This is for FinnJake0 dahil dinidecate niya sakin ang isang chap ng story niya. Please do check her works. Maganda din po. I read the chap na nakadedi sakin :)
----------------------------------------------------------------------------------------------
Hired Day 48- Fun under the moonlight.
"Ok dahil apat lang ang rooms dito, ganito tayo, si Sav at Heaven sa isang room, tapos ninjas at Leeya, kami namang apat sa isang room din. Yung isang room for Nikka, ayaw kasi nun nang sharing. Ok lang ba sa inyong lahat?" tanong samin ni Zag pagdating namin sa bahay bakasyunan nila.
"Ok lang Zag, sanay naman kami sa sharing ng room." sagot ni Pena.
"Ikaw Leeya ok lang sa iyo? Pasensyana hindi kayo iisang room lang ni Park." tanong naman ni Zag kay Lee.
"Yes ofcourse, masaya nga ito dahil may kasama ako room."
"Ok it's settled din, lets go? Magpahinga muna tayo then we have energy for tonight."
"Alright! Lets go go go.."
Tapo ito nga nasa room na ako, ang laki din ng kwartong ito. Parang hotel din tapos may balcony pa. Kaso lang magugustuhan kaya si Heaven na nasa iisang kwarto lang kami? Mamaya na ako magiisip diyan, maliligo muna para makapag pahinga.
"Sarang magpahinga ka na muna diyan huh, maliligo lang si mommy sandali"
Pagkatapos kong maligo nahiga na ako sa tabi ni Sarang. Nakakapagod din pala ang ganito. Medyo malayo kasi yung biniyahe ng ferry papunta dito sa Amanpulo kaya nakakapagod masyado.
Sana lang may magandang mangyari sa bakasyon naming ito. Kahit hindi man kami magkabati ni Heaven, sana lang maging civil kami sa isa't isa at sana tapos na si Kanikka sa galit niya sakin.
"Hai Sarang, mageenjoy naman tayo dito diba? Kahit pa galit si daddy mo sakin, hindi ka naman siguro niya idadamay diba? Diyan ka lang lage sa gitna namin ah Sarang."
After kung kausapin si Sarang kusa nalang pumikit ang mga mata ko. Pero parang ilang minuto o oras ba may naramdaman ako na nagpagalaw sa bed. Yun bang parang hihiga or uupo ba. Gusto ko sana imulat ang mga mata ko kaso sobrang antok naman ako masyado. Pagkatapos nung paggalaw may naramdaman ako na yumakap sakin, hindi naman yung pamatay na yakap kaya ibig sabihin hindi masamang tao ang nakapasok sa kwarto. Pero sino ba 'tong yumayakap sakin? At bakit parang halos idikit na niya ako sa katawan niya? Pero gentle naman, hindi naman yung mahigpit nga. Hai ewan, nanaginip lang siguro ako dahil sa pagod. Baka unan lang ang niyayakap ko. Hmmmm..ang bango naman ng unan. Makayakap na nga rin, sarap eh.
***
*Tok tok tok*
Naalimpungatan ako sa sunod sunod na katok sa labas ng kwarto ko kaya pinilit ko nalang idilat ang mga mata ko.
"Savannah Griffiths! Gumising ka na diyan, ngayon na!" sigaw ni Monique sa labas mg kwarto ko.
"Savannah! Tatlo! Pag hindi ka gumising diyan uubusin na namin ang pagkain. Isa..tat--"
"Ayan andito na ako..grabe naman kayo." biglang bukas ko sa pino at mukha ni Jenny na naka buka ang bibig ang nabuksan ko.
"Anong grabe, ikaw nga ang grabe makatulog eh. Gising na ang lahat pati asawa mo, pero ikaw tulog parin!" sagot ni Monique sakin.
"Asawa? Nandito na si Heaven?" bakit hindi ko man lang naramdaman na dumating siya? Tska wala rin akong nakitang gamit niya sa room namin. Tama na Sav, huwag ka na muna mag isip. Ok.
"Grabe ka, pati asawa mo hindi mo namalayang dumating at pumasok sa kwarto nyo? Naman Sav.." Monique.
"Ok, oo na, sige na tulog mantika na ako. Napagod kasi ako sa biyahe, alam niyo naman na hindi ako masyado sanay sa biyaheng dagat eh."
BINABASA MO ANG
The Bride Hiring Heir (Bride Series: Book 1) >>Completed<<
RomanceIn Tagalog po ito: A girl in college was forced to sign a contract (contract wife) with the rich hotel heir because of financial problem..the guy was forced to find a wife to clean his image on his gender orientation..people thought he was BAKLA!!!