Part 58 . . . Malupit na Paghihiganti

65 7 0
                                    


'Hark! Hark! Hark! Patay ka na Maria Luna!" Sigaw ng demonyong si Malphas. Nasa harapan niya ang dalagang anghel na nakalutang sa ere at may  nakatuhog na sundang sa dibdib nito.

Naghalakhakan na rin ang mga demonyito at demonyo habang pinagmamasdan nila ang kalabang mortal ng kanilang pinunong prinsipe na hindi na kumikilos.

"Panginoong Malphas sa wakas ay nadale mo rin siya. Hark! Hark! Hark!" Tawang-tawa ang katabing demonyong prinsipe ni Malphas.

"Akala ko ay tunay na malakas ang iyong kapangyarihan Malphas. Mali talaga ang akala. Pinatunayan mo lang ngayon na isa kang bobo at tanga na madaling linlangin. Pagmasdan mong maigi at idilat ang iyong mga bulag na mata."

"HUH!" Nagtaka si Malphas ng marinig ang boses ng dalagang anghel.

Pinagmasdan niya ang nakatuhog na si Maria Luna. Unti-unti itong naglalaho. Nahulog sa lupa ang sundang ng tuluyan na itong nawala.

"Ano ngayon mga ungas. Sige ipagdiwang pa ninyo ang pangitain ko."

"Panginoong Malphas! Nalinlang tayo ni Maria Luna!"

"NASAAN KA? PAKITA KA!" Sigaw ni Malphas.

"Naririto lang ako sa inyong likuran mga bobo!"

Sabay-sabay silang lumingon. Nakita nila ang dalagang anghel sa itaas na nakalutang sa ere. Sa harapan niya ay mga bolang pwersang liwanag na mabilis na lumipad patungo sa mga demonyo.

"Ayeeeee! Arghhhh!"

Hindi nagawang umilag, tumakbo o maglaho ang mga alagad ni Malphas. Sa isang iglap ay nilamon sila ng mga bolang pwersang liwanag at nagsabugan ang mga itong kasama sila.

Ibinato ng dalagang anghel ang kanyang nagbabagang asul na espada. Umikot ito na parang elisi ng eroplano patungo sa prinsipe ng mga demonyo na nagawang itaas pa ang dalawang braso para salagin ito.

"Whhhaaaarrrrggghhh!"

Parang circular saw ang espadang pinutol ang dalawa niyang braso at hinati ang kanyang katawan mula ulo pababa kasunod ay nasunog ang mga  bahaging naputol na ang isa ay bumagsak pa sa tabi ni Malphas.  Bumalik ang espada sa kamay ni Maria Luna. Napaatras si Malphas. Bigla na lang niyang pinalabas ang kanyang mga malalaking pakpak at lumipad ng mabilis palayo sa dalagang anghel.

"Gusto mo pa akong takasan ngayon. Kanina lang ay hinahanap mo ako duwag na demonyo!" Sumunod siya sa higanteng demonyo.

Para silang mga gumuguhit na bulalakaw sa madilim na kalawakan, isang pula at isang puti dahil sa bilis ng kanilang paglipad.

"Kahit anong gawin mo ngayon Malphas ay hindi na kita pakakawalan pa. Kahit magtago ka pa sa impiyerno ay susundan kita!"

" Talagang desidido siyang tapusin ako. Tignan natin kung ano ang magagawa mo!" Iniisip niya. Bigla siyang naglaho.

Paglitaw niya ay nasa mapulang lupain siya. Parang disyerto ang lugar na napapaligiran ng mga mababang kabundukan. Walang mga puno o damo. Tuyot na tuyot ang namumulang lupa. Walang nabubuhay kahit isang insekto o langgam. Ito ang  Mars, ang pulang planeta.

"Hark! Hark! Hark! Natakasan din kita! Kailangan kong  pag-isipan kung paano ako babawi sayo." Nakatayo siya sa ibabaw ng isang pulang burol.

Biglang lumitaw sa kanyang likuran si Maria Luna ng hindi niya alam.

"Iyan ang akala mo ungas! Hmmmp!"

"PAK! ARGHHHH!"

Sinipa siya sa likod. Sa laki niyang siyam na piye ay tumilapon siya at bumagsak sa mga batuhan sa ibaba ng burol.

Princess Of Darkness (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon