"Mga Ninjang Kakayanan ni Zeno"--------------
Sina Zeno at Onami na lamang ang hinihintay ng grupo nina Shintaro para maka-alis na sila. Nag-aalala si Toshiro na baka magahol sila sa oras dahil ano mang oras ay maaaring sumalakay na ang mga Red Dragons. Ayaw niyang sa gitna ng paglalakbay ng grupo ay salakayin sila. Mahirap ipagtanggol ang mga babae at mga bata dahil ang makitid na daang patungo sa kweba ay nasa gitna ng mapunong parte ng aakyating bundok. Balak na sanang ipasundo ni Toshiro ang dalawa nang makita nilang paparating na ang mga ito.
"Onami bakit ang tagal ninyo?" Tanong ni Sanji.
"Nalimutan kong magdala ng shuriken kuya. Kaya kumuha muna ako." Pagsisinungaling niya para may alibi sila ni Zeno.
Nagkatinginan ang mga asawa ng mga lalake dahil hindi pa nila kilala si Zeno. Napansin nila na hawak ni Onami ang kamay ng binatilyo. Lumapit ang isa sa kanila sa dalawa.
"Onami sino siya? Parang hindi natin siya kalahi."
"Siya ay si Zeno, Ohara. Kaibigan ko. Siya ang nagligtas sa buhay ko. " si Ishikawa ang sumagot.
" Zeno siya si Ohara, asawa ni Kuya Ishikawa. Yung naka naka-asul na damit ay si Omitsu, asawa ni Kuya Sanji at ang nakasuot na dilaw ay di Oriyo, asawa ni Kuya Hachie." Sabi Onami.
"May relasyon na ba kayong dalawa? Bakit magkahawak kayo ng kamay? Onami, bata ka pa. Labing-anim ka pa lang. Lolo, papayag ka ba sa nakikita mo sa kanilang dalawa?" sabi Ohara.
"Ohara ilang taon ka ba ng ikasal kayo ni Ishikawa?" Tanong ng matanda.
"Labing anim lolo. Pero napilitan lang ako kasi buntis na ako noon ng dalawang buwan.
"Labing anim kamo. Sinagot mo na ang tanong mo kanina Ohara. Kaya hayaan mo na ang dalawa."
"Ama hahayaan mo rin sila?" Tanong niys kay Toshiro.
"Ohara, kung sadyang sila ang pinagtagpo ng tadhana wala akong tutol katulad sa ninyo ni Ishikawa noon." Sagot ni Toshiro. Hindi na naka-imik si Ohara.
"O siya tara na. Malayo pa ang lalakaran natin." Sabi ng matanda.
"Onami hanggang dito na lang ako. Mag-iingat ka."
"Ikaw rin Zeno ingat ka."
Tinignan ng binnsilyo ang abot tanaw na kabundukan. Malayo nga ang lalakaran nila.
"Kaya ba ng mga bata ang maglakad ng malayo?"
"Oo. Noong kami ang mga bata ganyan kami ang sinanay."
"Sige lumakad ka na. Nauna na sila."
"Sige Mahal ko!" Bulong niya ng mahina saka niya hinalikan ng mabilisan sa pisngi ang binatilyo.
Naiwan sa may tulay si Zeno. Pinagmamasdan pa rin niya ang paglayo ng grupo. Limang Ninja ang nauuna at lima rin ang nasa hulihan. Apat na taong gulang ang pinakabata sa mga batang kasama sa paglalakbay.
"Tara na Zeno san. Oras na para maghanda."
"Ishikawa saan maaaring pumuwesto rito para makita ang kabuuan ng buong mansion at paligid?"
"Sa itaas ng burol na iyon." Itinuro niya ang burol sa may kanang bahagi ng mansion."
"Salamat kaibigan. Doon ako pupuwesto."
"Sure ka ba sa gagawin mo? Ibang labanan ito."
"Oo kaibigan. Sure na sure ako.
"Okey. May mga CCTV cameras kaming nakakalat sa buong mansion at paligid. Hindi nakikikita ang karamihan. Tulad ng dati si Jd ang ating Operator. Huwag mo lang iwawala ang ear piece mo."
BINABASA MO ANG
Princess Of Darkness (COMPLETED)
HorrorMula sa Mundo ng Kadiliman ay isinilang si Maria Luna ang Prinsesa ng mga Aswang na nakatakdang labanan ang mga Nilalang ng Kadiliman. Hinubog at sinanay upang linisin ang pangalan ng kaniyang Angkan.