Epilogue

56K 1K 418
                                    

Denidedicate ko po itong last chap sa inyong lahat. Langga. Loyal Langga. Friends. SaVen. Thank you po for being with me all this time :))

Please add #TBHHEnding #GoodbyeSaven if mag tweet po kayo ng TBHH ah :)) Thank you.

TWITTER:-> http://mobile.twitter.com/mzpublicstories

----------------------------------------------------------------------------------------

Contract 70- Epilogue

Lahat ng bagay may hangganan, ang samin ni Heaven dumating na.

Ang lahat ng bagay na nagsimula sa mabilisang decision, dalawa lang ang kinahahantungan.

Success or fail.

Sa amin ni Heaven. Fail. Ang mabilisang decision na ginawa namin para magpakasal. Ang maling decision na yun ay hindi talaga nag dulot ng maganda. Sa simula palang nasaktan na kami. Sa simula palang marami ng palatandaan na hindi talaga magiging maayos ang decision na yun. Pero pinilit parin namin. Pinilit naming ayusin ang isang bagay na kahit kailan hindi maayos.

Pinilit naming maging masaya, kuntento at maayos ang lahat, pero sa hulihan nawasak din. Parang palasyo na pilit tinatayo gamit ang kawayan, na sa kunting hangin lang babagsak na. Walang matatag foundation.

Nung nakalabas ako sa ospital, napagdesisyunan kong ipa-annul na ang kasal namin ni Heaven. Desisyong pinag pasyahan ng puso at isip ko.

Ginawa ko yun hindi dahil galit ako sa kanya, sa kanila ni Kanikka. Oo galit ako, pero hindi sapat yun para sa ganito ka bigat na decision. Pero para palayain na kami sa isa't isa. Para tuluyan ng ibigay sa kanya ang kalayaan niya at kasiyahan niya. At para narin makalimutan ko siya. Makalimutan kong minsan nagmahal ako at niloko lang. Kailangan kong gawin yun para makapag move on ako, kami.

Masyado na kaming natali sa pagkukunwari, na kung tawagin ay kasal. Masyado nang maraming nadadamay sa pagkukunwaring ito. Pati walang kamalay malay na bata nadamay. Kaya wala nang silbi kong ipagpapatuloy pa namin. Dahil baka mas marami pa ang madamay pag nagtagal pa ito.

"Gusto kitang maka-usap. Pwede ka bang lumuwas dito sa Davao?"

Tinawagan ko siya pagkakinabukasan nung nag usap kami ni tatay.

"I'l be there soon. Thank you Annika."

"Hwag ka munang magpasalamat. Magkita nalang tayo dito."

Kinahapunan nun dumating siya.

"Kamusta ka na Annika?"

"Ito, mabuti naman. Pilit nagpapakatatag dahil sa anak ko."

"Anak natin Annika. Anak ko rin siya."

"Na pinatay mo. Pero hindi yan ang pinapunta ko sayo dito. Ito.."

May binigay akong mg papeles sa kanya. Pati contract namin isinali ko na.

"Ano 'to?"

"Basahin mo."

"Contract...Annullment papers? Ipapa annul mo ang kasal natin?"

Tumango lang ako.

"No Annika. Please don't do this. Please, you can stay here as long as you want, pero please wag mo naman ipa-annul ang kasal natin."

"Nakapag decision na ako Heaven at yan ang pinakagandang decision na gagawin ko para sa ating lahat."

"No. Hindi ito Annika. Pwede pa naman natin pag usapan 'to diba? Please mag usap muna tayo. Please not this."

"Tapos na tayo mag usap Heaven. Wala na tayong pag uusapan pa."

"Annika please. Nagmamakaawa ako sayo. Mag usap muna tayo. Maawa ka, please not the annullment. Please langga. Please, hear me firt Annika. Please"

The Bride Hiring Heir (Bride Series: Book 1) >>Completed<<Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon