"First Kill"
(Edited)-----------
Madaling araw na ng matapos ang sayawan ng mga kabataan. Handog ni Maria Luna sa kanyang mga kaibigan at kamag-aral. Bumaha ng mamahaling alak at masasarap pagkain. Karamihan ay nalasing ng mag-uwian. Walo na lang silang natira sa bulwagan. Sila ang magkabarkada simula pa noong nasa grade 7. Ngayon ay nasa unang taon na nila sa kolehiyo. Nagliligpit na rin ng mga gamit ang dalawang banda. Sa malaking bilog na mesa ay naka-upo ang walo na wala pang balak umuwi ang karamihan sa kanila.
"Bea nagdala ka ba nung habilin ko?" tanong ni Maria Luna.
"Oo ML. Nasa silid. Nakalagay sa food warmer kong bag." Sagot ng kaibigan.
"Kunin mo dali at naglalaway na ako! Hi hi hi!" Sabi ng dalaga. Tumayo si Bea para kunin ang bag niya sa silid.
" Itong si ML basta't kare-kare nawawala sa sarili!" Sabi ni Billy.
"Eh mula pa noong first year high tayo ganyan na yan." Sabi ni Dianne.
"Masarap kasing magluto ng kare-kare ang mama ni Bea." sagot ni Maria Luna at ngumiti siya ng parating na si Bea.
Agad na binuksan ni Bea ang bag at inilabas ang food container. Medyo may usok pa ng buksan niya. Inilabas niya rin ang
ang bagoong na nasa bote. Hindi na ipinasalin ni Matia Luna ang kare-kare. Dumampot na lang siya ng kutsara at tinidor. Inupakan na niya ang pagkain. Natatawa ang kanyang mga kaibigan. Nainggit sila kaya kumuha na rin sila ng mga pagkain na nasa kanilang harapan."Kaya pala mula kanina ay hindi tumitikim ng masarap na handa si ML. Kare-kare pala ang hinihintay niya. " sabi ni Kenji ang boyfriend ni Dianne. Isa siyang mestisong Hapon.
Nangalahati na ang laman ng food container kay Maria Luna. Habang nagtatawanan ang kanyang mga kaibigan ay may narinig siya. Mahina noong una at lumalakas.
"Tulongggg! Hu hu hu! Tulungan ninyo kamiiii!" tinig ng isang babaeng humihingi ng tulong. Parang may nagbubulong kay Maria Luna na tulungan niya ang babae. Tumayo siyang bigla.
"Saglit lang ako. Dito lang kayo. Babalik ako!" Sabi niya at nagmadali siyang naglakad patungo sa elevator. Nagkatinginan ang kanyang mga kabarkada at bigla silang nagtawanan iba ang nasa isip nilang lahat.
Lumabas siya sa fourth floor ng mansion. Nasa hall pa lang siya ay hinubad na niya ang kanyang high boots. Nakita siya ni Yaya Metring.
"O bakit Luna humahangos ka?"
"Yaya may nariririnig akong humihingi ng tulong. Kailangan ko siyang tulungan. Ikaw na muna ang bahala sa mga kaibigan ko." Sabi niya. Kaagad siyang pumasok sa kanyang kwarto. Hinubad niya ang kanyang jacket at tube na damit. Nakabra at leather short na lang siya. Binuksan niya ang sliding glass door ng balkonahe.
Hindi muna siya lumabas sa balkonahe. May wireless surveillance camera sa labas. WIFI ang gamit na signal ng camera. Mabilis ang kanyang mga kilos. Lumapit siya sa mesita sa tabi ng kanyang kama. Binuksan niya ang kahon ng mesita at kinuha ang isang parang cellphone. Binuksan niya at may pinindot. Isa itong portable na wireless video camera interference gadget. Magugulo ang kuha ng camera sa labas ng kanyang balkonahe. Puro guhit lang ang lalabas sa monitor sa security room ng mansion.
Lumabas kaagad siya sa balkonahe. Tumingala at biglang nagbago ang kanyang anyo. Lumabas ang kanyang mga pakpak. Umigkas siya at ikinampay ang mga pakpak. Mabilis siyang umangat at lumipad na ng pataas. Ito ang unang paglipad niya pero parang alam na niya kung paano lumipad.
Sinundan niya ang sigaw. Mataas na ang kanyang lipad at nakatingin sa ibaba. Nasundan niya ang sigaw sa pagitan ng dalawang gusali. Sumisid siya pababa at pumasok sa alley sa pagitan ng dalawang gusali. Nakita niya ang babaeng sumisigaw pa rin. Nakatayo ang babae sa sulok sa tabi ng malaking basurahan. Sa harapan niya ay ang kasama niyang lalake na may hawak na malaking payong at tinutusok ang dulo ng payong ang malaking itim na baboy na pilit lumalapit sa kanila. Duguan na ang kamay at paa ng lalake.
BINABASA MO ANG
Princess Of Darkness (COMPLETED)
KorkuMula sa Mundo ng Kadiliman ay isinilang si Maria Luna ang Prinsesa ng mga Aswang na nakatakdang labanan ang mga Nilalang ng Kadiliman. Hinubog at sinanay upang linisin ang pangalan ng kaniyang Angkan.