Contract 57- Movie Marathon and more..

73.3K 969 214
                                    

Dedicated po ito kay YsabelleMendoza. Thank you for reading TBHH :) 

_____________________________________________________________________________

Hired Day 56- Movie Marathon and more..

"Oh anong ginagawa niyo dito?" gulat na tanong ko sa ninjas na nasa living room namin.

"Wala lang, makikinood ng movie" sagot ni Jenny habang pumipili ng CD na papanoorin.

"Makikinood? Kelan pa naging cinema house itong bahay namin?"

"Ngayon lang, kaya wag ka nang magtanong diyan tulu--" hindi ko na pinatapos si Monique sa sasabihin niya habang prenteng prenteng naka upo sa couch.

"Oi ninjas naman wag na naman kayong ganyan. Andito po si Heaven at lumabas lang sandali pag balik nun magpapahinga na yun." sabi ko kanila kahit hindi ko naman alam kung lumabas ba talaga si Heaven.

"Hindi yun magpapahinga Sav, siya nga nagpapunta samin dito. Kaya mabuti pa tulu--" hindi ko na naman pinatapos si Monique sa sasabihin niya. Kasi medyo na shock ako sa sinabi niya.

"Huh? Si Heaven nagpapunta sa inyo dito? Bakit?" naguguluhang tanong ko. 

Pinapunta ni Heaven ang ninjas dito na hindi ko alam? Bakit kaya? Dami ko namang bakit. hehehe

"Dahil gusto daw niyang manood tayong lahat ng movie" sagot ni Pena sakin.

"Huh? Bakit?"

"Sav, bakit ka ba Bakit ng Bakit? Ibig sabihin gusto ng asawa mo na makipag bonding samin. Bakit ikaw ba ayaw mong makipag bonding samin huh?' pilosopong sagot sakin ni Jenny habang patuloy parin na namimili ng cd.

"Hindi naman sa ganun...pero teka asan si Heaven? Diba siya nagpapasok sa inyo dito?"

"Kung hindi mo lang kasi pinuputol yung sasabihin ko, kanina mo pa alam kung asan ang asawa. Ang sabi ko nga--" Monique.

"Teka nga asan si--" ako naman ang pinutol ni Monique with sigaw pa. :)

"Savannah Griffiths! Isa nalang talaga! Papasabugin ko na tong bahay niyo. Hmm. Bakit ba putol ka ng  putol sa sasabihin ko?" naiinis na banta sakin ni Monique :)

"Eh kasi naman wala namang ganitong plano na nababanggit si Heaven sakin kaya naguguluhan ako, tapos wala pa siya dito." paliwanag ko.

"Kasi nga andun siya sa kusina nagluluto ng popcorn!" nandidilat na sabi sakin ni Monique tapos tinuro yung kusina.

Huh? Ano daw? Nabibingi na ba ako? Ito na ba ang kaparusahan ko sa pagtataksil ko kay Heaven kahapon dun kay Hera? Hindi naman siguro diba? Ambilis naman ng kaparusahan ko. Oh baka naputukan lang ng popcorn itong eardrum ko. Pero nga, si Heaven nagpapaputok este nagluluto ng popcorn? 

"POPCORN!? Anong popcorn?" tanong ko ulit sa kanila. Kasi ayaw talaga tanggapin ng utak ko yung sinabi ni Monique.

"Sav, popcorn hindi mo alam? Ok sige ito. Popcorn - noun. Hayop na may pakpak at lumalangoy sa dagat na ginagawang sardinas." seryosong pangaasar cum paliwanag sakin ni Monique.

"Hahaha. OO yun Sav, yun bang kalahi ng bluewhales at ni Nemo" dagdag pang-aasar ni Jenny.

"Hai kayo talaga mga loka loka. Sav ang asawa mo po ay nasa kusina, nagvolunteer kasi siya kanina na siya na daw gagawa ng popcorn at kami na pipili ng panonoorin natin." paliwanag sakin ni Pena.

"Oh. Ok salamat Pens. Ikaw lang talaga ang matino sa lahat. Hmm" sabi ko tapos iniwan ko na sila para puntahan si Heaven sa kusina.

Pagpasok ko sa kusina nakatalikod sakin si Heaven. Tumikhim pa ako para mapansin niya tapos paglingon niya nag pop-up yung mga mata ko dahil ang sexy ni Heaven na naka apron. Kahit na hindi naman nagaapron ang gumagawa ng popcron. Tapos may nakasulat pang "IM SECY CHEF AND I KNOW IT" sa apron niya. Grabe lang ang sarap niya este nung popcorn na hawak niya pala. Hehehe. Oi wag kayong mag react asawa ko yan kaya pwede ko siyang pag pantasyahan. hahaha

The Bride Hiring Heir (Bride Series: Book 1) >>Completed<<Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon