Part 51 . . . Belial Ang Demonyo

350 14 6
                                    


"Belial Ang Demonyo"

---------

Sa loob ng isang mahabang sanga ng madilim na tunnel ng lumang minahan ng tanso ay naghihintay ang mga alagad nina Zacharias at Cain. Nagmumukmok pa rin si Zacharias sa pagkamatay ng kanyang asawang si Violy. Alam niya kasi na hindi na sila magkikita pa kahit na sa impiyerno.

"Bumawi ka na lang Zacharias."

"Talagang babawi ako Cain."

"KANINO KA BABAWI ZACHARIAS?" Isang malaking boses ang nagsalita.

" HUH!" Napatayo si Zacharias.

Lumitaw bigla sina Malphas at Belial.

Yumuko sina Zacharias at Cain sa prinsipe ng impiyerno.

"Bumaba ka rito sa lupa panginoon. Dahil ba sa pagkamatay ni Violy?"

"Hindi lang iyun Zacharias. Gusto kong subukan ang anghel na puti. Matagal ko na ring hindi nagagamit ang aking sundang."

"May digmaan bang magaganap Malphas? Hindi ko alam iyan" sabi ni Belial.

"Wala Belial pero kung mauuwi sa digmaan ang gagawin natin ay nakahanda si panginoong hari."

"Anong gusto mong gawin namin panginoon?" Tanong ni Cain.

"Gamitin ninyo ang inyong mga alagad. Maghasik kayo ng lagim dito. Lumikha pa kayo ng maraming alagad."

"Panginoon nagsimula na kami. May mga inutusan na ako na sa salakayin nila ang isang astrodome rito. Nasa subway ngayon ang aking ibang mga alagad."

"Maganda Cain. Ito na ang simula na malaman ng mga tao kung sino tayong mga demonyo. Belial puntahan mo sina Miniong at Lope. Humanda kayo.

-------

Sa loob ng tunnel ng subway ay mabilis na tumatakb ang mga bampirang aswang pasalubong kay Maria Luna. Lahat ay sumisingasing dahil naka-amoy sila ng dugo ng tao.

"Kapitan bilisan ninyo ang pag-atras. Hindi ko sila makakayang lahat ng biglaan dahil sa dami nila. Daddy bilisan din ninyo. Umakyat na kayong lahat sa itaas at sumakay sa mga APC."

"Okey Luna. Pabalik na kami sa itaas." Sagot ni Captain Bunye.

"Insan kailangan mo ng tulong?"

"Hindi muna Insan Zeno. Samahan mo muna sina daddy."

"Sige. Pabalik na kami sa itaas. Ramdam kong mayroon din dito. Baka maipit ka sa kanila."

"Huwag kang mag-alala insan. Kaya ko sila. Dad ilang subway stations pa bago marating ang astrodome."

"Dalawa na lang anak. Yung huling #16 ay sa tabi ng astrodome."

"Dad pasabugin ninyo ang tunnel doon sa station #15 para hindi nila madaanan. Patatagalin ko sila rito"

"Sige."

Lumipad ng mabilis ang dalaga pabalik sa sakayan ng tren. Nakita niya ang treng walang laman na nakahimpil. Kagyat siyang sumakay at pumasok sa driver's compartment.

Princess Of Darkness (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon