Part 2 "Debut"

503 33 2
                                    

"DEBUT"
(Edited)

---------

Alas singko ng hapon ay nagdaratingan na ang mga bisita sa malaking mansion ng mga Dela Vega sa isang eksklusibong subdivision sa Alabang. Karamihan ay mga mayayaman at kilalang mga tao. Kasama ang kanilang buong pamilya. May mga ambassadors ng ibang mga bansa at mga kilalang politiko. Gusto nilang mapalapit kay Don Ranilo dela Vega ang multi bilyonnaryo na ikapito ng pinakamayaman sa buong mundo. Nagdaratingan na rin ang mga kaibigan at kamag-aral ni Maria Luna sa unibersidad pati na ang kanyang mga professors.

Ayaw sana ng dalaga ang magarbong debut. Pero dahil kilala ang kanyang ama ay napilitan na siyang pumayag sa kagustuhan ng kanyang ama.

Sa loob ng malaking bulwagan ay tumutugtog ang isang Philharmonic Orchestra. Naka-upo ang mga mahigit walong daang piling mga bisita palibot sa gilid ng bulwagan at naghihintay ng pagsisimula ng seremonya. May nagseserve na mga waiters at waitresses sa kanila ng mga mamahaling pulang alak. Nakahanda at naghihintay na ang 18 dalaga at 18 binata para sa Grand Cotillion.

"Ladies and gentlemen let's welcome our debutant Miss Maria Luna dela Vega" sabi ng isang announcer.

Tayuan ang mga bisita at pumapalakpak. Bumababa ang dalaga sa hagdang bato. Nakasuot siya ng isang white long gown na gawa ng pinakasikat na couturier sa Pilipinas . Para siyang isang prinsesa na may suot na tiara na gawa sa mamahaling diyamate. Nasa ibaba ang kanyang ama na naka puting tuxedo.

"Happy birthday anak. Napakaganda mo ngayong gabi." bulong ng ama.

"Maraming salamat daddy!" Hinawakan ng ama ang kanyang kamay at lumakad sila patungo sa gitna ng bulwagan. Nakatayo sa gitna ang 18 girls at 18 boys. Nasa harapan si Clarence. Sinalubong niya ang mag-ama. Yumuko siya ng bahagya at kinuha niya ang kamay ng dalaga. Tumugtog ang Philharmonic Orchestra ng isang waltz. Nagsimu silang sumayaw kasabay ang 18 pares na kabataan. Nasa unahan sina Maria Luna at Clarence.

----------

Sa isang maliit na barangay sa liblib na kabundukan sa isla ng Dinagat ay kasalukuyang ginaganap ang isang ritual sa loob ng isang malaking kamalig. Nakatayo ang mahigit sa isang daang mga nakapulang roba na nakatalukbong ang mga ulo. Sa pinaka altar ay naka-upo ang isang malaking lalake na mahigit sa anim na talampakan ang tangkad. Nasa pagitan siya ng naka-upong dalawang matandang babae. Tumayo ang matandang babae na nasa kanan ng lalake. Lumapit ang matanda sa mahabang mesang nasa harapan ng altar. Itinaas niya ang isang matalim na kutsilyo. May binigkas siyang mga salita at sumasagot ang mga nakapulang robang tagasunod nila. Tumayo ang isa pang matandang babae at sinindihan ang tatlong itim na kandila na nakatayo sa isang kandelaria. Itinaas niya ang mga kandila at naglakad paikot sa mahabang mesa.

Lumapit ang isang matandang babae sa dulo ng mahabang mesa. Nakalaylay sa dulo ang ulo ng isang kabataang babae na walang damit. Isang nakapulang robang lalake ang lumapit sa dulo ng mesa at may hawak na malaking mangkok. Isinahod niya ang mangkok sa ilalim ng leeg ng tulog na kabataan. Ginilitan ng matandang babae ang leeg ng kabataan. Bumulwak ang masaganang pulang dugo at tumulo sa nakasahod na mangkok. Sinaid ang dugo ng kabataang babae.

Tumayo ang malaking lalake at lumapit sa mahabang mesa. Hinubad niya ang kanyang pulang roba. Matikas at malaki ang kanyang katawan. Ipinahid ng matandang babae ang dugo sa buong katawan ng malaking lalake. Kasunod na ipinahid ay ang langis mula sa isang bangang nasa altar. Pinainom ang malaking lalake ng dugo. Ipinasa ang mangkok sa mga taga sunod matapos uminom ng dugo ang matandang babae.

Itinaas ng malaking lalake ang kanyang dalawang kamay at may binigkas na mga salita. Nagbago ang kanyang anyo. Umitim ang kulay ng kanyang nangingintab na balat. Humaba ang kanyang buhok at tinubuan ng maliliit na balahibong itim ang buo niyang katawan. Kumapal ang kanyang mga kilay at namula ang kanyang mga mata. Ngumanga siya. Humaba at tumulis ang mga itim niyang mga ngipin. Tumubo sa kanyang likod ang dalawang maitim na pakpak na katulad ng pakpak ng paniki. Lumadlad ang mga pakpak.

Princess Of Darkness (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon