Dedicated to Em-emCodz..salamat kaayo sa pagcomment sa halos lahat ng chaps ng TBHH :)).
----------------------------------------------------------
Hired Day 34- The Red Match over Black.
Bumukas ang pinto at iniluwa si Kannika na naka pula din ng damit. Pero yung kulay lang ang pagkakaparehas namin, dahil mahaba ang damit niya at completely backless. Yung parang sout ni Ara Mina dati na halos makita na yung butt. Grabe lang, kaya naman lahat din ng tao sa loob, napatingin sa kanya.
Pagpasok niya, napansin kung may hinahanap yung mata niya pero parang hindi niya makita kasi nagtuloy tuloy na siya. Kami naman ni Heaven hindi umaalis sa kinatatayuan namin.
"Annika, are you ok?" ibinaling ko ang mga mata ko sa pagsunod kay Kanikka ng marinig ko si Heaven.
"Ah oo naman, *smile* nadistract lang ako ni Kanikka"
"I see. Anyway, did I told you how beautiful you are tonight?" mahinang bulong niya.
"Talaga? *blush* salamat po Heaven :)" mahinang sagot ko rin. Habang titig na titig ako sa exit ng tandas sa likod niya.
"Why aren't you looking at me? Natatakot ka ba sa mukha ko?" tapos hinapit niya ako lalo palapit sa kanya, kaya naman nagkalapit din lalo yung mukha namin. >.
"A-ah..hi-hindi naman Heaven. A-a-ano lang may tini-tiningnan lang ako sa likod mo" pagdadahilan ko. Pinaka worst na dahilan. Hehehe.
"Really huh? Bakit ka namumula at nauutal?" medyo mapanudyong tanong niya. Namah eh!
"Hi-hindi no! Hindi ako namumula! *blush* Damit ko lang yan na nagrereflect sa mukha ko" sagot ko na umiiwas parin talaga ng tingin sa kanya. Kasi naman eh, halos magkadikit na yung ilong namin. Feeling ko maduduling ako pag tiningnan ko siya sa mukha. >//
"Talaga lang huh! Lame excuse Annika..*sexy smirk* But anyway why havn't you called me Langga again?
"A-ah..eh..oh..ok. Langga..hindi ka ba nagugutom?" tanong ko ulit habang nakatingin sa mga taong may hawak ng juice or wine at finger food. Tsaka para din humiwalay na si Heaven sakin, kasi naman..naiilang na ako. >///
"I am..but not for food.." at dahil naguluhan ako sa sinabi niyang "gutom siya pero hindi ng pagkain" bigla akong napatingin sa mukha niya.
Kaya ngayon, nagkatitigan na kami at talagang feeling ko, iniihaw ang mukha ko sa init. Tapos ang lakas-lakas ng kabog ng dibdib ko, yun bang parang lalabas na yung puso ko sa ribcage ko tapos sobrang nilalamig na naiinitan ako. Tapos parang hindi lang yata butterflies ang nasa loob ng tiyan ko, kundi pati bubuyog na. Jusko po! Ano ba ito! Bakit kasi ang lapit lapit ng mukha ni Heaven sa mukha ko, yung hininga niyang mabango, nasisinghot ko na lahat. Isa pa hindi ba siya nangangalay, kasi nakayuko siya habang tinitingnan ako. Dahil kahit naka 5 inches heels na ako, talagang matangkad parin talaga siya sakin. Lalo tuloy akong nilalamig na naiinitan. >//
Ano ba kasing iniisip ni Heaven, bakit siya ganito makatitig sakin. Tapos naka smirk pa siya at talagang tagos sa kaluluwa ko yung titig niya. Tapos iwan ko kung anong nangyayari sakin, kasi bigla nalang akong napapikit, hanggang medyo dumampi na yung labi ni Heaven sakin, kaso lang..
"King!" biglang sumigaw si Kanikka sa gilid.
Kaya para tuloy kaming binuhusan ng mainit na tubig. Wala pa sa alas sais kung magkahiwalay. >.
"Nika..how are you?" medyo iritadong tanong ni Heaven. Bakit kaya?
Na hindi naman yata napansin ni Kanikka, kasi biglang niyakap at hinalikan niya si Heaven. Muntikan na ngang sa lips dumampi yung halik niya kung hindi lang lumingon sakin si Heaven, na kasalukuyang nakanganga sa tabi nilang dalawa.
BINABASA MO ANG
The Bride Hiring Heir (Bride Series: Book 1) >>Completed<<
RomanceIn Tagalog po ito: A girl in college was forced to sign a contract (contract wife) with the rich hotel heir because of financial problem..the guy was forced to find a wife to clean his image on his gender orientation..people thought he was BAKLA!!!