Very Very Important Note:
Please read my ending Author's note. May important Announcement lang ako dun.
----------------------------------------------------------------------------------------
Hired Day 68- Storm on the calm night...
This is it! Ito na yung time na sasabihin ko sa lahat na magiging parents na kami ng asawa ko.
Ito narin ang katapusan ng pagpapanggap at pagpapahirap ko kay Heaven. Atleast after tonight malalaman na niya kung bakit gustong gusto ko ang amoy ng paa niya at gusto ko kumain ng dilis ice cream at nitong huli lahat ng purple gusto ko. Dumating pa sa purple carrots. Hahaha.
Naalala ko nung nag crave ako ng purple carrots. Halos lumuwa yung mata ni Heaven. Hehehe. At hindi ko pa siya kinibo hanggang wala siyang nabibigay sakin na purple carrots. Ewan ko lang saan niya nakuha yun. Kasi the third day na hindi ko siya kinibo nakapag produce siya ng carrots.
Naaawa nang ako minsan eh kasi ang sama lagi ng mood ko. Tapos alam kong nahihirapan si Heaven kasi hindi naman siya sanay na masama mood ko eh. Sanay siyang lage akong nakatawa at nagbibiro.
Tska ngayon,sobrang tinatamad ako talaga. Kahit pag bangon sa umaga hirap na hirap ako. Pinapagalitan ko pa si Heaven pag pinipilit niya akong gisingin. Hai..Nakakaawa na talaga asawa ko.
Ngayon talaga haggard na haggard na siya. Kahit gwapo parin siya pero halata talaga ang nanlalalim niyang mga mata at stress..Dahil narin talaga sa mood swing ko at sa paggising ko sa kanya tuwing gabi para magpahanda ng makakain.
Minsan pa may gabi na lumabas pa talaga siya ng hotel para bumili ng suka dahil naubusan kami. Ayaw ko naman na iba ang bumili,gusto ko siya lang. Ayun tuloy may isang box na kami ng suka sa bahay. Hehehe.
Tapos meron pa, madaling araw yata yun pinapunta ko siya sa Cebu para bumili ng dried mango na hindi ko rin naman kinain.
Kaya ngayon masaya ako kasi sa wakas malalaman na niya ang dahilan ng pagpapahirap ko sa kanya na hindi ko naman sinasadya.
"Sav, ok ka lang ba? Hindi ka nahihilo?" tanong ni Pena sakin.
Ito nga din pala..Nagsisimula narin akong mahilo ngayon. Kaya ingat na ingat ako. Kasi sabi din ng doctor ko masyadong delikado ang pagbubuntis ko. Kunting maling galaw lang pwedeng mawala si baby ko..Eh yun ang ayaw na ayaw kong mangyari. Ikamamatay ko siguro pag may nangyari sa baby namin ni Heaven.
"Hindi naman Pens. Ok lang naman ako. Basta andito lang ito."
Medyas ni Heaven na dala dala ko.kahit saan.
"Hai naku Sav kung hindi ka lang talaga buntis. Hinding hindi ako lalapit sayo with that medyas. Yuck!"
"Ang arte mo naman Jen. Tingnan natin pag ikaw nabuntis, baka used underwear ni Alfie paglihian mo."
"Oi ok na yun. Hehehe"
"Yucky! Jennifer! Yuck."
"Andito naman tong ubod ng arteng babae..hmm"
Itong si Jenny at Nikka talaga hindi magkasundo. Parang Monique at Jenny din. Hai.
"Hindi ako maarte. Pero yuck talaga ang used underwear ni Alfie no!"
"Fine!"
"Oi kayong dalawa tumigil na nga kayo. Nahihilo ako sa inyo eh. Tsk!" saway ko sa kanila.
"Opps sorry ms preggy. Hehehe. Ready ka na?"
"Ready na Niks.."
"Ok, ok na daw lahat sa baba. Lets go girls!" tawag ni Monique..Siya kasi nagmomonitor sa labas. Dapat daw kasi maganda ang entrance ko. Kasing ganda daw ng gown ko.
BINABASA MO ANG
The Bride Hiring Heir (Bride Series: Book 1) >>Completed<<
RomanceIn Tagalog po ito: A girl in college was forced to sign a contract (contract wife) with the rich hotel heir because of financial problem..the guy was forced to find a wife to clean his image on his gender orientation..people thought he was BAKLA!!!