"Kulong"--------
Kakaiba ang lamig na nananoot sa kalamnan sa loob ng malaking tunnel ng subway. Nakahanda ang dalawang teams na nasa magkabilang mga riles. Hinihintay nila ang pagdating ng mga bampira. Hindi na nila makita ang mag-ama na sumalubong sa mga halimaw. Nakaramdam sila ng panlalamig sa katawan dahil sa pangamba at takot na rin. Nasa ika-anim na palapag sila ng Union Junction at hindi sila kaagad makalalabas kung malalamangan sila sa laban ng mga halimaw. Wala pa naman silang contact kay Bea kaya hindi nila alam kung nasaan na ang mga bampira at kung gaano karami.
"Just steady lang kayo. Huwag magpapanic mamaya? Make every shot counts!" Mahinang bulong ni Dexter. Nakatutok ang kanyng assault riple sa kadiliman ng tunnel.
Mabagal ang ikot ng mga malaking fans sa loob ng mga airducts sa kisame na humihigop ng sariwang hangin mula ibabaw ng lupa. Hindi nababawasan ng sariwang hangin ang masansang na malansang amoy ng mga papalapit na bampirang bagong likha ni Cain.
Lumapag ang mag-ama sa riles. Pagitan nila ang mga malalaking poste. Hinugot nila ang kanilang matatalas. Dalawang samurai ang kay Don Ranilo at dalawang parang karit na isa't kalahating piye ang haba na may mahabang hawakan ang kay Maria Luna.
"Daddy kakaibang bampira sila!"
"Oo Luna. Halimaw na talaga sila.Kailangan ay mapuksa ang kanilang mga pinuno. Maaaring makalikha pa siya ng higit sa kanila."
Parang mga gagambang nangungunyapit sa kisame at dingding ng tunnel ang ibang mga bampira. Mabibilis ang kanilang nga kilos. Hindi na malaman kung sino ang bata o matanda sa kanila dahil iisa ang kanilang hitsura maliban sa kanilang mga laki ng mga katawan at tangkad. Halos hubad na ang kanilang maputlang katawan na walang buhok. Itim ang kanilang mga nanlalalim na mga mata at labi. Matutulis ang kanilang mga itim na ngipin na may dalawang mahahabang pangil. Mahahaba ang kanilang mga payat na paa at kamay na may mga mahahabang payat na daliri at matutulis na kukong itim. Bakat na naka-umbok ang mga tadyang nila na halos wala na silang tiyan na lubog na lubog. Kamukha ng mga katawan nila ang mga Jews na ikinulong sa mga concentration camps ng mga Aleman noong panahon ng ikalawang digmaan ng mga bansa.
"Dexter huwag kayong pakakagat sa mga bampira. Matutulad kayo sa kanila. Mag-ingat kayong lahat."
"Oo Luna. Ingat din kayo."
"Daddy hindi sila gaanong karamihan. Reserve natin ang ating ibang armas para sa kabilang tunnel."
"Sige anak."
"Warrrrgghhhhh! Dugo! Maraming sariwang dugo!" Sigaw ng mga nauunang bampira. Sina Dexter ang kanilang naamoy. Bumilis ang kanilang mga kilos na para na silang tumatakbo na pati ang kanilang mga kamay ay itinutukod na sa basang batuhang sahig ng mga riles.
Nakalapit na sila sa mag-ama na nagsimulang kumilos na. Nagbago ang kulay ng mga mata ng dalaga. Bumilis ang kanyang mga kilos. Sa tingin niya ay parang berdeng uod na gumagapang sa mga dingding at kisame ang mga bampira. Nagtatalsikan ang kanilang sumisirit na maitim na dugo, pugot na ulo at nahahating katawan. Kaliwa't kanan, sa harapan at itaas niya ang mga halimaw. Paminsan-minsan ay tinitignan niya ang kanyang ama na mabagal sa kanya ang kilos pero para sa mga halimaw ay triple na ang bilis. Pero marami pa rin ang nakalalampas sa kanilang dalawa.
"Dexter humanda kayo. Parating na sila sa inyo!"
"Okey Luna. Men ready. Granade launchers muna. Isa-isa at huwag kayong magsasabay para mas marami ang mapatay na mga halimaw. Pagkarapos ng mga UV granades, gatling guns ang susunod."
"Sir ayan na sila! Ang bilis nila."
"Captain Bunye alternate tayo sa mga granada."
"Sige tentyente. Men fire!"
BINABASA MO ANG
Princess Of Darkness (COMPLETED)
HorrorMula sa Mundo ng Kadiliman ay isinilang si Maria Luna ang Prinsesa ng mga Aswang na nakatakdang labanan ang mga Nilalang ng Kadiliman. Hinubog at sinanay upang linisin ang pangalan ng kaniyang Angkan.