Contract 26- Fair, School and all!

81.6K 741 30
                                    

Ito ay dedicated kay @Jhaymee03 kasi palagi ko isyang nakikita na nagbovote dito :)) Salamat po.

Guys kung sino gustong magpadedicate..huwag po kayong mhiya ah. Msg niyo lang ako sa mb or mag comment lang kayo sa comment box. Ok :)

----------------------------------------------------------------------------------------------

Hired Day 25- Fair, School and all!

"Salamat po Heaven sa paghatid. Drive safely for me po..tska malilate ako mamaya sa paguwi ah, kasi may meeting pa kami for U Fair."

"I won't drive safely for you. Tch. Have a good day ahead of you. Don't be too late and just call me. Ok."

"Opo. Sige na po Heaven..ingat ka po. Bye. *kiss*" ayun umalis na ang aking driver. Hahaha. Kapal ko lang. Anyway, kadarating ko lang sa school ngayon at hinahanap ko ang ninjas kasi nag message sila sakin na dito na sila.

"Sav! Good morning!"

"Morning too Pena. Asan yung dalawa?"

"Ayun oh, nakapulupot kay Adam. Ako na naawa kay Adam, hindi na makahinga." tiningnan ko naman yung tinuturo ni Pena at ayun nga ang dalawa. Dikit na dikit kay pusa. Grabe talaga kamandag nitong pusang ito. Tsk

"Ano bang meron at kaaga aga eh naka kapit-tuko na yang dalawang yan?" tanong ko kay Pena habang naglalakad kami papuntng architecture building.

"Pinipilit kasi nilang isali si Adam sa photography club natin kasi asset daw si Adam."

"Asset? Ano yun accounting kasi may asset and liability."

"Kasi daw maganda si Adam para sa club activity na gagawin para charity fair natin."

"Ay oo nga ano pala no may fair pala tayo this week. So ano pala binabalak ng dalawang yun at sinasali pa si pu--Adam?"

"Photo booth daw."

"Photo booth lang pala bakit kelangan pa natin ng asset?"

"Ewan dun sa dalawa, mamaya nalang natin pagusapan yan sa meeting."

"Ok. Teka lang, hindi naman tayo mag quiz ngayong araw diba? Hindi kasi nakapagbukas ng notebook kagabi."

"Nope. Wala namang sinabi si Prof. Pero himala yata at ang genius na si Sav eh hindi nakapag bukas ng libro kagabi..bakit kaya?"

"Bakit kaya? Kasi po napagod ako masyado.."

"Napagod? Saan? Pinagod ka ni Heaven masyado ano? *nakakalokong ngiti*"

"Oi hindi ah! *blush* Baliw ka talaga Pens! Naambunan ka narin ng pagkagreen minded ni Jenny! Pero hindi talaga, bumisita kasi nung sabado yung circle sa bahay. Ayun gabi na ng umuwi, kaya hindi na ako nakapaglinis. Kaya kahapon whole day ako naglinis ng bahay tsaka naglaba at nagluto din kasi hindi rin umalis si Heaven."

"Hahaha. Biro lang yun Mrs Griffiths. Hehehe. Pero hindi ka ba tinulungan ni Heaven?"

"Tinulungan nga eh, kaya sobrang hindi ako mapakali. Kasi naman isang Heaven Griffiths nagmamop ng bahay. Kahiya! Kaya lalo akong napagod, kasi sa stress kakaisip na nagmop si Heaven" Sigh.

"Ano namang nakakahiya dun eh mag-asawa naman kayo. At ang magasawa nagtutulungan sa lahat yan. Hindi lang sa alam mo na. Hahaha. Tska pasalamat ka nga mabait si Heaven kahit mayaman. Ang swerte mo nga talaga Sav kasi kahit iba yung way niya ng pangaalok ng marriage, atleast nagpapakatotoo si Heaven."

"Oo nga eh..hehehe. Ay andito na pala tayo Pens?"

"Oo naman no! Napag-usapan lang si Heaven ayan nakalimutan na ang lahat. *mapanuksong ngiti* "

The Bride Hiring Heir (Bride Series: Book 1) >>Completed<<Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon