" Paghahanda"
---------
Huminto ang tatlong vans sa tapat ng Dela Vega Tower. Isa itong dalawangput apat na palapag. Ang dating mga salaming bintana nito ay natatakpan na ng mga shutters na bakal. Maging ang bukana ng under ground parking lot niya ay sarado ng isang shutter na bakal. Sa lobby lahat ng mga display windows ay sarado rin ng mga shutters na bakal. Mahirap pasukin ang gusali. Napalilibutan ito ng mga cctv. Gwardiyado ang roof deck na kinatatayuan ng isang pent house. May sariling generator ang gusali na kayang tumagal ng isang buwan ang supply na krudo.
Bumaba mula sa mga vans ang grupo nina Dexter at Maria Luna. Napalatak si Dexter ng makita ang gusali.
"Tsk! Tsk! Iba na ito ah. Parang moog na Luna." Lumakad sila patungo sa main door ng lobby na sarado rin ng shutter na bakal.
"Ipinatayo ni daddy ito at pinalagyan ng security measures para sa ganitong sitwasyon. Makapal ang pader. Bawat palapag ay may bakal na pintuan. May supply na tubig at pagkain para sa walong daang katao sa loob ng dalawang buwan."
"Bilib na ako sa daddy mo. Parang alam niya ang magaganap sa hinaharap."
"Ganyan siya Dexter. Advance ang mga plano niya. Sana umuwi na siya."
"Nasaan ba ang daddy mo?"
"Nasa España siya. Sa isang buwan pa ang balik."
Bumukas ang shutter na bakal sa lobby at lumabas ang mga securities na armado ng mga matataas na kalibreng baril.
"Magandang hapon po mam Luna!" Bati ng namumuno sa mga gwardiya.
"Magandang hapon Leynes. Dumating na ba mga tropa ko at sina Lolo Paeng?"
"Opo mam. Nasa 21rst floor po sila."
"Ilan na mga tao sa loob?"
"Mahigit sa limang daan na ho mam. Halos lahat ng mga empleyado ninyo at mga pamilya nila. "
"Kumusta rito kagabi?"
"May mga ilang sumugod po rito. Gustong pumasok sa gusali. Napatay namin ang karamihan at yung iba ay naitaboy namin. Mam anong uri ho bang mga tao sila? Kung hindi kayo nakatawag kaagad ay baka nakapasok sila."
Tinitignan ni Luna ang mga tuyot na bangkay na walang mga ulong nakakalat sa tapat ng gusali. May dumating pang mga sasakyan lulan ang mga ilang empleyado ni Maria Luna.
"Mga bampira sila Leynes. Papasukin mo ang mga dumating at tutuloy na kami sa itaas."
"Opo mam Luna!"
---------------
Sa isang malaking abandonadong gusali sa Quiapo nagtago sina Remuel at ng kanyang mga alagad. Malapit ito sa under ground terminal ng Great Metro Rail Transit. Tahimik ang buong kapaligiran ng Quiapo. Walang mga tao. Sarado ang mga tindahan at malls. Ang iba ay bukas at magulo sa loob. Nagkalat ang mga paninda at basag-basag ang mga eskaparate. Tanda ng may nangyaring kalagiman sa loob. May bakas ng mga natuyong dugo sa mga sementong sahig.
Sarado ang malaking simbahan ng Quiapo. Walang debotong nagsisimba. Dumating ang mga sundalo ng Phil. Marines at SWAT forces ng PNP upang magbantay at maghanap sa mga kakaibang nilalang na sumalakay sa Kalakhang Maynila. May mga tangke at Armored Personnel Carriers na nakabantay sa mga kanto at malalaking kalsada. May mga umiikot na mobile patrol cars at gamit ang mga malalakas na loud speakers ay sinasabihan ang mga mamayan na huwag na muna silang lumabas ng kanilang mga tirahan. Under Martial Law na ang buong Luzon.
Sa loob ng bulwagan ng isang dating sikat na Chinese restaurant sa ikalawang palapag ng abandonadong gusali ay pinulong ni Remuel ang kanyang mga alagad. May mga mahigit siyang isang daang alagad.
BINABASA MO ANG
Princess Of Darkness (COMPLETED)
HorrorMula sa Mundo ng Kadiliman ay isinilang si Maria Luna ang Prinsesa ng mga Aswang na nakatakdang labanan ang mga Nilalang ng Kadiliman. Hinubog at sinanay upang linisin ang pangalan ng kaniyang Angkan.