Part 54 . . . Zacharias at Cain

77 6 0
                                    

Hindi sukat akalain ni Belial na masisilo siya ni Maria Luna. Humihigpit ang liwanag na taling nakapulupot sa kanyang leeg. Nakadugtong ang taling liwanag sa bilog na pwersang liwanag. Para siyang asong na-uulol sa loob ng isang hawla.

Binilisan pa niya ang pagkampay sa kanyang malalaking pakpak at lumipad paurong  palayo sa tabi ng bilog na pwersa. Hindi niya mapatid ang taling liwanag. Lalo lang nagpahigpit ito sa pagkakapulupot sa kanyang leeg. Nagpa-panic na siya.

"ANO KA NGAYON BELIAL? NASAAN ANG IPINAGYAYABANG MONG LAKAS AT KAPANGYARIHAN?" Sigaw ng dalaga.

"DEMONYA KA! LABANAN MO AKO NG PAREHAS!" Parang ang ramdam niya ay lumalaki na ang kanyang ulo. Lalong lumaki ang pagkakadilat ng kanyang mga mata na parang gustong bumulwak ng palabas.

"Demonyo? Ako pa ang ginawang demonyo ng gagong ito! Naghahanap pa ng parehas na laban! Ngayon lang ako nakatagpo ng   demonyo na ang gusto ay parehas na laban. Parehas naman ang labanan natin. Gumamit ka ng pwersa, gumamit din ako. Gumamit ka ng sandata at dalawa pa, gumamit din ako. Ano ang hindi parehas Belial?"  Lumapit ang dalaga sa gilid ng pwersang bilog.

"GWAAARRRRKKK! ALISIN MO ITONG TALI SA LEEG KO!" Sigaw niya  ng may libo-libong boses na nagsasalita.

"Alisin ko man ang taling liwanag ay hindi ka pa rin makatatakas. Pero pagbibigyan kita."

Isang galaw lang ng hintuturo ng dalaga ay nawala ang taling liwanag. 

"AHHHHHHH!" Hinaplos ng demonyo ang kanyang leeg na may manipis na guhit na dumudugo. Kung magtatagal pa ay naisip niyang baka pugot na ang kanyang ulo.

"Paano ko kaya matatakasan ang babaing ito? Malphas, Samail Panginoon kong Hari, kailangan ko ang inyong mga tulong. Nagkamali ako. Higit siyang malakas sa akin."  Pagsusumamo niya sa kanyang isipan pero hindi sumagot ang kanyang mga tinawag.

-----------

Sa  north gate ay nagsimula na ang labanan ng mga aswang at ng mga grupo nina Ka Paeng at Dexter. May mga ilang kalalakihan ang natakot at nagtakbuhan pabalik sa loob ng astrodome. Natakot sila sa sinabing dalawang demonyong kasama ng mga paparating na aswang.

"ASINTAHIN NINYO SA MGA ULO ANG MGA LUMILIPAD NA MANANANGGAL. HUWAG MAGPAPAKAGAT  SA KANILA KUNG AYAW NINYONG MAGING KATULAD NILA. MAGPUNAS KAYO NG BANAL NA LANGIS SA INYONG MGA DAMIT AT KATAWAN PARA HINDI NILA KAYO MAHAWAKAN" Sigaw ni Ka Paeng.

Sinunod ng lahat nilang mga kasama ang sinabi ni Ka Paeng. Nagsimula silang magpahid ng banal na langis sa kanilang mga damit at katawan. 

"Sir kaming bahala sa mga lumilipad." Sabi ng kapitan ng mga rangers.

"Sige. Sa likuran namin kayo para protektado kayo. Ang may mga hawak na mahahabang buho, i-umang ninyo sa inyong harap ang inyong mga buho para hindi sila makalapit sa atin." Atas ni Ka Peng.

Sumunod ang mga kalalakihan. May habang halos apat na metroang hawak nilang matutulis na buhong kawayan sapat para hindi  sila madikitan ng impakto. Nagsimula ng magpaputok ang may mga baril.

Mabibilis ang takbo ng mga naglalakihang pusang itim at baboy. Naglalaway sila dahil sa gutom na gutom na sila. Naamoy nila ang mga taong nasa north gate. Gusto nila na sila ang maka-una. Kasunod nila ang mga taong aswang na hubo't hubad na tumatakbo. Naglalangis ang kanilang mga katawan. Nasa layong limampung metros na ang mga aswang  ng  bumuga ng mga bala ang tatlong gattling guns  nina Romano,  Nolan at Billie.

Parang winalis ang mga nauunang aswang ng tamaan. Sabog ang kanilang mga katawan at ulo. Sa likod nila ay nagsimulang sumabog ang mga granada. Nagliliparan sa ere ang mga putol-putol na katawan ng mga impakto. Laglagan naman sa lupa ang mga manananggal. Isa-isa silang tinitira ng mga snipers ng mga rangers na may mga night vision scope ang mga riple.

Princess Of Darkness (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon