Contract 59- Frozen and Happy.

75.5K 839 53
                                    

Dedicated to Breeyhana_atheyna24. Salamat po sa pagbabasa :)

_____________________________________________________

Hired Day 58- Frozen and Happy.

"Good morning ninjas, good morning Pusa"

"Good morning ms Jolie"

"Morning din Sav, parang maganda gising natin ngayon ah. May pabati bati ka pa ng good morning."

"Jenny naman eh nag good morning nga lang yung tao."

"Eh kasi Sav matagal ka ng huminto sa pag good morning no! Baka naman.." Jenny.

"Baka naka score na naman kay Heavrn kagabi kaya maganda ang gising." Monique

"Oi grabe ka naman Monique, ginawa mo naman akong lalaki. Ako talaga ang i-score kay Heaven. Hindi ba pwedeng si..ya."

"So ibig mong sabihin naka score si Heaven kagabi!!?" duit nina Monique at Jenny.

"Hoi kayong dalawa hinay-hinay naman sa pag sigaw. Walang naka score. Masaya lang ako ngayon. Kaya tara na."

"Oi Sav kahit hindi mo sabihin obvious po na may naka score. Ang ganda kaya ng aura mo at pangiti ngiti ka pa. Sayang hindi ko na video ulit. Magiging bagong youtube sensation na sana ako. Hai"

"Oi Monique bakit ikaw lang?Dalawa tayo no! Wag mo namang akuin lahat ang credit." Jenny.

"Hoi kayong dalawa ah para namang hindi ako ang pinaguusapan niyo. Anong credit credit kayo diyan!" sali ko sa usapan ng dalawa.

"Naman Sav kayo naman ni Heaven ang magiging sikat eh kasi kayo ang bida. Diba?" Monique.

"Anong bida bida, walang bida. Tayo na nga Pens." niyaya ko si Pena.

"Jen, ano kayang nangyari kagabi. Ganun parin ba? Buka bibig tulo laway parin ba?" tanong ni Monique kay Jenny.

"Hindi na siguro Monny, kasi hindi naman siguro sila kumain ng popcorn eh para mag-laway si Sav."

"Well oo nga, hai naku mabuti nalang talaga immune na yata si Heaven sa laway ni Sav kasi naman naglalaway nanga sa pagtulog pati ba naman sa pag HALIK! Hahaha"

"Hoi Monique Akiko! Naririnig ko kayo ah. Hindi ko kaya sinasadyang tumulo ang laway ko!"

"Oh akala ba namin walang laway na tumulo sayo kahit obvious naman sa video bakit ngayon sinasabi mong meron na. Ano ba talaga Sav!"

"Hai ewan ko sa inyo. Nakakainis naman kayo eh. Tayo na Pens bilisan na natin."

Yung pinaguusapang laway pala namin ay nung nag movie marathon kami kasama ang ninjas at hinalikan ako ni Heaven. Ang lokang si Monique vinideo ba naman. Tapos dun ko lang napansin na nagvivideo pala siya nung nagsalita siya tapos biglang tumawa kasi tumutulo daw yung laway ko habang hinahalikan si Heaven. Loka talaga. Pero hindi ko naman talagang sinasadyang patuluin yung laway ko eh. Tsaka hindi naman sobrang tulo. Kunti lang naman kaso ang dalawang bruha kung makapag salita akala mo isang drum ng laway ang lumabas sakin. Hai! Nakakahiya lang :(

The Bride Hiring Heir (Bride Series: Book 1) >>Completed<<Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon