Contract 56- Odd Circumstances.

77.3K 960 283
                                    

Dedication time: This chap is dedicated kay @aizhey dahil maganda po siya mag comment. Hindi napapansin po talaga niya ang dapat mapansin :) Kaya thank you sayo dear :)

Note: Sinulat ko po ito gamit ang laptop. First time ko pong magsulat gamit ang computer kaya hindi ko alam kung tama ba ang spacing. Sana hindi kayo maduling. Hahaha

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hired Day 55- Odd Circumstances.

One Month.

Isang buwan narin ang nakakalipas simula ng magplano si Pusa na pagsilosin si Heaven at sa loob ng isang buwan kahit papano may nakikita narin akong kunting changes kay Heaven.Andun parin yung araw araw na bulaklak galing kay "Sarang", tapos yung breakfast na pinapagawa niya sa chef ng hotel at siya narin ang naghahatid sundo sakin. Hindi na kasi makareklamo si Pusa dahil baka mamatay siya sa masasamang titig ni Heaven. :)

At dahil ganyan nanga ang nangyari sa school nalang kami nagkikita ni Pusa. Minsan din pag walang pasok nag "didate" kami. Kahit usually nasa bahay lang nila kami tumatambay kasama si ate Aeden.

Bukas nga may "date" na naman kami kasi weekend. Sabi kasi niya nag invite daw si ate Aesen para gumala at ako na naman ang shopping buddy niya. :)

*tok tok tok*

"Pasok" ako.

"Annika, may lakad ka ba bukas?" si Heaven yan, andito kasi ako sa room ko ngayon.

"Ahh..ano Heaven. Oo. Meron, nagyaya kasi si Adam mag mall bukas."

"I see. So which mall you're going?" tanong niya.

"Sa Harrods. Bakit pala Heaven?" bakit kaya siya nagtatanong. Susundan kay niya ako bukas?

"Nothing, gusto ko lang malaman. What time alis niyo bukas?" tanong na naman niya.

Ano kayang meron at nagtatanong siyang ganito. First time kasi niya itong ginawa.

"Mga bandang alas diyes ng umaga po Heaven." sagot ko sa kanya kahit nagtataka ako.

"Ok then. Goodnight Annika. Goodnight Sarang. I love you" tapoa lumabas na siya ng kwarto.

Bakit ganun? Bakit si Sarang lang ang may "I love you". Hmmm. :( 

*** 

Kinabukasan ala otso palang ng umaga ginising na ako ni ate Aeden ng tawag niya para daw makapag prepare na ako. Excited na daw kasi siyang magshopping kasama ko. Para bang hindi kami magkasama lagi pag nagsashopping siya. Hehehe.

Kaya ayun, pagkatapos akong gisingin ni ate Aeden ng tawag niya. Bumangon na ako para maglinis ng katawan, pagkatapos bumaba na para sa almusal. At as usual may pagkain ng nakahain sa mesa at may nadagdag pa.

The Bride Hiring Heir (Bride Series: Book 1) >>Completed<<Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon