"GUNDINA"---------
Matapos ang try-outs ng men's basketball team ay pumasok sa campus canteen ang magkabarkada. Umupo sila sa isang mahabang mesa na laging may nakalagay na "Reserved" sa ibabaw ng mesa. Walang umuupo sa mesang ito kahit puno na ng mga estudyante ang canteen dahil bayad ito maghapon ni Maria Luna. Ayaw niya kasing hiwa-hiwalay silang kumakain kapag nasa loob sila ng canteen na kinaiingitan ng marami.
Matapos siyang maka-order ng merienda ay nauna ng umupo si Maria Luna. Nag-iwan na lang siya ng pambayad kina Bea na nakapila pa sa cashier. Iniisip pa rin ng dalaga si Romano. Iniisip niya kung saan at kailan niya nakita si Romano. Maingay ang loob ng canteen dahil pinag-uusapan ng mga estudyante ang naganap na try-outs. Naririnig lahat ni Maria Luna ang kanilang mga usapan kahit na ang iba ay nagbubulungan lang. Halos lahat ay si Romano ang pinag-uusapan lalo na ng mga babae.
"Hoy friend! Ang lalim yata ng iniisip mo. Heto na ang dinuguan mo at puto!" sabi ni Bea na dala ang isang tray. Inilagay niya ang merienda ng dalaga sa harapan nito. Nagdatingan na rin ang iba at umupo na.
"Ang galing talaga ni numero siyete! Tinambakan niya ang kalabang seniors." sabi ni Dianne.
"Kaya ko rin gawin iyon! Manood kayo bukas at kami naman ang may try-outs." wika ni Billy.
"Ano kaya ML kung sumali ka sa try-out ng team nina Billy? Matangkad ka naman athletic pa ang built ng katawan mo kahit sexy!" hirit ni Bea.
"Huwag na nga ninyo akong isali riyan. Hindi ko laro ang basketball. Baka makasipa pa ako ng kalaban ng hindi oras. Hi hi hi!"
"Oo nga naman. Pambato natin sa taekwando si ML. Sa amin ka na lang sumali sister. Pipili na kami ng ilalaban namin sa Miss ***** Unibersity. Malaki pa ang chance mong manalo. Hay naku kung sa akin lang ang kagandahang iyan hayyyyy etchos silang lahat sa akin." birit ni Clarence.
"Speaking of number seven ayun siya o." sabi ni Dianne at itinuro si Romano na kapapasok pa lang sa canteen.
Tumingin silang lahat. Lumapit si Romano sa food counter at umorder ng makakain. Matapos bayaran ang inorder ay naghanap ng mauupuan. Walang bakante. Lahat ng mga upuan ay okupado. Napalingon siya sa mesa nina Maria Luna. May dalawang upuang bakante at naglakad siya papalapit sa grupo. Kinalabit ni Bea ang dalaga.
"Naku ML ang swerte natin dito pa yata siya uupo." bulong ni Bea.
"Shhhhh! Huwag kang maingay baka marinig ka. Nakakahiya!" sabi ng dalaga.
"Hi! Pwedeng maki-upo rito sa mesa ninyo?"
"SURE! " Sabay-sabay na sagot ng tatlong babae. Hindi umimik si Maria Luna. Sa tabing bakanteng upuan pa ni Maria Luna umupo si Romano. Pigil ang tawa ng mga babae.
"Ang galing mo namang maglaro! I'm Bea!" iniaabot niya ang kamay kay Romano na kauupo pa lang.
"Romano Castillo Ruiz bagong transfer dito sa school." sagot ng binata at nakipagkamay kay Bea.
"Welcome Romano sa aming unibersidad. This is Dianne ang aming genius daw, siya si Billy ang maton naming muse na basketball player rin, overthere is Kenji isang samurai na Hapon na hindi marunong humawak ng espada at boyfriend ni Dianne, katabi niya si Mark ang aming computer genius, sa kaliwa mo ay si Clarence at huwag kang matakot sa laki ng katawan niya kasi may naligaw na babae sa loob ng katawan niyan and lastly ang baby na love naming lahat si Maria Luna silent type pero nanunuklaw yan." sabi ni Bea. Kinamayan nila ang binata at pinakahuli ay si Maria Luna na ayaw pang tumingin kay Romano pero napilitan na rin ng makipagkamay.
Mabilis na dampi ng palad ang ginawa ng dalaga sa palad ng binata pero may naramdaman siyang parang isang mainit na boltahe ng koryenteng dumaloy mula sa kamay ni Romano at nilukuban ang buo niyang katawan. Tumayo ang mga maninipis niyang balahibo sa buong katawan. Nagitla rin si Romano ng hindi nagpahalata ng maramdaman niya ang naramdaman ng dalaga. Napatingin siya ng matagal kay Maria Luna na napansin ng mga kabarkada ng dalaga.
BINABASA MO ANG
Princess Of Darkness (COMPLETED)
HorrorMula sa Mundo ng Kadiliman ay isinilang si Maria Luna ang Prinsesa ng mga Aswang na nakatakdang labanan ang mga Nilalang ng Kadiliman. Hinubog at sinanay upang linisin ang pangalan ng kaniyang Angkan.