"Evacuation"
Sa malaking pier ng North Harbor ay limang malalaking barko ang pinupuno ng mga nagsisipaglikas na mga tao mula sa Kalakhang Maynila. Tinutulungan sila ng mga sundalo ng Marines at Army upang mapabilis ang kanilang paglikas. Ginagamit na rin ang mga maliliit na barko at malalaking lantsa sa paglikas.
Lahat ay takot kaya sinasamantala nila ang may liwanag pa. Umiikot ang mga army trucks upang sumundo ng mga tao.Sa malaking international airport sa Manila Bay ay sunodsunod ang paglipad ng mga eroplano upang ilikas ang mga dayuhan. Nakabantay ang maraming sundalong Marines at Army. May mga helicopters ng Air Force na sumusundo sa mga tao sa itaas ng mga malalaking hotels at condominiums at dinadala sa airport. Balita na sa buong mundo ang pagsalakay ng mga aswang at bampira kaya nagpapadala ng mga eroplano ang ibang mga bansa upang tumulong sa paglikas ng kanilang mga mamayan. May mga umiikot na attack helicopters na ang iba ay padala ng Amerika bilang bantay at suporta sa mga sundalong tumutulong sa paglikas.
Sa basement ng Dela Vega Tower ay naghahanda na ang dalawang grupo upang sumakay sa dalawang APC. Gumagawa ng final inspections si Dexter sa kanila kung kumpleto na ang kanilang mga suot at gamit na mga armas at bala.
Kausap naman ni Maria Luna sina Mark at Kenjie na kasama ang ilang mechanical at computer technicians ng Dela Vega Corp.
"Mark natapos na ba ninyo ang paglalagay ng Robotic Gatling Gun sa roof top."
"Oo ML. Apat ang nailagay namin na may 5000 rounds na bala. Okey na ang infared motion sensor scanners nila. Hindi na basta makalalapit sa roof top ang ano mang kumikilos o lumilipad sa itaas na hindi makikita ng sensors. Itong dalawa na inilalagay namin sa ibabaw ng mga APC ay patapos na. Mamaya ay maglalagay kami ng dalawa sa entrance nitong basement para madagdagan ang depensa natin dito sa loob ng gusali."
"Ilan pa ba ang RGG natin?"
"May apat pa at nag-aasemble pa ang mga technicians sa laboratoryo."
"Sige. Maglagay rin kayo sa labas at loob ng lobby."
"Okey. Kenjie kumusta ang mga drones mo?"
"May apat tayong nasa labas ngayon. Iniikutan nila itong gusali. Mahusay yung mga bago nating trainees na controllers ng mga drones. May sinusubukan kaming bagong drones na may armas. Makatutulong sila sa depensa natin."
"Bigyan mo ang grupo nina Dexter ng tig-iisang drone at pasamahin mo ang controllers sa kanila. Aalis na kami pagkatapos ng isang oras. Kakausapin ko muna sina Dianne at Bea."
"Okey ML."
Pumunta ang dalaga sa Communication Room nila. Abala sa loob sina Bea, Dianne at Clarence. May mga kasama silang communication technicians na nagmomonitor sa buong Maynila. Naabutan niya sa loob sina Ka Paeng at Tito Nolan niya.
"Bea anong balita na sa presidente." Tumitingin siya sa malaking monitor ni Bea.
"Naka-usap ko na ang sekretaryo niya. Nasabi ko na paano nila mapapatay ang mga halimaw at ngayon ay gumagawa na sila ng mga bala. Maraming salamat daw. Nagpagamit ng sattelite ang Amerika na siyang ginagamit namin ngayon sa pag-scan ng buong Maynila. May ipapadalang isang kompanya ng sundalo sa atin para sa ating proteksyon dito sa gusali. Darating sila mamayang hapon. "
"Mabuti. Marami na ba ang nailikas sa mga sibilyan?"
"Oo ML pero kulang ang mga sasakyan. Baka abutin pa ng bukas bago mailikas lahat. Yung mga malalaking highways, railways, subways at bounderies palabas ng Maynila ay sarado na at maraming bantay na sundalo. Total lockdown na tayo."
"Lolo kumusta ang depensa natin dito sa loob."
"Huwag mo ng alahanin Luna. Bawat palapag ay may nakahanda na tayong mga bantay. May mga tauhan si Nolan na tine-train namin na siyang emergency force natin. Sila ang mag-aantabay at tutulong kung may makapapasok na halimaw sa mga palapag. Malaking tulong ang mga sundalong darating dito. Kailan kami sasama sa inyo ni Dexter?"
BINABASA MO ANG
Princess Of Darkness (COMPLETED)
HorrorMula sa Mundo ng Kadiliman ay isinilang si Maria Luna ang Prinsesa ng mga Aswang na nakatakdang labanan ang mga Nilalang ng Kadiliman. Hinubog at sinanay upang linisin ang pangalan ng kaniyang Angkan.