Contract 1- the Reason

195K 2K 109
                                    

Hired Day 0- the Reason

Tok tok tok

"Excuse me Prof, the Dean's asking for ms Savannah Annika Del Rios to report to her office immediately" sabi nung kumatok na student.

Ako yun ah 0.0? Bakit kaya ako pinapatawag ng dean? Hindi pa naman end of the semester, kakasimula pa nga lang eh.

"Ms Del Rios, you may leave the class now" sabi ni Prof

Kinakabahang lumabas ako ng lecture room at nagtungo sa Dean's Office. Pagkarating ko sa office, kumatok muna ako bago pumasok.

"Good afternoon po ate Maita, pinapatawag daw po ako ng dean?" si ate Maita ung secretary ng dean namin.

"Oh Sav ikaw pala yan, tuloy ka lang nasa loob si prof" kilala na ako ni ate Maita kasi lage akong pumupunta dito every end of semester.

Un nga tumuloy na ako at nadatnan ko si Prof na may binabasang documents.

"Good afternoon Prof, pinapatawag niyo daw po ako? Bakit po?" dahil sa kaba ko dire-diretso na ung tanong ko.

"Oh Ms Del Rios, please sit down first. (umupo narin ako) Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, pinatawag kita dahil sa grade at scholarship mo. Natatandaan mo pa ba ung pinirmahan mong conditions when you received the dean's scholarship?" tumango lang ako. Madaming conditions dun, pero ang pinaka main talaga eh bawal ka bumagsak sa kahit isang subject mo, kahit pa na maintain mo ang required grades kung may bagsak ka, automatic na mateterminate yung scholarship mo.

"Mabuti at natatandaan mo pa at isa dun ay bawal kang mafail kahit isang subject hindi ba?" tumango lang ulit ako.

"Ngayon, this is your result from the previous semester. Kinalulungkot kong sabihin but you failed your Economics and a failing subject means scholarship termination." nung marinig ko ung 'failed' nanlamig at halos umiyak na ako kasi alam ko na ung kasunod nun..katulad nang sinabi ni prof. SCHOLARSHIP TERMINATION.

"Im am very sorry for the rough decision I have to made Ms Del Rios, alam kung kailangang kailangan mo itong scholarship na ito, pero terms are terms..gusto man kitang tulungan pero wala na akong magagawa."

Dahil sa scholarship na ito, nakapag aral ako dito ng libre at nangarap para sa kinabukasan, pero ngayon wala na akong scholarship panu na ako magaaral? San ako kukuha ng pera pang tuition, project at renta. Panu nalang ung pangarap kung maging architect para ipagpatayo ng bahay sina tatay at nanay. Panu na lahat ng hangarin ko para sa kinabukasan ng pamilya ko?? Ano na gagawin ko ngayon sa mga subjects na nakuha ko na, pero wala ng pambayad..hihinto na ba ako? Dito na ba ang katapusan nang mga pangarap ko?

Habang naiiyak akong iniisip ang mangyayari sakin, hindi ko na namalayang nakalabas na pala ako sa office ng dean at muntik ng matumba dahil wala na akong lakas..una sa pagpipigil kung umiyak at sa sakit na nararamdaman ko sa puso ko ngayon..parang mas malala pa tong sakit na tu sa sinasabi nilang broken heart.

"Savannah!!! " hindi ko namalayang nakatayo na pala si Ate Maita sa harap ko at inaalalayan ako.

"Ok lang po ako ate Maita :)..sige alis na po ako"

"Umupo ka muna dito..anong ok ka jan..tingnan mo nga yang mukha mo ang putla mo..alam ko anong nangyari kahit kami ni Prof nahihirapan sa decision..pero ikaw din gumawa sa grades mo..ano ba kasing nangyari at pumalya ka sa Econs mo? Magaganda naman lahat ng grades mo dati" pinaupo ako ni ate Maita sa couch dun sa office tapos tumabi siya sakin.

"Nagkasakit po kasi si Tatay nung nakaraang buwan, kelangang ipaospital..at dahil wala naman po kaming maraming perang pang paospital..nagpart time job po ako sa McDonald para lang may pantustus sa pampaospital ni tatay. Dahil sa may klase ako boung araw, gabi na ako nakakapag trabaho at paguwi ko sa dorm pagod na pagod na ako, hindi ko na nakakayang mag-aral..tsaka ung Econs po talagang nahihirapan ako jan eh..kaya ito ngayon ang nangyari..wala na akong scholarship :(" tumulo na talaga ung luha ko habang nagkukwento ako kay ate Maita.

Hindi ko parin lubos maisip kung panu na ako magaaral ngayon, san ako titira dito..kasi pag hindi ko nabayaran ung dorm hindi na ako pwede mag stay dun..panu na ung pang gamot ni tatay buwan buwan..panu na ngayon, wala na ang lahat. Bakit ba kasi hindi ko mapigilang antokin pagkatapos ng trabaho ko..kung sana hindi ako antokin eh nakapag aral pa sana ako..kahit na walang tulog basta may scholarship..ngayon puro tulog nalang gagawin ko dahil wala na lahat.

"Wag ka mag alala Sav..hahanap ako ng paraan para matulungan ka..sa ngayon bumalik ka na muna sa klase mo at mag concentrate sa studies ok."

Paano pa ako babalik sa klase at mas panu ako makakapag concentrate kung lahat ng laman ng utak ko 'Scholarship Termination'.

Bakit ba ganito ang buhay..ung iba ang daming scholarsip na pinagpipilian tapos may kaya pa sa buhay, bakit ako..iisang scholarship nanga lang, terminated pa..at wala pa kaming kaya.

Pagka galing sa deans office, namalayan ko nalang na dinala na pala ako ng mga paa ko sa dorm namin. Pagpasok ko andun lahat ang ninjas, hindi kasi sila pumasok ngayon dahil kararating lang nila sa dorm, kaya nagulat sila nung umuwi ako kasi alam nilang may klase pa kami ngayon at dahil narin sa sa namamaga kong mga mata.

"Sav anong nangyari? Bakit ka umiiyak? Pinaiyak kaba sa klase niyo?" Ito talagang si Jenny kahit kelan hindi makapag seryoso. Hai. Pero kahit na medyo nagbibiro siya hindi ko parin napigilang umiyak ulit.

"Hindi na ako pwedeng mag aral dito..na terminate na ung scholarship ko" umiiyak akong napasalampak sa sahig na dinamayan naman nilang tatlo at sabay sabay na nag ANO??!

"Anong nangyari bakit naterminate ung scholarship mo, bumagsak kaba?" tanong ni Monique, tumango lang ako,sila naman sabay "ANO??!" na naman.

"Bakit ba kayo ano ng ano..bumagsak nga ako sa econs ko dahil dun sa partime job ko. Nawala tuloy lahat sakin, akala ko makakatulong un pero nagpalala pa pala sa sitwasyon."

"Sav, hindi nagpalala yun kasi nakatulong un sa tatay mo yun nalang isipin mo. Tsaka wag ka muna mawalan ng pag asa,maraming paraan pa naman eh" Pena isa din sa ninjas , siya ung seryoso talaga saming apat.

"Sana nga lang Pens, kasi kung wala akong mahanap na paraan, hindi ko na alam anong mangyayari sakin. Hindi ko rin alam panu sabihin kina tatay at nanay"

Pagkatapos nang mahaba-haba pang iyakan at ANO??! nilang tatlo nakatulog ako na kayakap silang tatlo.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N

Hi sa inyo mga readers..jeeehh :)

So anong masasabi niyo sa first chapter..ok ba?

This chapter is dedicated to AnneAlviar-Ventura for the great cover she made for me..thanks again :)

Vote.Comment.Fan ;)

xo

--aish--

The Bride Hiring Heir (Bride Series: Book 1) >>Completed<<Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon