Mula sa Mundo ng Kadiliman ay isinilang si Maria Luna ang Prinsesa ng mga Aswang na nakatakdang labanan ang mga Nilalang ng Kadiliman. Hinubog at sinanay upang linisin ang pangalan ng kaniyang Angkan.
No Copy/Paste Please!
All Rights Reserved by the Autor.
This story is protected under the Philippine Intellectual Property Laws.************
No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system without the written permission of the author.
This book is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, events or locales is entirely coincidental.
*******
" ULN*KEIF*UDLN "
(Edited)
-----------
Taong 2037......
Lumitaw ang maliwanag at bilog na buwan mula sa lambong ng makapal na ulap at nasinagan ang buong Kalakhang Maynila na pinaliliwanag rin ng mga artipisyal na mga ilaw sa mga naglalaparang kalsada at nagtatayugang mga gusali. Hindi na natutulog ang buong Kamaynilaan mula ng maging moderno at umunlad ang pamumuhay ng mga tao. Wala na ang mga barungbarong at mga lumang bahay. Ang mga mahihirap ay nailipat na sa mga iba't-ibang lugar sa buong bansa.
Malinis na ang ilog Pasig na daanan na ng mga modernong pampasaherong lantsa. Marami na ang mga underground subways na konektado hanggang sa mga malalayong siyudad sa Luzon. Pinagaan ng makabagong teknolohiya at siyensa ang pamumuhay ng mga tao. Isang malaking kumpanya ang "Vega Enterprises" ang nagpasimuno at nanguna sa paggawa ng lahat ng uri ng mga makabagong sasakyang panglupa, pangdagat at panghimpapawid. Ito rin ang kumpanyang nangunguna sa telecommunications at paggawa ng mga communication gadgets at cellphones.
Kaalinsabay ng maunlad na pamumuhay ng mga tao ay ang kanilang takot sa mga nilalang ng kadiliman. Mula nang malaman at mapanood ng mga tao ang pagsalakay ng mga aswang sa bayan ng Pulang Lupa ay naniwala silang hindi pa naubos ang mga aswang. Ang paniwala nila ay pinatibay at pinatotoo ng mga naging biktima ng mga aswang na halos araw-araw ay nasa headlines ng mga pahayagan at tabloids.
----------
Sa tuktok ng pinakamatayog na gusali sa Alabang ay nakatayo ang isang nilalang sa dulo ng isang malaking tore ng antenna. Nakaladlad ang kaniyang mga malalapad at malalaking pakpak. Inaamoy niya ang hangin at pinakikinggan ang paligid. Tulad ng mga mata ng isang agila ay nakikita niya ang isang sisiw kahit sampung milya pa ang layo sa kanya. Naririnig niya ang ingay ng mga daga sa ilalim ng mga imburnal sa ibaba ng gusali. Mahaba ang kanyang itim na buhok na lampas balikat. May suot siyang itim na overall na backless. Tight fit ang damit at strechable. Naka itim na leather highboots siya at pointed ang dulo. Nilalaro niya ang kanyang mga mahahabang kuko. Matiyaga siyang naghihintay.
Naramdaman na niya ang kanyang hinihintay. Kumislap ang kanyang mga asul na mata. Bigla siyang umigkas at lumipad ng mataas. Umikot siya at sinundan ang kanyang naamoy. Nakita niya ang kanyang hinahanap sa isang lumang golf course. Tumiklop bigla ang kaniyang mga pakpak at sumisid pababa.
Isang malaking pusang itim ang nakadapa sa madilim na bahagi ng golf course at tinitignan ang dalawang taong naka-upo sa isang mahabang batong upuan. Naglalaway ang itim na pusa at naamoy ang kanyang mga susunod na biktima. Pasalakay na siya ng biglang may sumakmal sa kanyang likod. Alumpihit siya sa sakit ng bumaon ang mga matutulis na kuko sa kanyang kalamnan. Inilipad siya ng nilalang. Nagkakawag siya pero hindi siya makawala. Lalong humigpit at bumaon ang mga kuko ng nilalang. Tumaas at bumilis ang lipad ng nilalang hanggang sa makarating sila sa karagatang Manila Bay.
BINABASA MO ANG
Princess Of Darkness (COMPLETED)
HorrorMula sa Mundo ng Kadiliman ay isinilang si Maria Luna ang Prinsesa ng mga Aswang na nakatakdang labanan ang mga Nilalang ng Kadiliman. Hinubog at sinanay upang linisin ang pangalan ng kaniyang Angkan.