Part 43 . . . "Unang Pagniniig"

125 9 1
                                    

"Unang Pagniniig"

Kaagad na nagkulong ng kanyang silid si Zeno pagka-uwi nila ng mansion. Excited at kinakabahan siya dahil sa gusto na niyang malaman kaagad kung anong mga mantra ang nilalaman ng aklat na bigay ng matanda sa kanya. Umupo siya sa gitna ng kama na naka-ekis ang mga paa at binuklat niya ang aklat. Isang puting papel na nakatiklop ang nahulog nanaka-ipit sa mga pahina ng aklat. Dinampot niya at binuklat.

"Zeno san, matagal na kitang kilala sa pangalan lang noong talunin mo si Ishikawa sa isang labanan. Humanga ako sayo dahil si Ishikawa ay isang "chunin" na Ninja noon pa, ikalawang ranggo sa antas ng mga namumuno sa grupo ng mga Ninjang naturuan ko. Hindi ko inaakalang magkikita tayo at nagalak ako lalo nang malaman kong gusto mong magpaturo sa akin.

Habang sinusulat ko ang liham na ito ay pinag-iisipan kong mabuti kung dapat kong ibigay ang aklat sa iyo o hindi. Nagpasiya ako na nararapat mong matutunan ang mga mantrang nakasulat sa aklat. Nakitaan kita ng mga potensiyal na maging isang makapangyarihan at napakahusay na Ninja dahil nagawa mapaghilom ang iyong sugat gayong isang baguhan ka pa lang sa pag-usal ng mga enkantesiyon ng mantra. Nangangahulugan ito na mataas ang uri at antas ng enerhiya ng pitong chakrang taglay ng iyong katawan.

Hindi ko pa naituturo kina Ishikawa ang nilalaman ng aklat na balak gong gawin kung mananaig kami sa nalalapit na labanan. Mahirap ang mga mantra. Nangangailangan sila ng mahabang panahon upang lubos nilang matutunan. Kaya sumusugal ako ngayon sa iyo na sana magtagumpay ka na matutunan mo kahit isa man lang sa mga mantra dahil naniniwala akong kakaiba ka sa kanila sa pangpisikal o pang-ispirituwal na talento.

Kung magtatagumpay ka ay magiging pinakamasaya akong guro dahil kahit ako man ay nabigong magtagumpay sa mga mantrang nasa aklat. Tanging ang ninuno naming si Hattori Hanzo ang nagtagumpay dahil siya ang nagsulat ng mga enkantesiyon ng mga mantra.

Magtagumpay ka man o hindi huwag kang mag-alala. Tuturuan pa rin kita sa abot ng aking makakaya at nalalaman.

Shintaro Hanzo"

Itinupi niya ang liham. Nag-isip siya ng malalim. Muli niyang binuklat ang aklat. Binasa niya ang unang pahina.

"Mga Mantrang Ispirituwal Ng Isang Ninjutsu Samurai Ninja"

"Ang katawan ng tao ay nagtataglay ng pitong chakrang matatagpuan mula sa ibaba ng ating gulugod hanggang sa bumbunan ng ating ulo. Bawat chakra ay may enerhiyang taglay. Ang mga enerhiyang ito kapag napag-isa ay magkakaroon ng kakaibang lakas ang isang tao. Ang mga mantrang nakasulat sa aklat na ito ay siyang magbubukas sa mga chakra upang ang mga enerhiya ay dumaloy ng maganda sa buong katawan na magpapalakas sa kanya ng pisikal at ispiritual. Bawat mantra ay may isa o tatlong enkantesiyon na magbubukas sa kapangyarihan ng nakatago nitong mahika.

"Babala: Ang mga mantrang ito ay para lamang sa aking mga kadugo. Huwag hahayang mapasakamay ng ibang tao ang aklat na ito."

"Isinulat ni Hattori Hanzo"

"Napakahalaga pala ng aklat na ito. Dapat ko pa lang ingatan ito. Huwag kayong mag-alala aking guro. Gagawin ko ang lahat na aking makakaya para mapagtagumpayan kong matutunan itong mga mantra." Sa isipan niya at binuklat ang ikalawang pahina.

"Mga Mantra para magkaroon ng likas na galing at lakas na pangpisikal at pang-ispirituwal"

1. Mantra para maging inbisibol sa mata ng iba.

2. Mantra para nakalakad o makatakbo sa ibabaw ng tubig.

3. Mga Mantra upang makontrol ang mga likas na yamang elemento tulad ng apoy, tubig, hangin, lupa, init at lamig.

Princess Of Darkness (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon