Dedicated to Princesssimple09 kasi nirerecommend niya ang TBHH sa mga friends niya. Thank you so much dear.
Note:
Bakit marami akong nababasa na "Naulit" "Rewind" and Contract 47 "Confrontation with Kanikka" tapos pag binuksan ko ang comments "Story not found" naman sa wattpad tapos sa whole TBHH dito sakin isa lang din ang Contract 47. Bakit may extra ang iba sa inyo? Naguguluhan din ako.
----------------------------------------------------------------------------------------
Hired Day 64- She's back with apology?
Nikka calling...
Opo tumatawag si Kanikka kay Heaven. Kaya hindi ko tuloy alam anong mararamdaman. Matagal na siyang walang communication samin, minsan nga nakalimuntan ko nang minsan may isang Kanikka pala sa buhay namin.
"Langga, bakit hindi mo sagutin? Baka importante." kanina pa kasi nagriring ang phone at parang wala talagang balak sagutin ni Heaven.
Kahit ako sa sarili ko din, ayaw ko sanang ipasagot pa asawa ko, pero ayoko naman isipin niyang pinagbabawalan ko siya.
"No Annika. Alam naman niya anong oras na ngayon dito sa pilipinas at alam niyang namamahinga na ang mga tao."
"Pero langga baka importante yan." pamimilit ko parin sa kanya.
Hindi parin kasi tumitigil sa pag ring ang phone niya. Medyo makulit din talaga itong si Kanikka. Ayaw na ngang sagutin, tawag pa ng tawag. Pero kahit pinilit ko na si Heaven na sagutin, ayaw talaga niya, at ang ginawa niya, pinatay nalang niya ang phone. Sinabihan ko siya na baka importante ang tawag ang sagot lang niya, late at night na. Tapos hinila niya ako palapit sa kanya.
"Halika ka nga, I want to hug my wife." tawag niya sakin kasi nga medyo lumalayo ako sa kanya kanina habang nagriring ang phond niya. Tska nahihiya akong lumapit sa kanya dahil wala pa akong ligo. Hindi kasi ako nakaligo pagkagaling sa ospital tapos, nag ihawan pa kanina. Napunta na sakin ang amoy ng inihaw. Nakakahiya naman sa asawa kong laging mabango..Hehehe
"Ai wag na langga, wala kaya akong ligo ngayong araw." baka maamoy pa niya ang kili kili ko naku! Ayokong bumalik sa ospital at ma announce na nahimatay ang asawa dahil sa kilikili powersmell. Nakakahiya yun!
"Kahit wala ka pang ligo ng isang taon Annika, yayakapin at hahalikan parin kita. Kaya halika na.."
"Sigurado ka langga?"
"Yes I am Annika. Kaya halika na, pagod na pagod na ako." ano pa nga bang magagawa ko kundi ang sumiksi sa bisig ng asawa ko. Hahaha..Bisig talaga eh no? Pero talagang ang sarap yumakap kang langga. Masarap din siya yakapin kasi hindi siya mataba talaga, pero may matitigas na abs naman. Kaya ang swerte ko talaga na ako lang ang kayang yumakap at lumandi sa katawan ng asawa. Hahaha. Landi talaga? Pabigyan niyo na ako. Asawa ko naman pinagnanasahan ko eh..Hehehe
"Hmmm. Ang bango bango mo talaga my slowpoke. Anong shampoo ba gamit mo?" tanong niya sakin habang inaamoy amoy ang buhok kong amoy pawis, inihaw at walang suklay. Hindi ko alam san ang mabangong parte ng buhok ko na sinasabi ni langga. Baka nagiimagine lang si langga ng ibang amoy. Tsk. :)
"Surf white.."
"What? Diba sabon panlaba yun?" gulat na gulat na tanong niya sa sagot ko. Tapos inilayo niya ng kunti ang ulo ko. :D Ang sarap talaga kulitin ng asawa kong laging seryoso sa buhay.:)
"Oo. Tsaka perla yung pansabon ko sa katawan. Pampaputi daw kasi yun eh."
"Yah Annika. Talk to my hand"
"Hehehe. Ok na joke lang yun. Ang seryoso mo kasi. Hehehe. Yung parang shampoo mo din gamit ko langga. Kasi gustong gusto ko yung amoy eh." ang bango bango kasi talaga ng shampoo ni langga. Mamahaling shampoo at sabon gamit niya kaya nakikishare ako hehehe..Conjugal property yun eh..:D
BINABASA MO ANG
The Bride Hiring Heir (Bride Series: Book 1) >>Completed<<
RomanceIn Tagalog po ito: A girl in college was forced to sign a contract (contract wife) with the rich hotel heir because of financial problem..the guy was forced to find a wife to clean his image on his gender orientation..people thought he was BAKLA!!!