Dedicated po pala ito sa lahat ng bagong readers, followers, nagkocomment at nagvovote. Maraming maraming salamat po sa inyo. Bow. :)
----------------------------------------------------------------------------------------------
Hired Day 38- In the Club...
"Oi Savannah Griffiths bilisan mo naman diyan! Malelate na tayo sayo eh." katok ni Monique sa pinto ng kwarto ni Heaven.
Nasabi ko na bang dito ako natutulog simula ng umalis si Heaven? At doon naman nagkakampo ang ninjas sa kwarto. Hindi nila alam na magkaiba kami ng kwarto ni Heaven kasi inayos muna namin ang kwarto ko bago ko iniwan. Baka kasi mapansin nilang used na masyado.
"Oo na, andiyan na!" sagot ko tapos lumabas narin at nagdere-deretso sa kusina.
"Good morning Sav. Tagal mo naman magbihis." salubong sakin ni Pena na besing bese sa pagluluto. Omellete at toasted bread ang breakfast namin ngayon.
"Kasi tumawag si Heaven kaninang umaga para gisingin ako at medyo matagal din kami nag-usap..kaya natagalan din akong makaligo" paliwanag ko habang ngumunguya ng toasted bread.
Yung dalawa sa harap ko busy sa kaka picture ng pagkain sa mesa. Im sure nasa twitter, facebook, instagram, tumblr at ano pamang social networking site na yan mamaya. Tag kami ni Pena. With a caption : Toasted bread and Omellete! Yummy! Or Breakfast anyone? Omellete and Toasted Bread!
"Hai, iba na talaga ang may asawa. Parang kagabi lang nag skype kayo ng dalawang oras, tapos tawag na naman sa umaga. Tsk. Ayain ko din kaya ng kasal si Alfie para mat ka-skype din ako..sasagutin kaya ako nun?" seryosong seryosong pahayag ni Jenny na talagang nangalumbaba pa.
"Hoi Jen. Tigilan mo nga yang si Alfie, kawawa naman yung tao...tinutorture muna eh. Kaya tuloy imbis na magkagusto sayo si Alfie mas lalo tuloy natatakot. Tska baka nakahanap narin yun ng Brazilian kaya huwag ka nang umasa." counter pahayag ni Monique.
Oo nga pala, sumama din si Alfie sa Brazil kaya itong si Jenny, parang loka na. Kasi hindi man lang talaga siya tinawagan ni Alfie. Hahaha. Hindi rin kasi namin alam kung tutuhanan ba talagang gusto niya si Alfie or laro laro lang niya. Wala pa kasing siniseryosong lalaki ang babaeng yan. Lahat piniflirt lang niya. Hai.
"Oi 'wag ka namang ganyan Monique. Faithful naman sakin si Alfie eh. Tska kung beauty lang naman ang usapan, aba! Mas maganda pa ako sa mga Brazilian na yan no! Kaya akin lang si Alfie."
"Hai, oo na Jen sayo na si Alfie, kahit hindi niya alam, para matahimik kana at ng makakain na tayo. Dahil baka sa labas tayo ng lecture room mag klase" Pena.
Tapos yun nga kumain na kami at pagkatapos naming hugasan at linisin ang kusina umalis narin kami.
***
Pagkarating namin sa campus, nakita naming prenteng prenteng naka-upo si Pusa sa isang bench malapit sa main gate at nagbabasa ng newspaper. Marunong na pala magbasa ngayon ang pusa?
"Adam! Anong ginagawa mo dito? Time na oh." sigaw ni Pena a pinakita pa ang relo niya.
"Relax Pens. Hindi pa tayo malelate. Im just waiting for you guys and ms Jolie. So now , let's go" at tumayo nanga siya at sumabay pa sakin. Problema nitong Pusang 'to?
"So how are you today ms Jolie? You look happy.." pansin niya sakin. Pero hindi ko naman siya pinapansin, bagkus binilisan ko pa ang lakad ko. Bahala siya diyan.
"Hey ms Jolie, don't be mad at me this early. Sige ka mabilis kang tatanda niyan, baka ipagpalit ka ng asawa mo pag tumanda ka." pagbabanta sabay asar niya.
BINABASA MO ANG
The Bride Hiring Heir (Bride Series: Book 1) >>Completed<<
RomanceIn Tagalog po ito: A girl in college was forced to sign a contract (contract wife) with the rich hotel heir because of financial problem..the guy was forced to find a wife to clean his image on his gender orientation..people thought he was BAKLA!!!