Part 48 . . . "Ang Pagbabalik Ng Samurai Ninja"

169 19 3
                                    

"Ang Pagbabalik ng Samurai Ninja"

------------

Bumubulusok pababa sa lupa si Zeno. Hinang-hina na siya. Nararamdaman niya ang nalalapit niyang katapusan. Bumigkas siya  ng isang enkantesiyon pero walang nangyari. Nakikita niya sa itaas na humahabol sa kanya ang demonyo.

"Papa, mama patawad. Natalo ako. Hindi ko na maipaghihiganti ang ating angkan sa mga aswang. Onami, pinakamamahal ko. Patawad! Hindi na tayo magkikita pa." Dumadaloy sa kanyang isipan habang tumutulo ang kanyang mga luha. Padilim ng padilim ang kanyang paningin.

Biglang huminto ang kanyang pagbulusok. Parang huminto ang oras. Nagmistula siyang estatwa na nakalutang sa ere. Maging ang mga ulap ay tumigil sa paggalaw. Tulad niya ay parang ipinako ang demonyong humahabol sa kanya. Para itong rebultong bato na nakangisi pa na nakalutang sa ere.

Mula sa kawalan ay lumitaw ang isang  espirito, si Gundina. Lumiwanag ito at lumapit kay Zeno.

"Narinig kita. Hindi ka pa maaaring mawala Zeno. May misyon ka pang dapat isakatuparan. Kailangan ninyong magkita pa ni Maria Luna. Kailangan niya ang tulong mo laban sa mga kampon ng diyablo.  Bibigyan kita ng panibagong lakas at kapangyarihan pero panangdalian lamang. Ikaw pa rin ang magpapalakas sa iyong sarili." Lumipat ang liwanag sa katawan ng binatilyo. Nawala si Gundina.

Nagpatuloy ang pagbulusok sa lupa ang binatilyo. Nakaramdam siya ng kakaibang lakas. Dumilat ang kanyang mga mata. Nakikita niyang papalapit na ang demonyong nakangisi.

Huminto siya sa pagbagsak  sa lupa at lumipad. Sinalubong niya ang demonyo. Lumiwanag ang hawak niyang katana at bigla itong umapoy.

"Huh! Anong nangyari sa iyo? Ahhhhhhh! Hindi maaari ito."

"Oras na ng kamatayan mo demonyo! Ibabalik na kita sa pinanggalingan mong impiyerno." Tinaga niya ng ubod lakas. Naputol ang pananggang katana ng demonyo at tumuloy ang katanang nag-aapoy sa ulo nito.

"Aaaaaargghhhhh!" Nahati ang ulo sa gitna. Nagpatuloy ang katana hanggang sa ibaba ng katawan. Nahati ang buong katawan ng demonyo at nagkahiwalay. Pikit-dilat ang mga mata. Bigla silang  nagliyab at naging nagbabagang abo na sumabog at kumalat na tinangay ng hangin.

Nakaramdam ng sakit sa dibdib ang binatilyo. Bumubulwak ang kanyang dugo mula sa mga sugat sa kanyang dibdib at likod. Umusal siya ng isang enkantesiyon. Huminto ang pagdurugo ng kanyang mga sugat pero hindi naghihilom. Nanghina siyang bigla. Muli siyang bumulusok pababa sa lupa. Malapit na siya sa lupa. Pinilit niyang lumipad para bumagal ang kanyang pagbagsak pero bigla siyang nawalan ng malay tao.

Naghahanap naman sina Toshiro at Ishikawa nang nakarinig sila ng malakas na tunog ng tubig mula sa munting lawa. Parang may bumagsak na malaking bagay. Nagmadali sila patungo sa munting lawa.

"Ama ayun may lumulutang na tao. Tila si Zeno yata siya."

Kaagad silang lumusong sa tubig at mabilis na lumangoy.  " Ama si Zeno nga ito. May sugat siya sa dibdib." Sabi ni Ishikawa nang makalapit sila sa binatilyo na wala pa ring malay tao.

Kinuha ni Toshiro ang hawak pa ring katana ni Zeno. Pinagtulungan nilang maitabi ito sa tabi ng lawa.

"Kailangan magamot kaagad ang kanyang sugat. Mabuti hindi na dumudugo." Sabi ni Toshiro.

Pinasan ni Ishikawa ang binayilyo. Nagmadali silang bumalik sa mansion. May narinig silang dalawang malalakas na pagsabog. Sumabog na ang dalawang yate. Kasunod ay manaka-nakang tunog ng mga putok ng mga baril.

Malapit na sila sa likuran ng mansion nang salubungin sila ng dalawa nilang tauhan.

"Boss clear na ang buong paligid. Iyung ibang mga kalaban ay nagtakbuhan palayo."

Princess Of Darkness (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon