Nag-iiba ang kulay ng kalangitan kahit dapit hapon na. Tila may nagbabadyang paparating na unos. Kakaiba ang lakas ng ihip ng hangin na may kasamang mga malalaking patak ng ulan.
Nasa south entrance gate na ang grupo nina Dexter at nagbabantay. Alam nila na sa ano mang saglit ay sasalakay na ang mga bampirang aswang.
"Tenyente Dexter may malaking grupong patungo sa lugar ninyo." Sabi ni Bea na kinakabahang pinagmamasdan ang scanner sa kanyang harapan.
"Roger Bea! Zeno parating na sila. Men ready na kayo. Siguruhin ninyong wala ng tatayo pa sa kanila. Gamitan muna sila ng mga granada para malaki ang mababawas sa unang bugso nila." Sigaw ng binata.
Nagkasahan na ang Swat team ng kanilang mga hawak na armas. Nakabandolero sa kanilang mga katawan ang pinaghalong mga granada at magazines. Nagsimula na rin silang magdasal.
Iniharap sa parking lot ang APC at umatras. Tumigil sa gilid ng South Gate katabi ng grupo. Ikinasa ng gunner ang machine gun sabay dasal.
Hinihimas naman ng tomboy na si Billie ang kanyang gatling gun. Nasa tabi niya ang isang pulis na SWAT upang tulungan siya sa pagpapapalit ng magazine ng gatling gun.
"Huwag mo akong hihiyain mamaya." Bulong ng tomboy sa kanyang armas at tumingin sa unahang parking lot na may mga sasakyang nakaparada.
Inihanda ni Romano ang kanyang gatling gun. May kasama siyang katulong rin sa pagpalit ng magazine. May tiglilimang spare magazines sila ni Billie.
Nagsimula ng umandap-andap ang mga street lights. Maging ang mga ilaw ng malaking parking lot ay umaandap-andap na rin.
"Ready your flashlights. Baka mawalan ng power at papadilim pa." Sabi ni Dexter.
Hinimas ni Zeno ang kanyang katana.
"Okey lang sa akin kung dumilim Dex. Makikita ko pa rin sila kahit pusikit na ang kadiliman."
"Sana akin na lang ang mga mata mo Zeno para makakita rin ako sa dilim." Bulong ni Billie na ngumiti sa binata.
"Hayaan mo Billie. Pag tapos na ang lahat ng problema natin sa mga impakto ay tuturuan kita."
"Hi hi hi! Sige."
Medyo gumaan ang pakiramdam ng dalagang tomboy. Alam niyang hindi siya pababayaan ng tatlo sakaling magkagipitan.
"Malapit na sila! Dexter sa inyo sila papalapit." Sabi ng don sa kanilang radyo. Nasa itaas pa rin siya ng dome. Basang basa na siya at nilalabanan ang malakas na hangin na may kasamang ulan.
"Sir may paparating ring mga bampirang aswang sa norte. Malayo pa sila. Siguro aabutin sila ng isang oras bago makarating." Sabi ni Bea na dinig ng lahat.
"Bea scan ninyo lahat sampung kilometro mula dito sa astrodome." Atas ng don.
"Roger sir. Nag-iiscan na kaming lahat dito kanina pa at pinalawak pa namin ang scanning. Sa norte at south lang ang may paparating na mga impakto."
" Captain Falermo sabihan ang mga sibilyang kalalakihan na lagyan ng harang ang mga gates ng west at east. Iharang sa mga steel shutters kahit anong makita nilang pwedeng magamit. Then hatiin mo ang iyong mga tauhan at tumulong sa north at south gates." Sabi ng don sa pinuno ng mga rangers.
"Okey sir!" Kaagad na tumalima ang kapitan. Inutusan ang kanyang mga tauhan na sabihan ang mga sibilyan para harangan ang mga nasabing gates at pasilyong papasok sa loob ng astrodome.
Mabilis na kumilos ang mga sibilyan. Kanya-kanya sila sa paghahanap na maipanghaharang. Sinimulan nilang baklasin ang mga silyang nakapalibot. Ang iba ay inipon ang mga bata, matatanda at kababaihan sa gitna. May hawak na mahahabang tabak at gulok ang mga magbabantay sa kanila.
BINABASA MO ANG
Princess Of Darkness (COMPLETED)
TerrorMula sa Mundo ng Kadiliman ay isinilang si Maria Luna ang Prinsesa ng mga Aswang na nakatakdang labanan ang mga Nilalang ng Kadiliman. Hinubog at sinanay upang linisin ang pangalan ng kaniyang Angkan.