Dedicated to AkoClouise po ito. Bisayang katulad ko din. At medyo magkalapit lang kami ng place. Hehehe
Sa mga nagtanong po kung kelan gumawa ng baby sina Sav, alam niyo na po siguro yan. Kasi mag asawa po sila kaya kahit hindi natin alam makakagawa po sila :)) Tsaka hindi po ako sure if kaya ko pang sumulat ng ganung scene dahil ang hirap po niyang isulat. Kaya if mabuntis si Sav kayo nalang mag isip pano nangyari. Ayoko ng i detalye, baka ifire ako ni Heaven. Hahahaha
----------------------------------------------------------------------------------------
Hired Day 63- Baby Talk..
"Savannah Annika D. Griffiths! Anong nangyari sayo at bakit hindi mo agad sinabi kay Heaven huh?!" yan agad ang narinig ko pagkagising ko. Sermon ni Monique.
"Mons, kalma lang.." sabi ko.
"Anong kalma lang? Pano mo kami mapapakalma eh sobrang natakot kami nung tumawag si Heaven samin tapos sinabing dinudugo ka sa airport at nawalan ng malay!"
"Mons, hindi--"
"Anong hindi! Matagal mo nang alam na ganyan ka, tapos hindi mo sinabi sa asawa mo. Naman Sav!"
"Monique. Kakagising lang ni Sav oh, wag mo munang sermonan masyado. Hehehe. Pero nga Sav, bakit ba hindi mo sinabi kay Heaven?"
"Thanks Jen. Pero kasi nakalimutan ko eh."
"Sav, alam mo ba gaano nag alala asawa mo at sina tita at tito. Pati nga sina Adam at ate Aeden napasugod din dito. Yung asawa mo putlang putla ng datnan namin dito dahil sa takot. Bakit kasi hindi mo sinabi agad sa kanya."
"Kasi Pens, nitong nakaraang buwan naging normal naman ang cycle ko. Kaya akala ko ok na talaga. Pag uwi lang namin ng Davao bumalik, nahihilo at nasusuka ako."
"Bakit hindi mo rin agad sinabi sa kanya nung naramdaman mo na ang sintomas? Para alam niya na."
"Oo nga eh. Kasalanan ko talaga Pens. Akala ko din kasi ibang sintomas yun. Kaya gusto ko sanang magpa check up pagdating dito. Anyway anong sabi ng doctor at asan asawa ko?"
"Nasa doctors office, kausap si doc at yung gynae mo. Ok naman daw, lumabas lang daw yung hindi nakalabas na dugo last month kaya nag bleed ka at nawalan ng malay. Other than that. Ok naman."
Yung dahilan po ng pagkawala ng malay ko ay dahil sa irregular menstrual period ko. Ako kasi ang tao na ilang buwan hindi dinaratnan tapos pag dumating, nagakakasakit ako. Yun nga parang buntis yung sign, tapos nagcocollapse talaga ako kasi nahihirapan ang katawan ko.
Akala ko kasi buntis ako,kaya hindi ko sinabi kay Heaven kasi gusto ko siyang isurprise sana. Nasurprise nga siya, pero ibang surpresa naman. Hai Sav.
"Annika, gising ka na? Oh thank God, sobra mo akong pinagaalala langga" sabi ni Heaven pagkapasok niya sa ward ko tapos niyakap niya ako ng sobrang higpit.
"Langga,im sorry at napag alala kita ng sobra. Hindi ko talaga sinasadya at akala ko talaga bun--"
"Shhh. Its ok. Ang importante you're fine now. May masakit pa ba sayo? Any period pain?"
"Medyo masakit ang puson ko langga, pero ok naman."
"Hindi ka nahihilo or nasusuka? You want me to call the doctor?"
"Hindi na langga.Ok na talaga,kelangan ko lang magpahinga. Ano nga pala sabi ng doctor?"
"Everything is ok naman daw. Pero pag hindi ka nag period nang isang buwan, kelangan mong magpunta agad sa gynae mo para macheck up ka and to prevent something like this to happen again. And if nag nagbuntis ka, delikado. Kaya if mabuntis ka we have to be very careful. Ok."
BINABASA MO ANG
The Bride Hiring Heir (Bride Series: Book 1) >>Completed<<
RomanceIn Tagalog po ito: A girl in college was forced to sign a contract (contract wife) with the rich hotel heir because of financial problem..the guy was forced to find a wife to clean his image on his gender orientation..people thought he was BAKLA!!!