung sinabi ng captain kanina ah. Isa pa ano bang meron sa seatbelt at kay Heaven? -_-??

"Ok" yun nalang din nasabi ko. Tapos nag ready naku. After 5 minutes, naka stop na kami sa tarmac. At dahil first class kami, nauna kaming bumaba. Bitbit ni Heaven yung hand carry ko. Hahaha. Hindi naman mabigat din yun. Matapos namin makuha yung bagahe namin, lumabas na kami ng arrival area at nakita ko na sina nanay na naka abang samin, may placard pa na may naka sulat na "SaVen" -_-??

"Nay, tay". Mano po. (sabay yakap tapos pinakilala ko si Heaven). Ito po pala si Heaven, ang mapapangasawa ko." tapos nag mano din si maputlang masungit.

"Mano po tay, nay. Ako po si Heaven Gregory Griffiths. Kinagagalak ko po kayong makilala" ano daw? Kinagagalak? Kelan pa natotong mag tagalog ng malalim tung MM natu. Sakin nga, halos di mag tagalog eh, lage tuloy akong may bulak na baon.

The Bride Hiring Heir (Bride Series: Book 1) >>Completed<<Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon