Contract 50- Battle of the Bikinis..

79.1K 746 61
                                    

Please read the the Authors note after the chap.

Follow me on twitter :) http://mobile.twitter.com/mzpublicstories

Ang nasa loob po ng ** ** ay flashback. Dedicated sa inyong lahat :)

----------------------------------------------------------------------------------------------

Hired Day 49- Battle of the Bikinis..

"Ano ba Sav! Wala ka man lang bang gagawin huh?" galit na tanong sakin ni Pena.

"Ano bang ginagawa mo dito Sav! Bakit hinayaan mong magkaganun?" galit ring pahayag ni Jenny.

"Oo nga Sav. Diba sabi naman namin sayo, wag kang lalayo sa asawa mo? Wag mong hahayaang dumikit ang bwisit na lentang yun sa asawa mo!" galing ring si Monique.

"Alam mo Sav, pagod na kami magbingi bingihan at magbulag bulagan sa nangyayari sa inyo ni Heaven eh. Hinayaan ka naming sarilinin ang problema mo dahil alam naming matatag ka at alam naming ayaw mo kaming makialam. Pero ano 'tong nangyayari ngayon? Ikaw na asawa andito tapos ang bwisit na lentang yun ang andun kasama ni Heaven? Tapos wala ka man lang ginagawa?" patuloy ni Monique.

"Ayaw mong magsalita, ayaw mong sabihin samin kung ano ba talaga nangyayari sa inyo ni Heaven. Tapos ngayon, ito ka obvious na nasasaktan pero wala ka paring ginagawa. Kung sana nung simula palang na andito tayo nilayo mo na yung lentang yun sa asawa mo hindi ka sana nasasaktan ng ganito. Alam ko mahal mo si Heaven, pero naman Sav wag mo naman masyadong kawawain ang sarili mo. Kasi nasasaktan din kami para sayo." Pena.

"Hindi naman kasi sa ganun eh, kahit naman asawa ko si Heaven hindi naman ako pwedeng maging bantay sarado sa kanya. Isa pa kaibigan naman niya si Kanikka..ang sama ko namang asawa kung ilalayo ko ang kaibigan ng asawa ko sa kanya." mahinahon kung pahayag kahit na sasabog na ang puso ko sa sakit.

"Savannah! Ano ka ba, tanga or nagpapakatanga lang! Manhhid or nagpapakamanhid? ASAWA mo si Heaven, kaya kahit na ipusas mo pa siya sayo karapatan mo yun dahil ASAWA ka! Kahit na kisihudang kaibigan, kapatid or ano pa man ni Heaven yung bwisit na babaeng lentang yun dapat binabantayan mo parin si Heaven. Dahil KARAPATAN mo yun. Isa pa HINDI mo siya nilalayo sa KAIBIGAN niyang lenta ng walang dahilan. NILALAYO mo siya dahil halatang gusto siyang agawin sayo ng BWISIT niyang KAIBIGAN!!" halos pasigaw nang pahayag ni Monique. Halatang galit na galit na siya.

"Monique naman, sana naman intindihin niyo ako. Hindi naman kasi ganun kasimply na maging bantay sarado ako kay Heaven. Asawa niya ako at hindi bodyguard..kaya ayokong bumuntot sa kanya boung araw at gabi. Tsak hindi naman siguro inaagaw ni Kanikka si Heaven sakin. Masyado lang silang close, dati pa man." kahit kasinungalingan ang sinabi ko, kailangan kong gawin yun para kumalma si Monique.

"Ang asawa Sav, nagiging body guard narin yan pag may lentang aaligid aligid sa asawa. Kung alam mong may malanding lenta na aali-aligid sa asawa mo. Kung alam mong kunting lingat mo lang lalandiin na ng ibang tao ang asawa mo dapat maging bodyguard, secretary , personal alalay at kung ano pang guard ka." sabi ni Jenny na medyo mahinahon ng kunti.

"Hai naku Jen, kasi si Sav masyadong mabait. Masyadong mapag pasensya, masyadong bulag na kahit harap harapan ng nilalandi ang asawa niya hindi parin niya nakikita. Na kahit harap harapan ng inaagaw sa kanya ang asawa niya wala paring ginagawa, nagpapaka santa parin. Na kahit masyado na siyang nasasaktan kinikimkim parin niya.."

"Monique naman eh, hindi naman kasi ganun talaga kadali. Hindi niyo kasi alam ang lahat eh.."

"Savannah, anong hindi ganun kadali dun? Anong hindi namin alam? Ano pa bang gusto mong marinig para lang MATAUHAN ka at MAMULAT sa nangyayari sa asawa mo at lentang yun? Huh? SABIHIN MO NGA!!"

The Bride Hiring Heir (Bride Series: Book 1) >>Completed<<Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon