Contract 37- Talk and Luggage.

75.8K 698 50
                                    

This chap is dedicated to Catherine Alicante for commenting on TBHH facebook page :)

Oi magtanong naman kayo sakin sa ask.fm..wala lang, gusto ko lang may masagot. Hehehe

-----------------------------------------------------------------------------------

Hired Day 36- Talk and Luggage.

Weekend na ngayon at nagiimpake na ako ng aking mga gamit dahil aalis na ako dito sa bahay ni Heaven. Pagkatapos kasi naming mag-usap nung nakaraang gabi, napagdesisyunan namin na i-annul na ang aming kasal. Hindi kasi maganda ang kinalabasan ng usapan namin, kaya humangtong kami sa usaping mas mabuti pang ihinto na namin ang kung ano man meron kami ngayon. Sa simula't sapol pa naman mali na ang kasalangan ito kaya dapat lang din sigurong itama ko na ang pagkakamaling yun. Sa mundong ito lahat naman may katapusan, at isa na doon ang kasalang nakakontrata namin ni Heaven. Isa pa ayaw ko nang patuloy pang masaktan dahil kay Kanikka. Kaya mabuti pang mas maaga, maghiwalay na kami ni Heaven. Pero sabi naman niya, patuloy parin niyang susuportahan ang pag-aaral ko at may hotel naman ako, kaya kahit papano hindi narin kami talaga maghihirap. Siya narin ang bahalang magpaliwanag sa mga magulang namin total sabi niya, siya naman ang nagpasimuno nitong lahat. At ako, babalik na sa dorm namin ng ninjas, kung saan ako nababagay at kung saan nagsimula ang lahat ng ito. Masakit man sa akin ang disisyong ito, pero kelangan kung gawin. Sa maikling panahon na pinag-samahan namin, kahit papano napasaya naman niya ako. Kaya wala akong pagsisisihan sa nangyari sa aming dalawa.

Pasensya na po kayo kung nadala kayo sa drama ko, nadala lang din kasi ako sa binabasa kung story sa wattpad. Ang 'Mr Sandbag+Ms S' ni mzpublic, iniwan kasi ni Maya si Rain dahil mahal ng bestfriend ni Maya si Rain. Kahit pa mahal niya si Rain, pero ikakasal na ito sa bestfriend niya, kaya kailangan niyang magparaya. Kaya ako naman, feeling ko ako si Maya, emote emote din ang peg ko. Hahaha.

Pero nagiimpake po talaga ako, hindi ng damit ko, kundi damit ni Heaven. Aalis kasi siya mamayang hapon papuntang Brazil para sa isang business trip. Gusto ko nga sanang sumama kaso hindi naman pwede kasi hectic narin ang schedule ko ngayon sa school. Kaya maiiwan akong mag-isa dito ng isang linggo. Pero nagpaalam na naman ako na kung pwede kung patulugin dito sa bahay ang ninjas at pumayag naman si maputlang masungit. Kaya masaya narin ako kahit papano.

Pssst..naguguluhan parin ba kayo? Hindi po totoo yung nakasulat sa itaas na kadramahan ko, hindi po ako aalis dito sa bahay. Hehehe. Kaya 'wag na kayong malungkot diyan, malungkot nanga akong iiwan ni Heaven, pati ba naman kayo. Huwag naman, baka maiyak na ako nito! Assuuhh! Feeling ko naman isang taong mawawala si Heaven, hahahha. Drama ko lang. Pero sa totoo lang din talaga, malungkot nga ako. Pero hindi ko lang pinapahalata kasi baka anong isipin ni Heaven pagmakita niyang malungkot ako.

Alam ko rin na curios kayo kung nakapag-usap ba kami tungkol sa party lastweek. Well, ang sagot ay, opo. Nagkausap kami at kahit medyo may butas parin na kunti, atleast natapalan naman ang kabuo-an.

***

Pag-uwi ko kinagabihan galing sa school naabutan kung nakaupo si Heaven sa living room at parang malalim ang iniisip. Akala ko nga hindi niya mapapansin ang pagdating ko, pero kasi ako yata ang ninjas na hindi alam pano maging ninja. Kasi ang ingay ingay ng kalampag ng susi na nahulog sa semento. Oo, nahulog ko ang hawak kung susi sa semento at nahulugan pa ang paa ko. Sarap nga ng feeling eh. Tsk. Kaya napansin ako ni Heaven.

"Oh, you're here. Let's talk.." tapos lumabas siya sa may patio namin. Sumunod lang din naman ako.

"Sit." pinaupo niya ako sa tabi niya. Sa gilid ng swimming pool. Kebali naka soak sa tubig ang mga paa namin. Sarap sa pakiramdam. Kung may swimming pool kayo, try niyo din lalong lalo na after a long day. Kung wala kayong swimming pool, maglagay kayo ng tubig sa palanggana. Hehehe

The Bride Hiring Heir (Bride Series: Book 1) >>Completed<<Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon