Part 53 . . . . Labanan Ng Mga Pwersa

66 6 0
                                    

Dahil sa pagkagulat ay halos lumuwa ang mga mata ng demonyong si Belial nang makita ang biglang paglitaw ni Maria Luna sa tabi ni Dexter.
Nagliliwanag ang buong katawan ng dalaga. Hawak niya ang mahiwagang espada ng puting anghel.

"Ito na ang huling gabi mo rito sa aming mundo Belial." Sabi ng dalaga at awang-awang napatingin kay Dexter na nawalan ng may tao. Kumumpas siya at dahan-dahang naghihilom ang mga sugat ng binata. Pinalipad niyang palayo ang liwanag na hugis itlog patungo sa grupo nina Romano. Hinarap niya ang demonyo na medyo  nakatanga pa dahil sa bilis ng mga pangyayari.

Sa conference room ay nagsigawan at nagpalakpakan sa tuwa ang mga nanonood sa malaking  monitor. Yakap ng ina ni Dexter ang kanyang kapatid na dalagita.

"Inay dumating na si Ate Luna!" Pasigaw na sambit ng dalagita. Ngumiti ang kanyang ina. Pinahiran ng kamay ang kanyang mga luha.

"Oo anak! Ligtas na ang kuya mo."

Natuwa rin sina Bea na nanonood sa kanilang mga monitors. Dumating na ang kanilang kaibigang tagapagtanggol.

"I-focus ninyo ang camera kay bestie." Sabi ni Bea.

Narinig ni Don Ranilo ang boses ng kanyang anak kaya  ngumiti na rin habang nakikipaghamok sa mga impakto.

Tatay Paeng dumating na si Maria Luna!" Masayang sambit ni Nolan. Nabuhayan ng loob ang magbiyenan.

Mula sa loob ng astrodome ay naglabasan ang mga maraming kalalakihan. May dala silang mahahaba at matutulis na buho. Ang iba ay may dalang mga tabak at gulok. Nais nilang tumulong sa dalawang grupo na ikinatuwa nina Rafael at Romano. Natuwa rin ang mga rangers at Swat dahil paubos na ang kanilang mga bala. May katulong na sila sa pagsugpo sa mga impakto.

Lumapag ang bilog na liwanag sa grupo nina Romano. Nawala ang liwanag. Kagyat na inalalayan ni Romano si Dexter na walang malay pa rin. Wala na siyang mga sugat. Naghilom na ang mga ito pero naliligo pa rin siya ng kanyang sariling dugo.

"Dali! Buhatin si tenyente at dalhin sa loob ng astrodome." Atas ni Romano.

Dali-daling lumapit ang ilang kalalakihan at binuhat ang binata.  Halos patakbo silang pumasok sa astrodome.

May mga impaktong nakakalapit sa mga grupo pero napatay ang ilan mga kalalakihang may dalang mahahabang  buhong kawayan. Dahil kapos na sa mga bala sina Romano ay lumaban na sila ng dikitan sa mga impakto.

"HUWAG KAYONG MAGPAPAKAGAT SA KANILA!" Sigaw ni Romano habang tinatataga niya ang isang bampirang aswang sa leeg. Tigpas ang ulo nito.

Mahahaba at matutulis ang mga kuko ng mga impakto kaya marami sa kanila ang nawakwakan ng balat at laman. May mga grabe ang sugat na kaagad tinutulungan ng mga kalalakihan at ipinapasok sa astrodome.

  "Para silang mga walang isip." Sambit ng isang lalake na nakapatay ng isang impakto.

"Oo nga! Para silang zombie. Pero kailangan pa rin nating mag-ingat dahil isang kagat lang nila ay maaari nating ikamatay o kaya ay mahawa tayong tulad nila." Tugon ng kanyang kasama.

--------

Kapwa nakalutang sa ere sina Maria Luna at Belial. Nakatingin  pababa  ang malahiganteng demonyo na ngayon ay ngumisi na.

"Huwag kang pakasiguro na ligtas pa rin ang iyong mga mahal  Maria Luna. Naisahan mo lang ako kanina pero hindi na mauulit iyon."

"Talagang wala ka ng magagalaw pa sa mga mahal ko demonyo. Sa gabing ito ay wawakasan ko ang kademonyuhan mo."

"HARK! HARK! HARK! PINAPATAWA MO AKO! AKO NA ISANG PRINSIPE NG MGA DEMONYO AY TINATAKOT MO? WALA PA SA KALINGKINAN KO ANG LAKAS MO KUNG MAYROON KA MAN!"

Princess Of Darkness (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon