Part 27 . . . "Pagwasak ng Moog na Gusali"

234 20 3
                                    

"Pagwasak ng Moog na Gusali"

---------

Lumalagitik ang mga nayuyuping bakal na shutters ng mga bintana at dingding na  salamin ng tower. May sumasabog na sa mga mga makakapal na salamin. Nakagawa na ng daanan si Cain ng kanyang mga alagad at natuwa silang dalawa ni Remuel.  Tinignan niya ang bakal na shutter ng main lobby at tinulungan siya ni Remuel. Ito naman ang dahan-dahang gumagalaw at unti-unting nayuyupi. Napapangiwi pa sila habang pinagmamasdan nila ang bakal na shutter. Isa-isang nabubunot ang mga malalaking tornilyo ng frame ng shutter hanggang sa sa tuluyan na itong natanggal at tumilapon sa harapan ng tower. Isinunod nila ang mga salaming pintuan at malalaking dingding na salamin. Sumabog ang mga ito.

Nakita ng mga nasa loob ng mga ibabang floors na nasa ilalim ng lupa  ang pagkawasak ng mga shutters na bakal at pagsabog ng mga salaming bintana at dingding.

"Humanda kayo. Papasukin na nila tayo. Matatagalan pa bago nila malalaman kung nasaan tayo. Bawat depensa sa mga pasilyo ay mahalaga. Umatras kung kinakailangan upang depensahan ang kasunod na pasilyo."sabi ng don na nasa unang pasilyo ng unang palapag. Nakaharap ang mga ibang Tactical Force ni colonel  sa malaking pintuang bakal na nasa hagdanan. May isa pa na nasa itaas ng basement.  Dalawa ang may hawak na gatling guns na nanginginig ang mga kamay dahil sa matinding kaba nila.

"Oras na aking mga alagad. Pasukin na ninyo at ubusin silang lahat!" Utos ni Cain.

Nagsimulang bumaba sa roof top ang mga bampirang bayakan at bampirang aswang na lumilipad. Ang iba ay patungo sa mga basag na salaming  bintana at dingding  sa ibat-ibang floors ng gusali.

Sa ibaba ay nag-uunahan ang mga halimaw na daga, mga bampira at bampirang aswang sa pagpunta sa harapan ng gusali para pasukin ang lobby.

Bumuga na ang mga motion triggered na gatling guns. Bawat buga ay split second lang sa bawat madetect na gumagalaw. Nanonood lahat ang mga naghihintay sa mga monitors na nasa itaas ng mga pasilyo. Inililipat nina Bea ang kuha ng bawat CCTV para makita lahat ang mga nangyayari sa labas ng gusali.

Bawat tamaan sa mga halimaw ng mga gatling guns ay sumasabog ang mga katawan at kaagad na nagliliyab.  Sa roof top ay nasa ere pa lang ang mga halimaw ay nagliiyab na ang kanilang katawan. Walang makalapag. Ang iba na wala sa shooting ranges ng mga gatling guns ay nakapasok na sa mga bintana at dingding.

Sa ibaba ay patuloy ang pagputok ng mga gatling guns na  nasa harapan ng lobby at sa bawat kanto ng gusali. May mga tumatakbo papasok sa basement. Ang akala nila ay may daanan nang papasok.  Sa ibaba ng ramp  ay sarado ang makapal na bakal na sliding  shutter. Sa magkabilang sulok nito ay may tig-isang gatling guns na nagsimulang pumutok na rin.

Daan-dàang halimaw ang mga napatay na pero marami pa rin ang mga sumusugod. Tinignan ni Remuel ang ibang mga gatling guns na nasa harapan ng gusali at sinira niya ang mga ito. Tumingala sa itaas ang mga gatling guns. Ang ibang hindi niya nakikita ay  naubusan na ng mga bala.

Natuwa si Cain kahit marami sa kanilang mga alagad ang nalagas. Ngayon ay wala ng hadlang sa mga halimaw. Ang karamihan sa mga bagong likhang bampira  ay nangungunyapit na sa labas na gilid ng dingding. Para silang mga langgam na umaakyat sa gilid ng gusali at pumapasok sa mga bukas na bintana at dingding. Sa lobby ay nag-uunahan ang mga halimaw na daga at maiitim na pusa. Kasunod nila ang maraming bampira. Napasok na rin nila ang pent house pero hindi sila makapasok sa elevator.

Nakikita nina Bea ang mga halimaw na nasa mga pasilyo sa mga itaas na floors. May pumapasok na sa mga kwarto at naghahanap ng mga tao.

"Bea kapag marami na ang mga nasa loob ng mga kwarto ay isara ninyo ang mga pinto at buksan ang mga aparato. Huwag sabay-sabay ang pagbukas ng mga aparato. Baka bumigay ang ating generator. Patayin lahat ang mga ilaw mula sa ground floor pataas.  "

Princess Of Darkness (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon