Contract 63- Bleeding Love..

68.5K 682 95
                                    

Dedicated kay Hazelkeirizille. Thank you po. :)

Follow Sav @langganiheaven and Heaven @LanggaNiAnnika sa twitter guys. :))

----------------------------------------------------------------------------------------

Hired Day 62- Bleeding Love.

"Wow!! Ang ganda langga..waaahh!"

"You like it?"

"Like na like langga..teka lang ah.."

"Saan ka pupunta?"

"Kukunin ko lang ang camera, picturan ko lang.."

"No. Dito ka lang, hindi kita ginising ng maaga para mag picture."

"Pero langga, sayang naman siya kung hindi ko ipipicture..sige na please. Isa lang.."

"No. Annika. Come here, upo ka dito sa harap ko."

Ano pa nga bang magagawa ko, wala na. Sayang yung view ng sunrise hindi ko mapipicture, pang facebook at twitter na sana yun eh..Hai.

Nakaupo ako ngayon sa harap niya, tapos nakayakap siya sakin mula sa likuran. Movie lang ang peg. Hehehe

"Langga, salamat sa pag gising sakin ah. Ang ganda ganda talaga ng sunrise..pati yung mga ibon."

"You're welcome my langga. Natatandaan mo ba nung kinasal tayo, parang ganito din siya. Sunrise din"

"Oo nga langga, alam mo, amazed na amazed ako sa ganda ng kasal natin. Pakiramdam ko nung mga panahong yun, isa akong prinsesa na ikakasal sa pinakagwapong prince charming sa boung kaharian sa ilalim ng papasikat na araw."

"Talagang sinadya kong maging sunrise yung kasal natin dahil para sakin, simbolo yun ng pagtatapos ng single life ko at simula ng panibagong buhay nating dalawa. Parang iniilawan ng araw ang bagong buhay na tatahakin natin. And you look very very beautiful at that time."

"Talaga? Ang sweet mo naman pala talaga langga. Nagpapasalamat ako at ikaw ang ibinigay sakin para mahalin. Hindi man tayo nagsimula sa maganda basta ang importante maayos na tayo ngayon."

"Yes. And me too. Im so thankful na ikaw ang nagpatibok sa puso ko. Mali man ang paraan ng pagkakakilala at pagpapakasal natin ang importante nalampasan natin yun. Ang importante hindi ka sumuko sakin."

"Kahit naman gustuhin konh sumuko langga,hindi rin pwede kasi mahal kita. Ayoko naman isuko agad ang pagmamahal ko sayo, sayo nga lang tumibok ang puso ko tapos isusuko ko na agad agad. Isa pa naniniwa ako na ang pag ibig, pinaghihirapan yan. Para alam mo kung totoo ba o hindi. Kasi kung basta basta mo lang siyang pakakawalan,mabilis mo din siyang babawiin. Kaya dapat paghirapan mo para maapreciate mo ang tunay na pagmamahal."

"And I guess we both earned it. Naging mahirap man sating dalawa pero nakayanan natin. At masasabi kong naging mas matatag ang pagmamahalan natin dahil sa mga nangyari nitong nakaraan. We only didnt earned the right love but also the respect towards love. We learn to value the real meaning of love. Na hindi lang ito basta bastang "I love you" at holding hands." sabi niya tapos hinalikan.niya buhok ko.

"Kaya nga. Sana lang mag tuloy tuloy na tayong masaya langga."

"We will Annika. Mas matatag na tayo ngayob kaya kahit anong mangyari makakaya na natin ang lahat. We will always be happy langga."

"Sana nga langga. Sana nga. Salamat at ako ang minahal mo langga. Mahal na mahal kita."

"At mahal na mahal din kita. Kahit pa siguro sa ibang pagkakataon ito mangyari, hihintayin parin kita para mahalin."

The Bride Hiring Heir (Bride Series: Book 1) >>Completed<<Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon