This chap is dedicated to GirLako dahil tinupad niya yung sinabi niyang ifollow niya ako sa twitter. LOL. Enjoy reading po :)
----------------------------------------------------------------------------------------------
Hired Day 30- Ang "One Thing" ni Pusa.
"Im all out love,
Im so lost without you,
I know you were right believing for so long
Im all out of love..Aishitero Inuki!!" si Monique po yan na bumibirit ng All out of Love sa aming makeshift karaoke para daw kay Inuki niya. Hai.
Hindi niyo pa ba nahuhulaan anong nangyayari? Well, andito lang naman ang NINJAS+PUSA+CIRCLE+ALFIE sa bahay namin at nanggugulo! :D Hindi. Hindi naman nanggulo, namimisita lang.
Diba nga inimbitahan ko ang ninjas this weekend sa bahay, ngayon, napasama narin si pusa dahil sa pangungumbinsi ng ninjas. Tapos biglang dumating din ang circle kasama si Alfie. Kaya ngayon ang nangyayari eh nagkaroon kami ng outdoor party. Pero mabuti nalang wala si Kanikka. Ayoko kasing mag meet sila ng ninjas na naman.
"Oy Heaven, ikaw naman kumanta diyan. Kantahan mo naman itong asawa mo" pangungumbinsi parin talaga ni Jenny kay Heaven. Kanina pa kasi nila pinapakanta si Heaven, tapos ayaw talaga ni maputlang masungit eh. Medyo kanina pa nga rin nagsusungit sakin, ewan ko kung bakit na naman.
"No guys, kayo nalang. Makikinig nalang ako sa inyo." sagot niya tapos ngumiti lang ng bahagya. Sungit!
"Hmmm, sige na nga, siguro sintonado ka Heav, kaya ganyan *wink*" pagbibiro ni Monique.
"Since Heaven doenst want to sing for ms Jolie, may I have the pleasure please?" andito na naman itong pusang nagpapakulo ng dugo ko. Bakit ba hindi siya napapagod na inisin ako. Kanina pa yan "ms Jolie" ng "ms Jolie" tapos napapansin kung naiinis narin si Heaven sa "ms Jolie" na yan.
Kakaayos ko nga lang ng gulong ginawa niya kahapon, tapos ito na naman siya magsisimula na naman. Ang hirap pa namang alamin kung galit ba o hindi si Heaven. Kasi hindi ko alam kung hihingi ba ako ng sorry or tatahimik nalang ako. Kasi hindi naman nakikita sa mukha niya kung galit siya or hindi. Tapos kung mag-sorry naman ako, baka sabihin niyang wala naman siyang pakialam sa kung anong nakita niya. Kasi diba nga nakasulat sa contract namin na walang pakialaman ng personal life. Kaya nahihirapan ako at kaya naman ayokon may awkward na nangyayari sa aming dalawa. Mabuti nalang nagkalakas ako ng loob na pasukin siya kagabi. Kahit pa gusto ko yung nangyari kagabi ayee~~ >//< pero hindi ko alam kung papasa parin yun sa susunod.
BINABASA MO ANG
The Bride Hiring Heir (Bride Series: Book 1) >>Completed<<
RomanceIn Tagalog po ito: A girl in college was forced to sign a contract (contract wife) with the rich hotel heir because of financial problem..the guy was forced to find a wife to clean his image on his gender orientation..people thought he was BAKLA!!!