Contract 42- Liar, Liar Savannah's on Fire...

77.4K 655 16
                                    

This chap is for Jazmine Santiago :) kasi IU fan siya..hehehe. At isa siya sa lage kung kausap sa twitter :)) Salamat po ms cutepanda :))

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hired Day 41- liar, liar Savannah's on fire..

"Good morning Sav, asan si Heaven?" bati sakin ng ninjas. Nandito ako sa kusina ngayon para mag breakfast.

"Good morning too ninjas. Si Heaven..oh ayun nauna nang umalis kasi madami pa daw siyang gagawin sa office. Alam niyo na isang linggo siyang wala dito." sabi ko habang paupo sa mesa.

"Ganun ba? Naka pagbreakfast na ba yun?" Tanong ni Pena habang innayos yung pagkain sa mesa.

"Breakfast..oh..Dun na daw siya kakain sa hotel, para hindi na daw ako magluto muna."

"Ok. Sige, kain na tayo." Yaya niya samin.

Nagsimula na kaming kumain, pero ang isip ko wala sa pagkain kundi na kay Heaven. Bakit ganun? Akala ko magkakaayos na kami ngayon umaga, pero bakit umalis siya ng maaga na hindi man lang nagpapaalam sakin. Kahit nasa iisang kwarto lang kami. Bakit kahit man lang note wala siyang iniwan. Galit parin ba siya? Ganun ba katindi galit niya sakin at kailangan niya pa akong iwasan ngayong umaga? Hai. Sana lang mamayang gabi makapag-usap na kami. Dahil ayoko ng ganito kami. Isang gabi pa nga lang kaming walang kibuan, mabigat na ang puso ko.

"Sav, hindi ba masarap ang pagkain?" nahinto ako sa pagiisip nang biglang magtanong ni Monique.

"Masarap naman, bakit Monique?"

"Kasi parang pinaglalaruan mo lang yang pagkain sa plato mo. May problema ka ba?"

"Problema? Wala naman, iniisip ko lang ang Final exam natin."

"Oi, Over ka naman magisip. Ang tagal pa kaya ng final, next month pa yun no! Yang pagkain na muna isipin mo, para di tayo malate."

"Opo ms Hiroshi" sagot ko kay Monique na nakatawa.

Ayoko isipin nila na may problema ako. Though nararamdaman kung nakamasid ng maigi si Pena sakin. At alam kung alam niya na may problema ako.

Pagkatapos naming kumain, umalis narin kami papuntang school. Dinala narin ng ninjas ang mga gamit nila. Kasi nga dumating na si Heaven. Kaso medyo nasasaktan lang ako, kasi alam naman niyang aalis na ang ninjas ngayong umaga tapos hindi man lang talaga siya nagpakita sa kanila. Ok lang na iwasan niya ako, pero huwag naman pati mga kaibigan ko.

"Oi Jenny, nakausap mo na ba si Adam? Tapos na ba daw niya ang presentation slide natin?" biglang tanong ni Pena habang nasa sasakyan kami.

Oo nga pala, bukas magpepresent na kami ng final project namin. Tapos ang dami pa naming pagaaral, para kahit na may magtanong, masasagot namin lahat. Kaya nga ayoko na ganito kami ni Heaven, dahil ayoko na may iba akong iniisip besides sa project. Tapos pano nalang kung hindi kami magkaayos hanggang sa next month at final exam ko na. Baka maapektuhan ang studies ko.

"Ah, oo tapos na daw niya. I-send lang daw niya satin lahat ang copy para safe. Tska sabi pala niya kagabi hindi siya makakapasok ngayon dahil nasa ospital daw ate niya. Kaya kung may changes pa daw tayong gagawin sa slides, email lang natin sa kanya."

"Ate? May Ate pala si Adam? Ok. Check lang natin mamaya." Pena.

Ate ni Pusa may sakit? Diba si Ate Aeden lang naman ang ate niya? Ano kaya nangyari?

"Oo meron. Kakasabi ko lang na ate diba?" pilosopong sagot ni Jenny.

"Loka! Hindi nga, ano daw nangyari sa ate niya?" Monique

The Bride Hiring Heir (Bride Series: Book 1) >>Completed<<Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon