Contract 52- the Plan..

77.9K 718 78
                                    

Dedicated to ilovesCUATRO dahil hiningi niya sakin na sa kanya ko ito i dedi. Tapos dahil isa narin siyang LANGGA hehehe. Enjoy :)

Ang nasa loob po ng ** ** ay continuation ng chap 50 flashback at yung huling parte continuation naman ng away nila ng ninjas. Kung nalilito po kayo, sabihin niyo lang. Hehehe

----------------------------------------------------------------------------------------------

Hired Day 51- the Contract

**

Pag-ahon ko, umahon din si Kanikka kaya sabay kaming naglakad palapit sa seashore. Nagsabay din tumayo sina Heaven at Pusa. Si Pusa, bitbit ang damit na hinubad ko kanina, si Heaven naman hinubad ang t-shirt niya.

Habang papalapit sila samin, kinakabahan ako. Yung feeling na parang nanonood ako ng movie at nasa crucial scene na. Ganung feeling. At dahil kinakabahan ako, hindi ko na napansin kung sino ang unang nakalapit sakin.

"I don't want you wearing that thing again." bulong sakin ni Heaven sabay pasuot ng t-shirt niya sakin.

Teka nga, again, rewind..pause. Si Heaven? Siya ang lumapit sakin? Matingnan nga..

"Heaven?" parang hindi ako makapaniwala kasi na siya ang andito sa tabi ko.

"I am..bakit?"

"Wala naman..akala ko kasi si ano si.."

"Si Kanikka ang lalapitan ko?

"O-oo" mahinang sagot ko.

"Bakit ko lalapitan ang hindi ko naman asawa?" bulong niya din sakin.

"Bakit mo ako nilapitan?" ako

"Dahil asawa kita. At ayokong may ibang tao na lalapit sayo, lalo pa't ganyan ang sout mo."

"Ano pala masama dito sa sout ko? Sabi ng ninjas maganda naman daw."

"Maganda kung ako lang nakakakita, hindi lahat ng tao dito." Heaven

"Bakit naman?"

"Bakit ba ang dami mong tanong?"

"Bakit masama na ba magtanong ngayon?" ako

"Magtanong ka pa, hahalikan na kita." siya

"Ok, hindi na ako magtatanong. Pero bakit mo ako pinasout nitong damit mo?"

"Hai. Dahil ayoko nga may ibang nakakakita sa katawan mo."

"Talaga?"

"Talaga. Kaya huwag ka nang magsosout ng ganyan ulit."

"Ok."

Nasa gitna pala kami ngayon nagtitigan at nagbubulungan. Medyo nahihiya pa nga ako kasi matagal na kaming hindi nagkadikit ng ganito ni Heaven. Tapos ganito pa ang sout ko. Tapos siya walang tshirt.

"Oi tama na yang bulungan at landian diyan, dumarami na ang audience niyo!" sigaw bigla ni Jenny samin.

Kaya naman bigla kaming nag hiwalay at oo nga, medyo marami naring nakatingin samin. Naman! Nakakahiya. Hinanap ko si Kanikka pag hiwalay namin ni Heaven, pero wala na siya dito. Si Pusa naman, ayun, nakaupo sa buhangin at matamang nakatitig samin.

"Oh ano, tapos na ang show niyo? Anong next na gagawin natin?" tanong naman ni Monique nung nakalapit narin ako sa kanila. Si Heaven ayun bumalik na naman sa kinauupuan niyang beach lounger.

"Monique naman eh, wala namang show. Hmm"

"Ay suuhhh nahiya pa daw siya, eh ano tawag niyo sa tunawan niyo ng titig kanina? Pero ano, ibig bang sabihin bati na kayong mag-asawa huh?" tanong saby asar naman ni Jenny.

The Bride Hiring Heir (Bride Series: Book 1) >>Completed<<Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon