Contract 70- A decision has been made.. (Finale)

95.9K 1.2K 460
                                    

A/N: CHECK MY PrOFILE FOR THE EPILOGUE kung hindi niyo mabuksan ang link na nasa AUTHORS NOTE note.

____________________________________

Hired Day- 69 A decision has been made... (Finale)

Nagising ako na nasa ospital na ako. Alam ko dahil sa puting kisami at sa naka lagay na oxygen sa bibig ko.

"Nay si Sav gising na! Doc gising na po si Savannah! Please come faster!" kahit medyo malabo pa ang paningin ko. Alam kong si Pena yan, at alam ko din na umiiyak siya.

"Savannah anak! Salamat naman at nagising ka na nak. Halos mamatay na kami ng tatay mo sa paghihintay na magising ka." sabi ni nanay habang umiiyak.

Gusto mo siyang aluin pero hindi ko pa magawa dahil ang bigat ng mga kamay ko. Daliri ko lang ang kaya ko pang igalaw.

Ilang araw na pala akong tulog bakit ganito nalang maka iyak si nanay at sina Pena.

"Hi Sav. Can you talk?" tanong ng doctor sakin. Tumango ako ng bahagya kaya kinuha na niya ang oxygen ko.

"How do you feel now?"

"Mabigat po ang katawan ko at medyo malabo ang paningin ko."

"Let me see your eyes first...wala namang masama sa mata mo. Dahil sa tagal ng pagkakatulog mo kaya nanlalabo pa ang paningin. It will adjust into normal vision soon."

"Ilang oras po pala ako naka tulog doc?

"You've been sleeping for three days. Mabuti nalang you were not in a coma."

Tatlong araw? Ganun na ako katagal tulog? Ganun ba kalakas ang impact ng pagkabangga ko?

"Bakit naman ang tagal kong nakatulog doc"

"Dahil sa lakas ng impact ng accident sayo. You have broken ribs and shoulder. Malakas ang pagkabagok ng ulo mo sa kalsada. It was really a miracle na wala masyadong pinsala sa ulo mo. Minor scars lang."

"How about.."

Gusto ko sanang kapain ang tiyan ko. Pero alam ko, wala na akong makakapa.

"We are really sorry, but you lost your baby. Nang mabangga ka nagbleed ka na ng makarating dito. And the baby was gone."

Sa dinami ng sinabi ng doctor wala akong naintindihan dahil isa isa nang nagsilabasan ang mga luha ko. Kahit alam kong wala na siya sa tiyan ko, masakit parin marinig talaga galing sa doctor.

Patawarin mo ako anak kung hindi man kita naalagaan. Patawarin mo ako na hindi kita naprotektahan. Patawad baby ko. Gustong gusto man kitang makita at mahawakan,hindi ko na magagawa. Patawarin mo si mommy mo baby dahil hindi ka niya naisip nung tumakbo siya. Na nang dahil sa walang kwenta mong daddy nawala ka. Patawarin mo ako. Sana maging masaya ka diyan at bantayan mo si mommy dito.

Paalam anak ko. Hindi man tayo nagkita, kahit saglit lang tayo nagkasama. Sana naramdaman mo kong gaano kita kamahal. Mahal na mahal kita baby ko.

Kung gaano man ako nasasaktan sa pagkawala ng baby ko. Alam ko ganun din ang lahat ng nandito sa kwartong 'to. Ayaw man nilang iparinig sakin, pero rinig na rinig ko parin ang iyak nila.

"Doc, kelan po ako pwedeng makalabas dito?"

"Maybe a week or two. Kailangan muna nating pagalingin ang ribs mo at we need to check on your head parin para masigurado natin na wala talagang problema. Lalo na ngayon na gising ka na."

"Ganun po ba. Sige po doc salamat."

"Babalikan kita dito mamaya for check up. Pero kung makaramdam ka ng sakit, lalo sa ulo mo. Ipatawag mo agad ako."

The Bride Hiring Heir (Bride Series: Book 1) >>Completed<<Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon