"All for one One for all"
---------
Sa loob ng private ward ng hospital ay hindi makatulog si Dexter. Natapos na niyang basahin ang isang pocket book pero hindi pa rin siya inaantok. Nakapagbigay na siya ng kanyang salaysay tungkol sa krimeng kanyang kinasangkutan sa dalawang imbestigador ng Police Internal Affairs. Iginalaw niya ang kanyang balikat. Wala na siyang naramdamang kirot. Napalingon siya sa kanyang mama at dalagitang kapatid sa kabilang kama. Masarap ang kanilang tulog. Nakaramdam siya na parang puputok na ang kanyang pantog. Dagli siyang umupo sa gilid ng kama at tumayo. Inabot niya ang stand ng kanyng suwero at dala itong pumasok sa banyo.
"Eeeeeeeeeeeeeeee!"
Paglabas niya ng banyo ay nakarinig siya ng sigaw mula sa ibaba sa labas ng hospital. Nagpunta siya sa bintana at sumilip. May dalawang taong nakahiga sa tabi ng kalsada sa harapan ng hospital. Walang sasakyang dumaraan. Maya't maya ay may dumating na mga tao. May isang lalaking mukhang doktor ang suot na damit ang lumuhod sa tabi ng dalawang nakahiga at parang sinusuri niya ang mga ito. Ilang saglit pa ay dumating ang mga attendants ng hospital na may dalang mga stretchers. Napatingin siya sa parang mini park sa harapan ng hospital. May nakita siyang dalawang lalaking nakatayo at nagkukubli sa mga puno. Nagmamasid ang dalawang lalake. Pimagmasdan niyang mabuti ang dalawang nilalang. Kakaiba ang ikinikilos nila.
"Hmmmmm! Anong ginagawa ninyo riyan? Nakita ninyo ang nangyari sa dalawa siguro." Bulong niya. Napatingala ang dalawang nilalang sa kanyang bintanang sinisilipan. Napaatras siya. Nagbabagang pula ang mga mata ng dalawang nilalang na ikinagulat niya at titig na titig sa kanya. Kinabahan bigla si Dexter.
"Namputsa ano ba ito? Sino ba kayo?" Umatras siya ay umupo sa gilid ng kanyang kama. Napatingin siya sa orasan na nakasabit sa dingding. Alasdose medya pa lang ng hating gabi. Iniisip niya ang dalawang nilalang.
"Bakit ganoon ang kanilang mga mata?" Tanong niya sa kanyang sarili.
Sa mga madidilim na eskinita at mga ilalim ng mga tulay na walang mga ilaw ay nanalasa ang mga kampon ni Cain. Iniiwan nila ang kanilang mga biktimang nakahandusay sa lupa. Umiikot naman sa itaas ang malaking paniki. Sumisidid lang itong pababa kung may nakikitang biktimang nag-iisa. Walo na ang kanyang nakakagat at naghahanap pa. Gusto niyang dumami ang kanyang mga kampon.
---------------
Sa kampo nina Maria Luna sa tuktok ng bundok ay gising pa ang magbabarkada. Nakaupo silang palibot sa isang malaking bonfire. Hinahagisan ni Romano ng malilit na tuyong trosong kahoy ang apoy upang hindi ito mamatay.
"Ang ganda rito sa lugar ninyo Romano. Sana bumalik tayo ulit rito." sabi ni Bea na naka-upo yakap ang mga tuhod.
Hawak ni Romano ang mahabang gulok at nililinisan ang mga maliliit na trosong kahoy.
"Bukas diyan sa kanluran tayo bumaba. May maliit na talon at malinaw na batis patungo sa ilog. Pwede tayong maligo roon." tugon ng binata.
"Ay sayang hindi ko nadala ang bathing suit ko." sagot ni Dianne na nakasiksik ang katawan sa kanyang boyfriend na si Kenjie.
"E di maghubad ka. Tayo-tayo lang naman!" Hawak ni Billie ang isang pocket knife at inuukitan ang isang maliit na kahoy.
"Oo nga maghubad tayong lahat! Eeeeeeeeee! Makikita ko na ang katawan ni Romanong walang saplot sa katawan." Kinikilig pa si Clarence.
"Tumigil ka nga bakla! Higit na malaki pa nga ang katawan mo kaysa kay Romano?"
"Bakit ba Billie? Ayaw mo bang makita ang mala Adonis na katawan ni Romano?"
"Hi hi hii" Away na naman kayong dalawa. Hoy ML kanina ka pa tahimik! Dahil ba sa wala tayong nahuling baboy ramo?" sabi ni Bea. Nakatingin siya kay Maria Luna na tahimik lang sa pagkaka-upo. Nasa tabi niya ang mga mahahabang kawayang buhong kanyang tinulis.
BINABASA MO ANG
Princess Of Darkness (COMPLETED)
HorrorMula sa Mundo ng Kadiliman ay isinilang si Maria Luna ang Prinsesa ng mga Aswang na nakatakdang labanan ang mga Nilalang ng Kadiliman. Hinubog at sinanay upang linisin ang pangalan ng kaniyang Angkan.