"Hiwaga ng Tatlong Salita"Mabagal ang lipad ni Maria Luna sa loob ng tunnel ng subway. Iba ang amoy sa loob. Masansang ang amoy ng malansang maantot na hangin na parang may naagnas na patay na hayop at ang iba ay natuyot na patay. Maliwanag ang abot tanaw niya sa palikong tunnel. Wala siyang nakikitang gumagalaw o kakaiba maliban sa naaamoy niya at naririnig na mga kaluskos na parang may mga maraming pinipirat na malulutong na papel.
"Bea may nakikita ka ba." Mahina niyang bulong sa radyo.
"Wala beshy. Wait lilipat ako sa x-ray heat scanner. Titignan ko ang ibabaw ng subway."
"Sige. Bilisan mo. Masama ang pakiramdam ko. Duda ako sa aking naaamoy at naririnig."
May lumabas sa monitor ni Bea.
"Ano ang mga berdeng iyan Bea? Ang dami nila."
"Mga bampira na ho ang mga iyan Lolo Paeng. Beshy 5 kilometers paparating na sayo ang mga halimaw ang dami nila. Halos sakop nila ang habang mahigit sa isang kilometro at mabilis ang kanilang galaw. "
"Men narinig ninyo! Get ready. Fix bayonet. Granade launchers muna ang gagamitin nating lahat. Fire single shot. Ulo ang patamaan. Snipers choose your best positions. Ang target ninyo ay ang makita ninyong nasa pinakadulo sa kanila. Kami ang bahala sa mga nauuna. Tenyente Diaz, Ding alam na ninyo. Dating gawi. We will wait here." Utos ni Captain Bunye.
"Iiwanan ko kayo rito. Susundan ko si Luna. Kapag nakita na ninyo sila start firing. Huwag ninyo kaming alalahanin. " Sabi ng don.
"Yes sir!" Umangat ang don at lumipad.
Habang lumilipad siya ay may naaalala. Dati ay hindi niya nagagawang lumipad. Bagamat nananalaytay sa kanya ang dugong aswang ay hindi siya naging aswang . Ginawa siyang gabay ng kanyang Lola Rosario. Pagkatapos ng debut ni Maria Luna ay tinawag siya ng kanyang Lola Rosario at pinauwi sa España. Sinabihan siyang mahalaga ang kanilang pagkikita.
Nag-uusap sila sa silid ng matandang matiarka na mahigit ng isang daang walongpung taong gulang. Malakas pa dahil sa kapangyarihan ng itim na aklat. Ika-pitong araw na nang kanilang pagsasama at katatapos lang nilang magdasal ng kopya ng itim na aklat.
------
"Lola bakit pinayagan mong maging aswang ang iyong apong si Maria Luna? Mula sayo, sa aking Lolo Rodrigo na iyong anak, kay Papa na aking ama hanggang sa akin ay naging mga gabay lang tayo. Hindi naging aswang."
"Dahil si Maria Luna lamang ang nakasulat na itinakda ng itim na aklat Ranilo. Kailangan ay ganap siyang isang aswang para mabuksan niya ang pinakalihim ng tatlong salita. Mula pa sa Lola Gundina mo na pinakamalakas sa lahat ng aswang noon ay hindi rin niya nabuksan ang pinakalihim ng tatlong salita kahit nalaman niya ang tatlong salita. Kaya nang mamatay si Mama na naramdaman ko noon ay pumasok ang kanyang espirito sa katawan ni Maria Luna limang minuto noong nasa sinapupunan pa lang siya ni Franhezka. Kaya isang aswang na si Maria Luna bago pa lang ipinanganak. Pagkaluwal ng anak mo ay lumisan na ang espirito ni Mama kasabay ng pagkamatay ng kanyang katawang lupa.
Gusto ni Mama na mabuksan ni Maria Luna ang pinakalihim ng tatlong salita upang ganap nang mawala sa atin ang dugong aswang na isinumpa. Si Maria Luna lamang ang may kakayahang mapalaya tayong lahat.
Kahit naging gabay ka ng sarili mong anak ay nanalaytay din sayo ang dugong aswang namin ng iyong Lola Gundina. May kakayanan ka rin at kapangyarihan at lalabas lang ang mga iyan kung malalaman na ni Maria Luna ang pinakalihim ng tatlong salita."
Habang nag-uusap sila ay pumasok ang malamig na hangin sa loob ng silid. Lumabas ang espirito ni Gundina na nasa anyong kabataan pa niya.
"Mama! Dumating ka na. Ikapitong araw na namin ng pagdarasal. "
BINABASA MO ANG
Princess Of Darkness (COMPLETED)
HorrorMula sa Mundo ng Kadiliman ay isinilang si Maria Luna ang Prinsesa ng mga Aswang na nakatakdang labanan ang mga Nilalang ng Kadiliman. Hinubog at sinanay upang linisin ang pangalan ng kaniyang Angkan.