Contract 67- Heaven's day..

63.1K 662 44
                                    

Warning: Please read between the line para sa kasagutan sa next chapter.

----------------------------------------------------------------------------------------

Hired Day 66- Heaven's day..

"Thank you for the gift langga" sabi ni Heaven.

Nasa kwarto kami ngayon matutulog na sana kaso hindi pa makatulog. Siguro nasanay na ang mata namin na umaga na kung matulog. Simula kasi nung christmas hanggang new year lage nalang kaming inuumaga ng uwi. Ngayon lang kami early matutulog dahil may pasok na bukas.

Dun kami nag new year kena mommy dahil yun ang napagkasunuduan. After two days umuwi narin sina tatay at nanay sa Davao.

"Walang ano man yun langga. Maraming salamat din sa regalo mo."

Binigyan niya ako ng ankle bracelet na may charm. Tatlo lang ang charm, isang teddy bear, heart, at bride. Pero pwede pa naman dagdagan ang charm pag gugustuhin ko.

Ako naman, binigyan ko siya guitar. Vintage guitar. Kasi parang yun ang pampalipas oras niya at yun ang ginagawa niya pag marami siyang iniisip. Pinapersonalized ko na rin, nilagayan ko ng maliit na note. "Best Husband Ever" ang pinalagay ko. Tapos may initial naming dalawa. Simply man siya, hindi man ito kasing mahal ng ibang natanggap niya pero alam kong tumatak ito sa puso niya.

Pero sa lahat samin si Pena na siguro ang may pinakamagandang regalo na natanggap sa christmas. Nag propose lang naman si Zag sa kanya. Grabe lahat kami nagulat talaga sa ginawa ni Zag pero lahat din kami masaya sa nangyari.

Alam din naman namin na sa patagalin man o hindi sa simbahan parin ang tuloy nilang dalawa. Pero hindi pa muna sila magpapakasal. Hihintayin muna nilang makapagtapos si Pena at makahanap ng trabaho.

Wala din namang problema sa pamilya nila kasi tanggap na tanggap naman sila ng kani kanilang pamilya.

"Langga, malapit na pala birthday mo. Anong gusto mong gawin? Magpapaparty ba tayo?"

Ilang linggo nalang kasi birthday na niya. Kaya kailangan ko na namang mag isip ng gagawin para sa araw na yun.

"No Annika. I don't want any party. Gusto ko tayo lang dalawa ang mag celebrate ng birthday ko. This is the first time na magbibirthday ako with you. So as much as possible I want it you and me only."

"Pero panu naman sina mommy? At ang mga kaibigan mo?"

"The hotel will celebrate my birthday the day before. Kaya dun nalang natin i invite ang lahat. Tapos sa actual day. Dito lang tayo sa bahay. I want to spend it with you."

"Hindi kaya magtatampo sina mommy pag hindi tayo nag celebrate kasama sila?"

"Its ok Annika. Ako na bahala magsabi sa kanila. Basta all I want is you on that day."

"Hmmm. Ok. Tulog na tayo langga?"

"Ok. Im too sleepy narin."

****

Kinabukasan balik na naman kami sa dating gawi. Gigising ng maaga para pumasok sa skwela :)

"Good morning langga. Anong niluluto mo?"

"Fried rice and sausage. May gusto ka pa bang kainin?"

"Wala na. Tama na yan."

"Ok. Just wait at malapit na 'tong matapos."

Hai. Ang gwapo talaga ng asawa ko kahit nagluluto. Kahit nakatalikod sakin gwapo parin. At ang sexy pa ng likod niya. Nakakatakam. Hahaha

"Stop drooling on my back Annika"

The Bride Hiring Heir (Bride Series: Book 1) >>Completed<<Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon