Contract 38- Skype-i-miss you.

80.3K 791 80
                                    

Ito pala ay para kay Duracellpurple. Dahil isa siya sa mga bagong loyal commentor at reader :)) Salamat po. :))

----------------------------------------------------------------------------------------------

Hired Day 37- Skype-i-miss you.

Apat na araw ng nasa Brazil si Heaven at tatlong araw narin andito sa bahay ang ninjas. Nag migrate sila dito last Monday, after ng klase dito na sila dumeretso. Saturday si Heaven umalis at naiwan akong mag-isa dito nung Sunday. Ok lang naman kasi marami namang tao sa hotel eh. Tska lage din akong tse-ni-tsek ng ninjas at nina Mommy at Daddy.

"Oi Sav! Nakatunganga ka na naman diyan. Mula ng umalis si Heaven lage ka nalang spaced out ah. Miss mo na asawa mo ano?" pansin dala tukso ni Jenny sakin.

Andito kami sa sala ngayon gumagawa ng project. Malapit na kasi submission nito dahil malapit na ang final. Kaya aligaga na kaming lahat talaga.

"Oi hindi ah! May iniisip lang talaga ako." depensa ko naman.

"Alam namin meron, si Heaven na nasa Brazil at may ka-meeting na hot Brazilian." dagdag panunukso pa ni Monique.

Naman talaga itong dalawang 'to oo.

"Hindi no. Tsaka alam ko namang hindi siya makikipag meeting sa mga hot na Brazilian." depensa ko ulit. Naman eh, mauubusan ako ng depensa dito. Hai.

"Bakit mo alam? Pinagbawalan mo siya ano?! Tsk tsk!" dagdag pa ni Jenny.

"Oi. Hindi no! Hindi naman bata si Heaven para pagbawalan. Pero nga, wala kaya siyang ka meeting talaga na Brazilian dun?" inosenteng tanong ko. Kaso parang mali yata ang tanong ko.

"Suhhh! Ayan lumabas din na si Heaven nga ang iniisip mo. Pero bakit naman kami ang tatanungin mo? Eh andito kami kasama mo. Diba ninjas?" pilosopong sagot ni Monique. Minsan talaga maypagka-philosophy major itong bababeng ito.

"Correct! Malay ba namin kung ilang Gisele Bundchen na nakameeting ni Heaven dun."

Si Gisele Bundchen po ang pinakasikat ng Brazilian super model. Pamatay po ang katawan niya kahit noong buntis pa siya.

"Hai kayo talaga walang matinong kausap. Namomroblema na nga itong si Sav, dagdagan niyo pa." gusto ko sanang mag protesta sa sinabi ni Pena kaso hindi pa pala siya tapos. "pag si Sav napikon baka gamitin niya yung pinakatago tago niyang super lana diyan at mag ala Darna ninja style papuntang Brazil" Naman si Pena eh, akala ko ok yung sasabihin, kalokohan din pala. Ayan tuloy parang mga loka na yung dalawa sa kakatawa.

"Pena naman eh, ginatungan mo lang ang kalokohan niyang dalawa." sabi ko habang nakapout.

"Huwag kanang mag pout diyan Sav, hindi kami si Heaven para ma kyutan diyan. Hehehe. Pero nga, kung namimiss mo si Heaven, bakit hindi mo tawagan?" Pena.

"Nahihiya kasi ako. Tska magkaiba ang oras natin sa kanya, kaya natatakot din akong istorbohin siya. Baka nasa meeting siya at maistorbo ko, baka mapagalitan pa ako." mahabang paliwanag ko.

"Naman Sav, hindi ka naman siguro papagalitan nun. Tska diba tumatawag naman siya lage. Ibig sabihin may free time siya. At diba this time din siya tumatawag sayo?" si Pena parin.

Alam na kasi nila ang oras ng tawag ni Heaven. Nung first time ngang tumawag si Heaven pinapak nila ako ng tudyo.

"Oo nga, pero ewan ko. Natatakot talaga ak--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko sana kasi biglang tumunog ang phone ko.

Brazilian Wax Calling...

Huh? Brazillian wax? Sino naman 'tong 'to? Bkit may ganitong pangalan sa phone ko. Pero yung number familiar sakin eh..hmmm

The Bride Hiring Heir (Bride Series: Book 1) >>Completed<<Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon