Part 16 ...."Psychokinesis Power"

367 31 8
                                    

"Psychokinesis Power"

Lumapag si Maria Luna sa ibabaw ng tower nila. Nagulat ang mga securities niya nang makita siya. Duguan siya. Bumukas ang shutter na bakal ng pintuan ng pent house. Pagpasok niya sa loob ay naghihintay na si Yaya Metring.

"Luna, nakalipad ka na ulit? Duguan ka."

"Opo yaya. Napalaban ho ako. Ginabayan ako ni Lola Gundina. Maliligo muna ho ako yaya. Pakisara ho ang pinto."

Naghubad ang dalaga. Tumuloy siya sa bathroom. Bihis na siya ng pantulog ng lumabas. Kaagad na humiga sa kama at nakatulog.

Hinayaan siya ni Yaya Metring.

Tumataas na ang sikat ng araw nang lumabas ang tatlong itim na vans sa gusali. Nasa unahang van sina Dexter at Romano. Naka-full battle gears sila.

"Sir, saan tayo unang pupuntang simbahan?"

"Dexter na lang Romano. Subukan natin ang Santo Domingo Church. Roxas nakatawag ka na ba sa headquarters."

"Yes sir! Negative. Walang sumasagot."

Binuksan ni Dexter ang radyo ng van. Mga hissings lang ang ibang istasyon. Isang istasyon ang nasagap niya.

"Dineklara na ho ang Martial Law sa buong Pilipinas. Nasa Mindanao ang ating pangulo. Kung saan sa Mindanao ay wala pong nakaka-alam. Sarado ho ang lahat ng mga kampong militar. Naka-red alert ang buong militar at kapulisan.
Huwag po kayong lalabas ng inyong mga pamamahay. Ang utos po ng pangulo ay shoot to kill ang makikitang gagala sa mga lansangan dito sa kalakhang Maynila. Isarang mabuti ang inyong mga bintana at pintuan. Maghintay po ng tulong. Hindi ho natin alam kung anong mga halimaw ang gumagala. Stay tune po sa ating istasyon at sasabihin namin kung ano ang nararapat ninyong gawin."

Pinatay ni Dexter ang radyo.

Mabilis ang takbo ng tatlong vans. Tahimik ang mga lansangan. Walang tao at sasakyang tumatakbo. May mga nasusunog na gusali at mga bahay ang kanilang nadadaanan. Walang bumbero.

May dinaanan silang istasyon ng underground subway sa España bago lumiko pakanan patungo sa simbahan.

Huminto sila sa tapat ng malaking simbahan ng Sto. Domingo. Sarado ito. Bumaba sina Dexter.

"Katukin ninyo ang kumbento. Baka may naiwan pang mga pari o made rito. Ang iba ay magbantay."

Bumaba sina Cenon at mga kasama niya. Tumayo sila palibot sa mga sasakyan at pinagmamasdan ang kanto.

Sa lakas ng mga katok nina Romano ay bumukas ang malaking pintuan ng kumbento.

Sino kayo? Anong kailangan ninyo?" Tinitignan sila ng naka-abitong pari.

"Father pasensiya na ho kung naabala namin kayo. Kailangan namin ng maraming banal na tubig at langis."

"Para saan ang maraming banal na tubig at langis?"

Princess Of Darkness (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon